^

Pang Movies

Male celebrity na mapagpatol sa pelikula kahit walang TF, muntik mawalan ng career

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi na raw madadaan sa mga paghingi ng pabor ang male celebrity na ito.

Masyado raw naging generous ang male celebrity na ito sa pag-oo sa hiling ng kung sinong director na maging guest siya sa mga pelikulang ginagawa nila.

Bale tulong nga naman ng male celebrity ito dahil minsan ay wala siyang sinisingil na talent fee.

Pero huli na nga raw ang paglabas ni male celebrity sa isang indie comedy na naging super-flop sa box-office. Ang nangyayari kasi ay naa-associate siya sa gano’ng klaseng mga pelikula kahit na hindi siya ang bida at guest lang siya.

Si male celebrity kasi ang ginamit sa promo kaya inakala na siya ang bida ng flopsinang project.

Malaki raw naging epekto nito sa kanyang estado bilang endorser ng mga malalaking produkto. Mabuti na lang daw at walang endorsement niya ang nawala noong mag-flop ang pelikula kung saan nag-guest siya.

Pipiliin na raw ni male celebrity ang mga pagbibigyan niyang pabor.

Aalamin daw niya kung ano ang gagawin niya sa movie at sisiguraduhin niya na hindi siya ang magagamit sa promo para hindi siya ang masisi at malagay sa alanganin.

Regine may love advice para kina Alden at Yaya Dub

Kabilang ang Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa nahawa na rin sa lumalaganap na AlDub Fever.

Enjoy raw panoorin ni Regine ang KalyeSerye ng Eat Bulaga kasama ang anak nila ng mister niyang si Ogie Alcasid na si Nate Alcasid.

Masaya nga ang singer-actress-TV host para sa ka-loveteam ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub na si Alden Richards.

Nakasama’t nakatrabaho na niya kasi ito sa talent contest ng Kapuso network last year na Bet Ng Bayan.

Kung may ia-advice daw si Regine sa AlDub loveteam, ito ay ang huwag sumuko.

“Walang susuko. Kapag tunay ang pagmamahalan mangyayari rin ‘yan,” ngiti pa ni Songbird.

Taylor Swift bitbit ang Girl Squad nang kunin ang trophy para sa Bad Blood

Walang makakapagpigil sa pagiging reyna ni Taylor Swift sa mga award nights dahil humahakot na naman siya ng mga tropeo sa kakatapos lang na MTV Video Music Awards (VMAs).

Big winner si Taylor dahil napanalunan niya ang Video of the Year award para sa music video niya na Bad Blood na mula sa kanyang multi-platinum album na 1989.

Tatlong beses pang umakyat ng stage si Taylor para tanggapin ang awards for best female video at best pop video for Blank Space. At Best Collaboration with Kendrick Lamar for Bad Blood.

Umakyat nga si Taylor kasama ang kanyang Girl Squad na kasama sa music video na Bad Blood. Ito ay sina supermodels Gigi Hadid, Matha Hunt, Lily Aldridge, Karlie Kloss at Cara Delevigne; mga actresses na sina Marishka Hargitay at Hailey Steinfeld; at singers na sina Selena Gomez at Serayah.

Sabay-sabay nga silang rumampa sa red carpet para suportahan si Taylor.

Dalawang beses pang pumanhik si Taylor ng entablado para mag-perform kasama si Nicki Minaj na nakasagutan niya sa Twitter pero nagkaayos na sila. At siya rin ang nag-present ng Michael Jackson Video Vanguard Award kay Kanye West.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG

BAD BLOOD

GIRL SQUAD

MGA

NIYA

PARA

SIYA

TAYLOR

TAYLOR SWIFT

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with