^

Pang Movies

Akting ni Vilma inisnab sa bakbakan ng best actress

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Galit na galit na naman ang ilang Vilmanians, kasi ang feeling nila ay totally inisnab ng isang award giving body si Ate Vilma Santos, na para bang hindi nila siya kinikilala bilang Movie Queen. Una, bahala sila kung ayaw nila dahil kanila naman ang award na iyon eh. Ang tamang attitude riyan ay kung ini-snob nila si Ate Vi, eh ‘di i-snob din ng fans ang award na iyan.

Isa pa, sabihin nga ninyo sa amin kung pinag-uusapan pa ba ang mga awards ngayon?

Tapos na ang panahon ng mga award. Noong araw, maski mga komiks, maglalabas kunwari ng balota para sa isang title, nagkakagulo na ang fans. Komiks lang iyon ha. Pero ngayon, kahit na yata sino ang magbigay ng award ay hindi na pinapansin eh.

Noong araw, isang buong taon kakabit ng pangalan ng isang artista ang title na kanyang napanalunan. Ngayon, pagkatapos niyang matanggap ang trophy ay wala na. Mayroon ngang trophy na ni hindi na pinag-iinteresang tanggapin ng mga nanalo eh.

Joey ayaw patulan ang mga tumitira sa AlDub

Natawa na lang kami sa mga sinabi ni Joey de Leon tungkol sa mga naninira sa AlDub love team nina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza). Ang payo ni Joey sa mga galit na galit na fans ay “patawarin na ninyo sila, dahil hindi na nila alam kung ano ang kanilang gagawin.”

Tama si Joey, kasi paano mo nga ba lalabanan ang isang phenomenon? Biglang sumikat ang AlDub, at sa palagay namin maski nga ang mga taga-Eat Bulaga ay nagulat din sa nangyaring ‘yan. Mga tao kasi ang bumuo ng love team na hindi naman nila inaasahan. Sino ba ang mag-aakala noong una na aabot sa ganyang popularidad si Alden Richards, eh hindi naman nag-click ang mga ginawa niyang serye noon. Pero biglang sumipa ang kanyang career at sinasabi ngang siya na ang pinakasikat na male star ngayon ng kanilang network. Inilampaso na niya sa popularidad ang iba. Masasabi nga natin na lahatin man natin, siya na siguro ang may pinakamataas na popularidad na na­abot sa network na ‘yan.

Kung mga taga-Eat Bulaga mismo ay hindi maipaliwanag ang ganyang pheno­menon, ano sa palagay ninyo ang sasabihin ng mga naapektuhan nila? Ano sa palagay ninyo ang sasabihin ng mga bu­mag­sak ang popularidad dahil sa love­team na ‘yan?

Natural, lahat ng paraan ay iisipin nila para mawala ang kredito ng love­team, particularly si Yaya Dub na sinasabi ngang siya talagang nagdadala sa team up.

Una, pinalabas na gimmick lang ang hindi nila pagkakakilala. May picture pa nga silang magkasama noon eh. Iyon pala, ni hindi pa artista noon si Alden, at kapwa sila nagsa­bing totoo na naroroon sila sa affair na iyon, pero hindi na rin nila matandaan na nagkita sila.

Kaya natural, ano ang sasabihin ng isang talunan? Siyempre, ang hope naman nila ngayon ay hindi na tumagal ang popularidad ng AlDub. Kaya ano ang sinasabi nila ngayon, “novelty lang iyan. Hindi rin tatagal iyan.” Totoo ngang novelty. Totoo ngang hindi mo masasabi kung hanggang kailan ang kanilang popularidad. Pero parang bagyo, hindi mo maikakaila na marami silang nasagasaan, at ang mga nasagasaan nila at patuloy pa ring sinasagasaan ng kanilang popularidad ay wala na ngang magawa, at hindi na alam kung ano pa ang gagawin nila.

In the final analysis, tama ang sinasabi ni Joey. Patawarin na ninyo sila dahil hindi na nila alam kung ano ang kanilang gagawin.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ANG

HINDI

KUNG

LEFT

MGA

NILA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with