^

Pang Movies

Ibinuko ni Arum Pacman isang laban na lang magre-retire na, paghahandaan na ang pagkandidatong senador at presidente

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Magre-retire na raw sa boxing si Manny Pacquiao ayon sa promoter nito na si Bob Arum.

Sa isang interview kay Arum sa website ng Sports Illustrated, nasabi nito na isang laban na lang daw ang gagawin ni Manny next year at magre-retire na ito dahil tatakbo itong senador in 2016.

Dagdag pa ni Arum na mas mauuna pa raw ang Pambansang Kamao na mag-retire kaysa sa huling nakalaban nitong si Floyd Mayweather, Jr.

Alam kasi ni Arum ang mga plano ni Pacquiao at kabilang na rito ay ang isang magandang political career.

“He’s going to fight again next year, but his goal is to become a senator in the Philippines, which he will be next year, and then to be president,” pahayag pa ni Arum.

Ayon pa kay Arum, hindi raw possible na magkaroon pa ng rematch sina Manny at Floyd.

May inaayos siyang huling laban ni Manny kay Amir Khan na dating two-time world champion.

Dahil walang prenup mga kinita ni Giada De Laurentiis halos napunta sa ex-husband na si Todd Thompson

Kabilang na sa mga kinagat ng “divorce bug” sa Hollywood ay ang The Food Network celebrity chef na si Giada De Laurentiis.

Si Giada ay granddaughter ng dating Hollywood film producer na si Dino De Laurentiis.

Napapanood si Giada sa award-winning daytime cooking show na Everyday Italian.

Divorced na ito sa kanyang asawa na si Todd Thompson na isang fashion designer.

Naghiwalay ang dalawa noong nakaraang July lamang pagkatapos ng 11 years na pagsasama. May isang anak sila na si Judy Marie (7 years old) at mag-share custody sila rito.

Si Giada ang magbabayad ng monthly child support na nagkakahalaga ng $9,000 a month.

Dahil ikinasal ang dalawa na walang prenup, naghati sila sa kanilang mga properties kahit na mas mayaman at mas maraming na-acquire si Giada kaysa kay Todd.

Napunta ang bahay nila sa Pacific Palisades na nagkakahalaga ng $3.2 million kay Todd at 50 percent ng mga kinikitang royalties ni Giada sa kanyang mga na-published na cook books noong time na ikinasal sila ay makukuha rin ni Todd.

Kabilang pa rito ang mga unpublished books at 50 percent ng advances payment kay Giada ay makukuha ng kanyang ex-husband. Nagkakahalaga iyon ng higit na $5 million.

Pinaghatian din nila ang kanilang bank accounts na nagkakahalaga ng $2 million.

Noong December 2014 pa nagdesisyon na maghiwalay ang dalawa at pinost ito ni Giada sa kanyang Facebook.

“Although our decision to separate comes with a great deal of sadness, our focus on the future and overwhelming desire for our family’s happiness has given us the strength to move forward on separate, yet always connected paths. Todd and I share a beautiful daughter and a lifetime of great memories that we both treasure more than anything.”

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

GIADA

GIADA DE LAURENTIIS

LEFT

QUOT

SI GIADA

STRONG

TODD

TODD THOMPSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with