^

Pang Movies

Nabuko na siya ang inspirasyon sa pagbili ng bahay Coco hiyang-hiya kay Julia!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nahihiya si Coco Martin kay Julia Montes dahil may lumalabas na issue na binilhan niya ng bahay ang young actress.

Nakabili kasi si Julia ng bagong bahay sa subdivision din ng bagong mansion ni Coco kaya some are thinking na baka ang aktor ang nagbigay sa kanya para magkalapit sila.

Noon pa ay nilinaw na ni Julia kung paano niya nabili ang bahay. May broker daw kasi na inikot siya sa subdivision nina Coco nung time na naghahanap siya ng bahay. Nagandahan daw siya agad sa house pero hindi naman daw niya binili right away at pinag-isipan pa niya ng ilang buwan.

Nagkataon na may Wansapanataym special sila ni Coco kaya natanong niya rin ang leading man kung okay ba sa naturang subdivision. Sagot naman ng aktor, maganda raw at tahimik sa lugar. Pero hindi pa rin daw niya agad binili kundi after ilang months pa.

Sariling pundar ni Julia ang bahay kaya unfair nga namang natsitsimis na binili ito ni Coco.

“Oo nga, eh. Nahihiya ng ako sa kanya na may lumalabas na ganun’g tsismis. Kung may ibibigay man ako, siguro, hindi bahay, siguro wisdom,” natatawang sabi ni Coco.

Siyempre, kasama pa rin nito ang tsismis na sila na talaga pero say ng aktor, wala pa raw talaga.

“Wala pa talaga. Kasi very private akong tao, eh. Saka wala namang masama. Kung baga, kung totoo man ‘yun, wala namang reason para itago o ano,” he said.

Pero vocal din si Julia sa pagsasabing si Coco ang inspirasyon niya kaya siya nagpundar ng bagong bahay. Ano ang masasabi ng aktor dito?

“Masaya kasi sabi ko nga, at least, nakakapagbigay ako ng halimbawa sa mga katrabaho ko.”

Kelan naman niya iimbitahan si Julia sa bahay niya?

“Ngayong malapit na kami, baka maimbitahan ko siya,” say pa ng bida ng Ang Probinsiyano na mapapanood na sa Primetime slot ng ABS-CBN ngayong Setyembre.

Idolito Dela Cruz nakabuo ng 300 kanta dahil sa mga karanasan sa buhay

Ang singing champion noon ng April Boy Regino’s Umiiyak Ang Puso sa Sang Linggo NAPO Sila at champion din sa singing contest ng April Boys sa Eat Bulaga na si Idolito Dela Cruz ay may sariling album na ngayon.

Ito’y pinamagatang Ngayong Nandito Ka Na… Idolito Dela Cruz.

Nine years old siya simula nang mag-start siyang mahilig sa musika. Kaya lagi siyang sumasali sa mga singing contest.

Pero matapos niyang manalo sa Sang Linggo nAPO Sila at Eat Bulaga ay tumigil siya sa pagkanta noong 2009 dahil namatay ang kanyang parents at parang nawalan na rin daw siya ng inspirasyon.

Pero after two years, nang maalala raw niya ang sinabi ng ama niya na ituloy ang kanyang mga pangarap, natauhan siya at muling binuhay ang hilig niya sa pag-awit.

Mahilig din siyang mag-compose kaya apat sa kanta niya sa album ay siya rin ang sumulat. May pinaghuhugutan daw siya sa paggawa ng kanta kaya nakabuo na siya ng almost 300 songs. ‘Yung apat na kanta na isinama niya sa album niya ay napapanahon daw at dapat mapakinggan ng netizens.

‘Yung  kantang Ngayong Nandito Ka Na ay handog niya sa kanyang one and only love. Hindi pa raw sila kasal pero magdadalawang taon na silang mag-on. Nakaka-relate sila sa kanta dahil nu’ng mga bata pa sila ay pinaghiwalay raw sila at hindi nila alam na sila rin ang magkakatuluyan.

“Bata pa ako mahilig na ako sa music. Lahat ng brothers and sisters ko kumakanta. Sobra rin ang influence ng parents ko sa pagkanta ko,” bulalas pa ni Idolito.

Limang original songs ang napaloob sa album gaya ng carrier single nito na Ngayong Nandito Ka Na. Nandiyan din ang Lumaban Ka, All The Time, Itaga Mo sa Bato, at Mundo Ay Nagbago. Ito ay prodyus and distributed by DB Energy Music Co.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAHAY

EAT BULAGA

IDOLITO DELA CRUZ

JULIA

NGAYONG NANDITO KA NA

NIYA

PERO

SILA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with