^

Pang Movies

Marjorie ayaw pigilang makipaglandian si Julia, nagsalita na rin tungkol kina James at Rayver

- Vinia Vivar - Pang-masa

Para kay Marjorie Barretto, unfair naman daw for her daughter Julia Baretto ang mga balitang kung kani-kaninong guy ito nali-link. “I feel unfair for her pero that’s part of the business, eh. Minsan nga, mas marami pang alam ang mga tao kaysa sa amin. Minsan, kahit siya, “Ha?”, nakita sa ganitong lugar, “Ha?” She’s never been to that place. It’s just like that. It’s part of the business,” sabi ni Marjorie.

May mga times ba na tinatanong niya ang anak tungkol sa mga lumalabas?

“I know everything so I don’t have to ask her. She tells me everything. I know everywhere she goes and she really doesn’t have time to go dating.”

Pero okay lang ba sa kanya na makipag-date si Julia since nag-18 years old na nga ito?

“Oo naman. I don’t wanna be a corny mom. ‘Pag pinigilan ko, baka hindi na magkuwento ang mga anak ko, ‘di ba?”

Pero did she ask Julia nang lumabas ang balita sa kanila ni James Reid?

“No, I didn’t have to ask her kasi I’m aware of everything naman. I know naman what’s happening in her life. Tapos na naman ang issue, I don’t wanna relive that. That’s not a good issue,” paha­yag pa ni Marjorie.

Nilinaw din ng kapatid ni Claudine and Gretchen Baretto ang isyung nanliligaw si Rayver Cruz kay Julia.

“Rayver, no, no. Please, Rayver is para kong adopted son talaga,” she said.

Juday at Ryan makaka-dalawang babae na

Inanunsyo na nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa kani-kanilang Instagram account ang gender at magiging pangalan ng ipinagbubuntis ngayon ni Juday.

It’s a girl at pangangalanan nila itong Juana Luisa aka Luna.

Kasama ng announcement ang larawan ng mag-asawa na magkasama kung saan ay kitang-kita na medyo malaki na ang tiyan ni Juday na nasa ika-limang buwan na sa pagbubuntis.

Kaya bale magiging dalawang babae na ang anak nina Juday at Ryan - ang panganay nilang si Yohan at ang bunsong si Luna na lalabas na in 4 months’ time.

Ang pangalawa naman nilang anak na si Lucho ay 4 years old na ngayon.

Jasmine text mate na agad ng anak ni Sen. Grace

Hindi raw staged or scripted ang sorpresang pagbisita ng anak ni Sen. Grace Poe na si Brian Poe-Llamanzares kay Jasmine Curtis sa presscon ng TV5’s My Fair Lady na pinagbibidahan ng young actress na ginanap last Thursday sa Manila Peninsula Hotel sa Makati.

Habang ongoing kasi ang presscon ay bigla na lang dumating si Brian na may dala-dalang bulaklak para kay Jasmine.

Ayon sa tsika, crush na crush pala nitong si Brian si Jasmine kaya nag­lakas-loob na pumunta sa presscon para makilala ang young actress.

Siyempre, may mga nag-isip na baka gimik or scrip­ted ito pero sabi ng kampo ni Brian ay hindi raw po ito pakulo.

Close raw kasi ang line producer ng My Fair Lady na si Joyce kay Sen. Grace kaya nag-request si Brian to meet Jasmine personally. At hindi raw talaga alam ng young actress na darating ang anak ni Sen. Grace sa presscon.

After daw ng meeting nina Brian at Jasmine, text mates na raw ang dalawa ngayon.

Para namang pinagtiyap, kasabay ng presscon ni Jasmine for My Fair Lady ay ang presscon din ng Your Face Sounds Familiar sa ABS-CBN kung saan ay isa sa celebrity contestants ang ex-boyfriend niyang si Sam Concepcion at pareho silang nagsalita na hindi sila nagkabalikan.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANAK

ANG

BRIAN POE-LLAMANZARES

JUDAY

JULIA

LEFT

MY FAIR LADY

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with