^

Pang Movies

Kahit may amoy na Tom walang pinipili, lahat hinahalikan!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Hindi pa nagtatagal ang napakagandang teleserye ng MariMar sa GMA7 ay mataas na ang ratings na kanilang inaani. Kaya raw inspired at ganado ang mga writer at production staff ng network sa likod ng nasabing serye. Pero ang bulungan ay parang nagkadebelopan na raw ang lead stars ng serye na sina Tom Rodriguez at Megan Young. May namumuo na nga bang pag-ibig sa pagitan ng dalawa? Ano ha! Ang bilis. E, sino namang lalaking tunay ang hindi mai-in love, magnanasa, mae-L (elya) kay Megan na kahit katiting na pintas ay wala kang makikita? Pati nga ugali niya, hindi plastik.

Sino’ng babae mapa-matanda o bata man at kahit maging bakla ang hindi mahuhulog ang damdamin at mai-in love kay Tom Rodriguez? Super pogi ng aktor with matching smiling eyes pa. Karinyoso rin ito at romantiko na nanghahalik sa kahit may amoy at take note, ang dimples niya sa dalawang pisngi na pang-alis ng stress.

Well, natumbok ninyo baka ‘pag natapos na sa ere ang MariMar, super develop at buo na ang isang love story nina Tom at Megan.

Mga kalye ng Golden City balak ipangalan kina Alden at Mark

Grabe na ngayon ang kasikatan ni Alden Richards. Sumunod siya sa yapak ni Mark Herras. Pareho silang taga-Golden City, Brgy. Dila, Sta. Rosa, Laguna. Mas naunang nag-showbiz si Mark na naging Male Ultimate Starstruck Champion.

Madalas kong makita si Alden sa Phase 1 at sey ko na may artista effect siya. Kaya heto nga at click na click siya sa Eat Bulaga sa kalyeseye kasama si Yaya Dub (Maine Mendoza).

Ang alam ko, property pa rin nina Mark at Alden ang mga bahay nila sa Phase 1 ng Golden City. At gusto ng aming Brgy. Chairman na si Peping Cartano na magkaroon ng isang kalye sa Golden City na nakapangalan sa mga discovered talents ng showbiz tulad nina Mark at Alden. Bukod pa sa ibang naunang nag-showbiz like Renzo, Vanezza (mga singer) na nagko-concentrate sa kanilang pag-aaral. Idagdag pa ang bagong gumagawa ng pangalan sa larangan ng pagkanta na Magno Twins. Viva Talents sila at may magandang senyales ng pagsikat. Magaling kasing kumanta at mag-compose ng kanta ang dalawang matangkad at makikisig na kalalakihan.

Vice namimigay ng parol na may lamang pera!

Ang tindi ni Vice Ganda sa daily noontime show na It’s Showtime dahil sa kanyang maagang pamasko sa mga tao. May parol kasi sila na P25,000 ang papremyo na nasa loob at super sarap ng feeling kapag nabunot ang pangalan mo. Malaking tulong ito lalo na sa mga mahihirap. Malayo pa ang Pasko, for sure na may panggastos at pambayad ka na ng utang. Merry Chirstmas, Vice Ganda at sa iyong mga co-host sa It’s Showtime!

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG

BRGY

EAT BULAGA

GOLDEN CITY

KAYA

MGA

QUOT

STRONG

TOM RODRIGUEZ

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with