^

Pang Movies

Singer na sinibak sa isang show nakatakdang maghiganti

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsumbong ang isang singer sa kanyang nanay-nanayan sa showbiz dahil sinibak na siya sa programang kanyang kinabibilangan.

Eh kahit may ginagawa pang bagong programa, hindi lubos maisip ng singer kung bakit kailangan siyang tsugihin sa show eh, bihira naman siyang lumabas sa programa.

Sinabing dahilan sa singer ang pagkakaroon niya ng programa sa kalabang network. Eh, hindi naman directly competitor ng programa ang bagong show na kanyang ginagawa kung saan mainstay siya, huh!

So ganoon na lang ang bwisit ng singer dahil nakatulong din naman siya sa isa niyang ginawang programa sa network na tumagal nang mahigit isang taon.

So huwag magulat kung sakaling bumulaga ang singer sa isang programa and then, masundan pa ito ng isang programa na katapat ng show na sumibak sa kanya, huh!

AlDub fans ‘hopia’ na sa kanilang pagkikita

Uulan na naman ng hopia (hoping) bukas sa Eat Bulaga! Bukas kasi ang laban ni Maine Mendoza aka Yaya Dub sa isang segment ng programa kung saan siya ang napili sa wildcard edition.

Siyempre, sa Broadway Centrum ang performance ni Yaya Dub eh, doon din ang puwesto ni Alden Richards tuwing simula at ending ng show, huh!

So umaasa ang AlDub Nation na bukas na ang tamang panahon ng pagkikita ng split-screen lovers! Ito na nga kaya ang hinihintay nilang pagkikita ng kanilang mga idolo, huh!

Naku, tiyak na umaga pa lang, dadagsa na ang fans sa Broadway. Umiwas sa lugar na ‘yon dahil susugurin ito ng fans ng dalawa!

Saka baka umaga pa lang, umapaw na ang tweets. Eh, ang dinig namin, paaabutin sa 4-5M tweets ang episode ng KalyeSerye bukas, huh!

Makapagbenta nga ng hopia bukas sa Broadway! Ha! Ha! Ha!

Pauleen handa nang magpaka-misis kay Vic

Sakay sa AlDub mania ang sagot ni Vic Sotto nang tanungin sa isa niyang presscon ang kasal nila ni Pauleen Luna. “Sa tamang panahon!” ang tugon ni Bossing dahil lumutang na ang balitang engaged na sila ng Eat Bulaga Dabarkads.

Eh, ang salitang ‘yon ang pina-uso sa KalyeSerye ng Eat Bulaga tungkol sa tanong kung kelan maghaharap ng personal sina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub, huh! Maging si Sec. Leila de Lima nga ay ginamit ang mga salitang ‘yon sa tanong kung kelan siya magri-resign, huh!

Of course, bongga si Poleng dahil sa mga babaeng nagkaroon ng kaugnayan kay Vic, tanging siya lang ang pakakasalan, huh! So, hindi drawing ang kumalat na tsismis noon na lalagay na sa tahimik ang dalawa, huh!

Eh, kagagaling lang sa Hong Kong nina Bossing at Poleng. Sapantaha ng marami, doon naganap ang proposal. Pero prior to that, may nakapansin na ng mamahaling suot na singsing ni Pauleen na may diamonds, huh! Kaya wala na ngang urungan ang kasalan ng da­lawa!

Eh, kapwa naman walang sabit ang dalawa, eh, keber ba nila kahit 35 years ang agwat ng edad nila, huh! What’s important is pangmatagalan talaga ang relasyon nila.

Kumbaga, handa nang maging domesticated wife ni Pauleen gaya ng ibang babaeng pinakasalan ng mga Sotto, huh!

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ANG

EAT BULAGA

HUH

LEFT

MAINE MENDOZA

QUOT

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with