^

Pang Movies

Pumiyok na! Pelikula ni Nora umaasa sa himala ng MMFF

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagpahayag ng kanyang disappointment ang Superstar Nora Aunor dahil sa hindi pagkakasali ng kanyang pelikulang Kabisera sa taunang Metro Manila Film Festival sa December 25.

Hindi kasi nakasali sa Top 8 official entries ang pelikula ni Ate Guy sa dahilan na wala raw itong box-office appeal.

Huling pelikula ni Ate Guy sa MMFF ay ang Thy Womb noong 2012.

“Siyempre, nakakapanghinayang kasi nasimulan na namin ‘yung movie at umasa kami na mapapasama siya sa MMFF.

“Nakakalungkot lang na noong ilabas nila ang official entries ay hindi kami nakasama.

“Siguro isang himala na lang ang puwedeng mangyari para makasama kami sa MMFF sa taong ito,” emote pa ni Ate Guy.

Saludo nga raw si Ate Guy sa kanyang mga katrabaho sa Kabisera, lalo na ang kanilang director na si Real Florido at producer na si RJ Agustin.

 “Mga bata pa sila pero ang sisipag nila para mabuo namin ang Kabisera. Kaya ganado tayo magtrabaho sa project na ito dahil nakakahawa ang energy nila sa set,” ngiti pa niya.

Samantala, masaya naman si Ate Guy para sa tagumpay ngayon ni Pambansang Bae Alden Richards.

Nakatrabaho na kasi ito ni Ate Guy sa isang short film titled Kinabukasan at nagkasama pa sila noong maimbitahan ang naturang short film sa Rotterdam International Film Festival in Amsterdam, The Netherlands noong nakaraang January 2015 lamang.

Ayon pa kay Ate Guy, nababaitan siya kay Alden noong gawin nila ang short film kaya ikinatutuwa nito ang pagiging sikat nito ngayon dahil sa AlDub loveteam nito with Maine Mendoza aka Yaya Dub.

“Napakabait na bata niyang si Alden. Marunong gumalang sa mga nakakatanda sa kanya. Hindi ako nagugulat na sumisikat siya ngayon.

“‘Yan ang blessing sa kanya dahil sa pagiging mabait niyang tao,” pagtatapos pa ni Ate Guy.

Sexy actress na may powerful sugar daddy, biglang naging pordoy!

Na-trauma na ang isang dating sexy actress sa pakikipagrelasyon sa mga lalakeng may hawak ng kakaibang kapangyarihan.

Akala niya ay forever na siyang mamumuhay na parang reyna dahil sunod ang mga luho niya at hindi na niya kailangang magpagod pa sa trabaho.

Pero dahil sa nalagay sa alanganin ang kanyang sugar daddy, nalagay din sa alanganin ang lifestyle niya.

Pinagsabihan siya na umalis na muna ito sa plush condo unit nito dahil kailangan itong ibenta ni sugar daddy bago ito ma-embargo dahil sa gagawing imbestigasyon sa kanya.

Pati na mga bank accounts ni sexy actress ay sinara at binigyan na lang siya ng pera na tatagal lang ng ilang buwan.

Pati ang magarang kotse na gamit ni sexy actress ay kinuha rin at binenta.

Kaya napilitan si sexy actress na mangupahan ng townhouse at mag-iba ng lifestyle dahil sa nangyari sa kanyang sugar daddy.

Kaya sa susunod daw, ayaw na niya ng powerful men dahil kapag bumagsak ito, kasama siya at ayaw na niyang maranasan pa ulit iyon.

Mga tiboli pala Hollywood actresses na sina Rossie O’Donnel at Tatum O’Neal, nagkakagustuhan na?!

Usap-usapan ngayon sa Hollywood ang pakikipagrelasyon diumano ni Rosie O’Donnell sa former Oscar winning child actress na si Tatum O’Neal.

Siyam na buwan pagkatapos na makipaghiwalay si Rosie sa kanyang ex-wife na si Michelle Rounds, nagsasama na raw sila ni Tatum.

Ex-husband ni Tatum O’Neal ang tennis star na si John McEnroe. Walong taon silang kasal pero nang maghiwalay sila, inamin ni Tatum na may interes na siya sa mga babae.

“I like women. I definitely have been dating mostly women recently,” pag-amin ng 51-year old former child star.

“I think women are the most amazing creatures on earth. They’re gentle, and also more intelligent than the men that I’ve met recently. I don’t have a steady right now, but I look forward to it.”

Nakita ngang nagdi-date sina Tatum at Rosie sa New York noong sabay manood ng Broadway musical na Hamilton nitong nakaraang August lamang.

Pero ayon pa sa rep ni Rosie, wala raw katotohanan na may relasyon ang dalawa.

“They’re friends and [have] been for a number of years. They aren’t quite ready to go public with their romance. They’ve known each other for a while, but the secrecy of their dating has made it more exciting.”

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ATE

ATE GUY

DAHIL

GUY

LEFT

QUOT

STRONG

TATUM O

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with