^

Pang Movies

Ikinumpara pa sa Little Mix: Apat na Pinay gumagawa ng ingay sa UK!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Lumikha ng ingay sa ika-12th season audition ng The X-Factor UK ang apat na magkakapatid na Pinay na mula pa sa Isabela.

4th Power ang tawag sa grupo nina Mylene, Celina, Irene, at Almira at napanganga ang au­dience sa ipinakita nilang performance sa entablado.

Inawit nila ang Bang Bang nina Jessie J., Aria­na Grande, at Nicki Minaj.

Maging ang judges ng The X-Factor na sina Simon Cowell, Cheryl Fernandez-Versini, Rita Ora, at Nick Grimshaw ay nagulat sa ipinamalas na performance ng magkakapatid.

Sa naging interview, sinabi nila na nanggaling pa raw sila ng Pilipinas para lang mag-audition sa The X-Factor.

Pagkatapos ng kanilang performance ay pinagkaguluhan sila ng U.K. media at ikinumpara pa sila sa all-girl group na Little Mix na grand winner ng naturang talent show noong 2011.

Dahil sa naging ingay ng 4th Power sa U.K., ni-research ng U.K. tabloid na Daily Mirror kung sino at saan nanggaling ang grupong ito.

Nalaman ng naturang tabloid na professional singers na pala ang magkakapatid na ito at may sarili nang album.

“All contestants are supposed to be wannabe beginners but these girls are seasoned performers who have been on TV and even released records available to buy on Amazon,” ayon pa sa report ng Mirror.

Napag-alaman pa ng Mirror na noong 2010 pa na­ging professional performers ang 4th Power na unang nakilala bilang The Gollayan Sisters.

Pinalitan nila ito at naging The Cercados at nag-release sila ng album titled Unstoppable na mabibili na rin sa U.K.

Lumaban na rin sa ilang talent shows sa Pilipinas ang magkakapatid. Kabilang na rito ang Talentadong Pinoy, It’s Showtime, at Pinoy Idol.

Huli silang sumali sa Superstar K6, isang sikat na talent show in South Korea. Gamit nilang pangalan doon ay M.I.C.A.

Naimbitahan ang magkakapatid ng producers ng The X-Factor pagkatapos silang mapanood sa mga performance videos nila on YouTube.

Wala naman daw problema iyon sa rules ng show.

Ayon pa sa rules: “Acts may be invited to audition for the programme by researchers acting on behalf of the producer…Such acts will be required to go through the audition process.”

Hindi pa naman daw naia-announce kung nakaabante na sa next stage of competition ang 4th Power sa The X-Factor.

Samantala, ang audition preview video nila on YouTube ay nakakuha na ng higit sa 1.1 million hits.

Ken Chan naging asset ang payatot na pangangatawan

Ang lean na pangangatawan ni Ken Chan ang naging unang consideration kung bakit siya napili bilang bida sa malapit nang ipalabas na afternoon teleserye ng GMA-7 na Destiny Rose.

Ang mga nakasabay daw kasi ni Ken sa audition ay Kapuso actors na malalaki at maskulado ang mga katawan.

“Sinabi po nila sa akin na tamang-tama lang daw ang body type ko for the role.

“Kailangan daw kasi nila ay ‘yung slim ang pa­ngangatawan dahil magta-transform ang character na si Joey to a transwoman na si Destiny Rose.

“Tapos tiningnan din nila ang mukha ko. Tamang-tama rin daw dahil puwedeng maiba ang mukha ko para magmukhang babae.

“But of course, ‘yung ipinakita ko ring acting sa audition ay na-impress sila. Una nila akong pinaarte as Joey. Lalaki siya pero may pusong babae. Nakita raw nila ‘yun sa pagbitiw ko ng dialogues,” kuwento pa ni Ken.

Hindi naman daw worried si Ken na baka pagkamalan siyang gay dahil sa pagbida niya sa Destiny Rose.

“I am not worried sa ganyan kasi natsismis na po ako na bading noong nagsisimula pa lang ako.

“Pero I’ve proven them wrong kasi wala naman silang pruweba. Wala naman silang maipakita na kahit anong proof na gay ako.

“Kaya good vibes lang ako sa project na ito. I am hoping that it will open new doors for me.”

May non-showbiz girlfriend si Ken at five months na silang mag-on. Nakilala raw niya ito sa isang commercial na ginawa niya.

Sustentado raw ng Hollywood actor dating yaya nina Ben Affleck at Jennifer Garner, sosyalera at copycat na ngayon ng dating amo!

Kapwa hindi na suot ng estranged Hollywood couple na sina Ben Affleck at Jennifer Garner ang kanilang mga wedding ring.

Noong in-announce nila two months ago na magdi-divorce na sila, nakikita pa rin silang suot ang kanilang wedding bands na siyang nagbigay ng pag-asa sa kanilang mga kaibigan.

Pero sa magkahiwalay na kuha sa dating mag-asawa, hindi na nila suot ang mga singsing bilang patunay na tuloy na tuloy na ang kanilang divorce.

Naging dahilan ng pagkasira ng kanilang 10-year marriage ang pagkaka-link ni Ben sa nanny ng kanilang mga anak ni Jennifer na si Christine Ouzounian.

Ang naturang nanny ay living in style ngayon dahil sa mga post nito sa Instagram ng kanyang brand new car, pagbakasyon sa mga mamahaling resorts at pagsakay ng private jet.

Rumors has it na si Ben daw ang nagsusustento ng luho ng kanyang former nanny para wala itong ilabas na anumang mga pruweba na nagkaroon sila ng isang secret affair.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AUDITION

BEN AFFLECK

DAW

DESTINY ROSE

JENNIFER GARNER

KEN CHAN

MGA

NILA

X-FACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with