^

Pang Movies

Brian umaming may tama na kay Jasmine hindi pa man nagiging sila ni Myrtle

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Kahanga-hanga rin ang tibay ng loob at lakas ng dibdib ni Brian Poe-Llamanzares, panganay na anak ni Senator Grace Poe, nang sorpresahin ang crush niyang si Jasmine Curtis-Smith sa presscon ng TV5 series niyang My Fair Lady.

Hindi pa man kasi sila nagkakaroon ng relasyon ni Myrtle Saroza na nauwi rin sa break-up, crush na niya ang younger sis ni Anne Curtis.

Ayon kay Brian nang aming makatsikahan sandali habang waiting sa pagda­ting ni Jasmine sa Manila Peninsula Hotel, nakita niya ang billboard ni Jasmine habang papasok siya sa Ateneo. Eh, hindi nga lang siya nagkaroon ng chance ma-meet ng personal ang aktres sa Ateneo dahil ahead siya’t pa-graduate na habang papasok pa lang si Jasmine.

Eh dahil naging abala rin sa pagtulong sa ina sa Senado, hindi napursige ni Brian na makaharap nang personal si Jasmine. Nang malaman niya kay Joyce Ramirez, kaibigan ng ina, na may event si Jasmine at hawak nito ang proyekto, siya na ang humiling na pumunta rito.

So nangyari nga ang pagkikita nina Jasmine at Brian last Thursday, speechless ang aktres habang nasa Cloud 9 naman si Brian!

May mga komento mang hindi maganda sa ginawa ni Brian, hindi niya alintana ‘yon. “Kahit ano naman ang gawin ko, may masasabi sila. So gawin ko na ‘yung gusto ko!” katwiran ng anak ni Sen. Grace.

After that meeting, text mates na sina Jas at Brian. Malay natin, masama rin siya sa cast ng MFL dahil sinubukan na rin naman niyang umarte sa Maalaala Mo Kaya. Sa Sept. 14 ang pilot ng MFL na lagi raw panonoorin ni Brian.

Kaya naman daw kitain Derrick pumiyok sa kotseng bigay ng bading!

Nilinaw ni Derrick Monasterio ang tsismis na may dyowa siyang bading na banker. ‘Yung kotse na gamit niya ay galing sa bading na ‘yon.

“Hindi po totoo ‘yon! Wala akong nabalitaang ganoon. Ewan ko saan nanggaling ‘yon. Hindi na inaano ‘yung ganoon. Baka lumaki lang.

“’Yun pa rin ang kotse ko ngayon. Meron nang nag-aalok ngayon. Sabi ko, kaya ko namang kitain ‘yon!” deklara ni Derrick.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ANNE CURTIS

ATENEO

BRIAN

BRIAN POE-LLAMANZARES

DERRICK MONASTERIO

LEFT

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with