^

Pang Movies

Marian sinaway na ni Dingdong sa kakatalon!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Manganganak na si Marian Rivera sa November kaya medyo bawas-bawas na ng load si Dingdong Dantes at Starstruck lang daw ang tinanggap niyang trabaho.

“Kasi, definitely, wala naman akong entry sa filmfest, so bukod sa trabaho ko sa NYC (National Youth Commission kung saan ay siya ang Commissioner), itong Starstruck ang aking aatupagin.

“Because, maganda rin ‘yun na preparation, in time na let’s say, kailanganin talaga ako sa November, sa panganganak ni Marian, at least, I will just be around kasi hindi naman ako engaged sa ibang proyekto na let’s say, kailangan kong pumunta sa ibang lugar. So, within reach ako parati,” pahayag ni Dong.

Si Marian naman ay may Sunday PinaSaya at halatang nag-e-enjoy ito sa show. Okay naman daw ito kay Dong pero aniya, dapat ay alalay pa rin. Sinabihan nga raw niya ang misis nang makitang tuma­talun-talon ito.

“Huwag lang masyado. Minsan, nakita ko siyang nagtatalon do’n, so sabi ko, “sa susunod na makita kitang tumatalon, ako mismo susundo sa ‘yo diyan,” kwento ni Dong.

“Relax lang. Pero hangga’t kaya, hangga’t pwede.  Sabi naman ng doktor at sabi naman ng kanyang katawan, okay pa naman siya, so siyempre, kung saan siya masaya, ‘di ba? Todo-support ako diyan,” he said.

Marami raw ang maganda at matangkad, Kris insecure sa mga papasok sa female avengers ng Starstruck!

After 5 years ay muling nagbabalik ang Starstruck ng GMA-7 sa kanilang ika-anim na season. Matatandaang sa 5th season in 2010 ay sina Steven Silva at Sarah Lahbati ang nagwaging Male and Female Ultimate Survivor.

For this season, si Dingdong Dantes pa rin ang tatayong host and this time ay si Megan Young naman ang makakasama niya. At the same time ay uupo rin ang aktor as one of the councils kasama sina Jennylyn Mercado, Joey de Leon and Regine Velasquez.

Magsisilbi namang segment hosts ang apat na naging produkto rin ng show na sina Kris Bernal (Season 4 Ultime Female Survivor), Rocco Nacino (Season 5 Second Prince), Mark Herras (Ultimate Male Survivor Season 1) at Miguel Tanfelix ( Starstruck Kids First Prince).

Sa presscon held last Monday night ay natanong sina Mark, Rocco, Kris at Miguel kung may threat ba silang nararamdaman ngayong may bago na namang season ng Starstruck.

Ayon kay Mark, sa tuwing may bagong season daw ang Starstruck na lumalabas, paulit-ulit na lang daw siyang tinatanong ng ganito since siya nga ang pinakaunang winner.

At laging iisa raw ang kanyang sagot – hindi siya natatakot at sa halip ay natutuwa pa raw siya.

“’Yung takot kasi, papasok lang yan sa utak mo ‘pag naiinggit ka, eh or mayroon kang inggit sa katawan. After nun’g mga nangyari sa akin, career, nagkaroon ng baby, everything na nangyari sa buhay ko, I’m so blessed na nagpapasalamat ako na until now, after 12 years, nandito pa rin po ako, umaarte pa rin sa harap ng camera, sumasayaw pa rin ako.

“And ‘yung takot, imbes na matakot, natutuwa ako kasi, nararamdaman kong maging kuya sa Starstruck, mayroon na namang bago na mas bata sa amin, mga bagong Kapuso,” sabi ni Mark.

Ayon naman kay Rocco, si Mark daw talaga ang iniidolo nila pagdating sa ganitong bagay dahil ito nga ang nauna sa kanilang lahat.

“Napag-usapan naming mga boys (na ka-batch niya), na gusto naming maging tulad ni Mark, as grounded as him, and professional as him. Ang gusto lang niya ay umunlad lahat.

“Hindi kami nate-threaten, we want to pay it forward to the younger ones. Kasi, tulung-tulong din naman eh and each has his own path so we just want to bring the best to everyone,” say ni Rocco.

Si Kris naman ay aminado na talagang hindi maiiwasan na magkaroon din ng threat sa kanya ang mga bagong papasok.

“For me, yes, hindi naman mawawala na may ganun’g threat feeling, pero like example, during my first taping, we had the chance to see all the girls. So, nakita ko, ang gaganda nila, ang tatangkad nila, ganyan. So, paano na ‘ko? Ano na ang mangyayari sa akin?” natatawang sabi ni Kris.

“Pero kasi, naging isa akong ganu’n, eh. Naging isa akong uhaw na uhaw na maging artista, so, sabi ko, kung pupuwede lang na ipanalo na lang silang lahat, kasi alam ko ‘yung pakiramdam, eh.

“Pero ngayon, ang feeling ko na lang, I just want to be a good example who can be their sister and can be their advisor also. ‘Yun na lang ang feeling ko ngayon. ‘Yung threat feeling, parang nawala na ‘yun. Gusto ko na lang sumuporta dahil isa rin akong uhaw na uhaw maging artista,” sey pa ni Kris.

Agree naman si Miguel sa sinabi nina Rocco and Mark na hindi raw sila nate-threaten at masaya sila para sa mga bagong darating na ito at mga bagong sisikat.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

DINGDONG DANTES

LANG

NAMAN

PERO

RIN

ROCCO

SEASON

STARSTRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with