^

Pang Movies

Maja gulat na gulat sa pinagbago ni Coco!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Maja Salvador, maraming beses na raw niyang nakasama si Coco Martin, pero sa kanilang latest na pagsasama ngayon sa Ang Probinsiyano, natulala pa rin daw siya sa aktor.

“Kasi from Nagsimula sa Puso tapos Minsan Lang Kita Iibigin, noong first taping day ko (sa Ang Probinsyano) parang nakatulala ako kay Coco. Parang “si Coco ba ‘to?” 

“Madaming ipinagbago pero maganda, magandang pagbabago, parang panibagong Coco ‘yung nakikita ko.

“Kung sobrang grabe ng passion na nakita ko nong Nagsimula Sa Puso at Minsan Lang Kita Iibigin, dito habang nagta-taping kami ng Ang Probinsyano, iba. Iba ‘yung binibigay niya. Talagang sabi ni direk 100%, (sabi ko), “Direk parang 1,000% talaga”,” kwento ni Maja.

Isa pa raw talagang nagustuhan niya kay Coco, ‘yung masyado raw itong concerned sa kanyang karakter sa serye.

“Na-appreciate ko ‘yung sobrang concern niya sa character ko, sa pagpasok ng character ko, pati ‘yung kung paano ‘yung atake namin dito.

“Kasi dapat ibang-iba sa Nagsimula Sa Puso at Minsan Lang Kita Iibigin and I’m very thankful na mabigyan ulit ako ng chance na makatrabaho siya at nagpapasalamat ako sa Dreamscape dahil para rin ito sa mga fans namin na ang tagal na hinintay na magbalik tambalan kami,” sabi pa ng aktres.

Thankful din si Maja sa fans nila ni Coco, ang CocoJam na talagang matiyagang naghintay.Sa Monday (Sept. 28) na magsisimula ang Ang Probinsyano at papalitan nito ang timeslot ng Nathaniel na magtatapos naman ngayong gabi, Biyernes.

Arjo napabilib si Coco

Sobrang flattered naman ni Arjo Atayde sa introduction sa kanya ni Coco nang magpunta silang mga cast ng Ang Probinsyano sa Naga para sa special screening.

In-introduce ni Coco si Arjo sa mga tao sa Naga as the best actor of his generation na talagang ikinagulat ng huli.

“I was actually really thankful, overwhelmed, sobrang saya kasi coming from Coco, a brilliant actor as well, it’s an honor. And as I said, he’s one of the people I look up to as a mentor,” say ni Arjo.

Ayon naman kay Coco, nagsisimula pa lang daw sa showbiz ang anak ni Sylvia Sanchez ay napapanood na niya ito sa MMK (Maalaala Mo Kaya), at sa mga serye nito at noon pa ay napansin na raw niya ang kahusayan nito at noon pa, ginusto na niyang makatrabaho ito.

Maging si Albert Martinez na gumaganap naman na tatay ni Arjo sa Ang Probinsyano ay puring-puri ang anak ni Sylvia.

Jasmine marami ang pinagdaanang hirap sa tubig-alat

After ng premiere night ng Resureksyon last Tuesday night ay nakausap ng entertainment press ang isa sa bidang si Jasmine Curtis at gandang-ganda siya sa pagkakagawa ng pelikula.

“I think more than anything, I was very surprised with how it was edited and how it was colored. Everything that just put it altogether. But I’m very proud about how Direk Borgy (Torre) decided to pursue the final product so I’m just happy that it’s out,” say ni Jasmine.

Para sa young actress, pinaka-challenging scene para sa kanya sa movie ay ‘yung underwater scene niya with Isabelle Daza na gumaganap na ate niya.

“The water was freezing when we were shooting that. When we finally got out of the water, medyo pale na ‘yung katawan namin. Talagang nakalunok na kami ng maalat na tubig, it was very painful for our eyes as well. But all in all, it’s all worth it once you finally see it,” she said.

Produced ng Regal Entertainment and Reality Films, showing na ang Resureksyon sa mga sinehan. Aside from Jasmine and Isabelle, kasama rin nila sa movie si Paulo Avelino na isa rin sa bida, John Lapus, Niño Muhlach at marami pang iba.

vuukle comment

ACIRC

ALBERT MARTINEZ

ANG

ANG PROBINSIYANO

ANG PROBINSYANO

ARJO

COCO

MINSAN LANG KITA IIBIGIN

NAGSIMULA SA PUSO

STRONG

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with