^

Pang Movies

VP Binay si Alden ang gustong gumanap sa kanyang pelikula

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sinamahan ni Senator Nancy Binay ang ama na si Vice President Jojo Binay sa tsikahan niya with the entertainment press last Tuesday lunch sa Annabelle’s restaurant. Alam kasi ng Bise Presidente na light lang ang kuwentuhan kapag showbiz press ang kasama.

Pero siyempre, may mga tanong pa rin sa kanya tungkol sa sitwasyon niya ngayon lalo na’t may lumabas na survey na naungusan na siya ni Sec. Mar Ro­xas habang nangunguna pa rin si Sen. Grace Poe.

“Wake up call din siyemre para sa akin ‘yon. Pero nandoon pa rin naman ang mass base namin. Eh, magaling sa kuwentahan ang Chief of Staff ko. Na-predict niya nun’ng tumakbo ako Vice President last 2010 na lalamangan ko si Ro­xas ng more than 500 thousand votes but not more than 1 million votes. True enough more than 700 thousand votes ang panalo ko sa kanya.

“This time, mas makakalamang din ako,” pahayag niya sa unang bahagi ng usapan.

Hindi nga lang niya ibinuking kung sino ang magiging running mate niya. Isinama raw si Governor Vilma Santos ng kanyang Search Committee. Pero nalaglag na ang Batangas Governor sa Selection Committee.

“I understand Governor Vilma’s reason. But I think, hinog na siya to be elected sa isang national position!” diin ni VP Binay.

Sa lighter side ng tsikahan, nalaman ng press na fan din si Vice President Jojo Binay ng AlDub loveteam. Kung gagawing movie ang kanyang buhay, wish niyang si Alden Richards bilang siya na paiitimin lang.

“Oo, puwede siyang maging kakulay ko! Eh, sa sine naman, itinutugma kung ano ‘yung pangangailan (ng character). Siya ang sikat eh. Ang importante sa sine, ‘yung sikat ang artista para panghatak at may market na,” rason ni VP Binay.

Eh, ang lalabas na wife niya sa movie, gusto ba niya si Yaya Dub para kumpleto na ‘yung loveteam?

“Tanong ko mamaya, huh! Ha! Ha! Ha!” tugon ng Bise Presidente.

Eh si James Reid ba, hindi pumasok sa isipan niya?

Kasing taas niya si James.

“Ahh, kala ko kasing itim ko! Ha! Ha! Ha!” bulalas ng Bise Presidente.

“Hoy ha. Ipinanganak ako na ganito ang kulay. Kaya ipinagmamalaki ko ito. Ipinanganak akong Pilipino!” deklara ni VP Jojo.

Eh never daw kasi niyang sinubukang gumamit ng pampaputi. Takot daw siya sa nababalitang side effects nito. “Hangga’t maaari, ayoko. Gusto kong ma­ging natural ang kulay ko,” rason pa niya.

Eh, hindi rin daw siya gumagamit ng Viagra, huh!

“Kasi, walang paggagamitan! Ha! Ha! Ha!” diin pa ni VP Jojo.

Kaya naman daw ‘pag nagsimula na ang kampanya, gusto ni VP Binay na kunin ang serbisyo nina Alden at Yaya Dub kung sila ay papayagan.

“Gusto kong makasama ang AlDub! Ha! Ha! Ha! Wow na wow ba? Nakakapanood ako minsan. Sayang na-miss ko ‘yung huli. Pag napag-uusapan ang AlDub, natatalo ng AlDub ‘yung sa Senado.

“’Yung sa AlDub, nagkakasundu-sundo na! Eh, ‘yung sa Senado, lagpas nang isang taon! Hanggang ngayon ay nakaabang pa. Pero maganda (ang AlDub), huh! Nakaabot na ‘yon ng twelve million plus!” katwiran ni VP Jojo.

Pero siyempre, ang isang artistang bukal sa loob sa pagsuporta sa kanya ay si AiAi delas Alas.

“Gusto ni AiAi na pumasok sa pulitika noon. Pinapayuhan ko siya. Pero nang umayaw siya, nires­peto ko ang desisyon niya. Tatay ang tawag niya sa akin. Gusto ko ‘yung closeness niya sa pamilya,” rason pa ng kakandidatong presidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINAY

BISE PRESIDENTE

JOJO

NIYA

PERO

SIYA

VICE PRESIDENT JOJO BINAY

YAYA DUB

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with