^

Pang Movies

Kaplastikan lang daw family pic nina Claudine at Raymart, minamasama

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May mga negative feedback sa family picture nina Claudine Barretto at Raymart Santiago na magkasama noong Linggo.

Si Claudine ang naglabas sa social media ng litrato nila ni Raymart at ng kanilang mga anak na sina Sabina at Santino.

Sa mga nagnenega, maghunos-dili kayo. Imbes na mag-emote, matuwa na lang kayo dahil nagiging maayos na uli ang relasyon nina Claudine at Raymart.

May mga anak sila kaya hindi puwedeng forever na magkagalit ang mag-asawa. Kung hindi man sila magkabalikan, mahalaga na maging friends sina Claudine at Raymart, alang-alang sa kanilang mga anak. Huwag na kayong makialam sa personal na buhay nila ‘no!

Pamahalaan at INC nakapag-usap na, OA na trapik sa EDSA wala na!

Mabuti naman, nagwakas na kahapon ang protesta sa EDSA ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo kaya nawala na rin ang overacting na trapik sa EDSA.

Napanood kahapon sa NET25, ang TV station na pag-aari ng INC, ang announcement tungkol sa pagtatapos ng rally sa EDSA.

Sinabi ng isang INC general evangelist na “Mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo, nais naming ipahatid sa inyong lahat na nagkausap na ang panig ng Iglesia at panig ng pamahalaan. At sa pag-uusap na ito, ay nagkaliwanagan ang dalawang panig kaya payapa na ang lahat.

“Ito pong ating isinagawang mapayapang pagtitipon na sinimulan ng Huwebes ng hapon ay natatapos na ng mapayapa rin ngayong Lunes ng umaga. Salamat ng marami sa ating Panginoon, sa kanya ang lahat ng kapurihan. Mabuhay ang Iglesia Ni Cristo.”

Ka Tunying pahinga muna habang may gusot pa ang INC

Nakiisa sa protesta ng INC sa EDSA ang mga miyembro nila na mga kilalang personalidad sa tele­bisyon at pelikula.

Hindi lamang ang broadcast journalist na si Anthony Taberna ang na-sight noong Linggo sa rally sa Mandaluyong City dahil umapir din doon ang character actor na si Mike Magat.

May special participation si Mike sa Felix Manalo at ang ibang mga artista na kaanib ng Iglesia Ni Cristo.

Ewan ko lang kung special guest sa pelikula si Ka Tunying na pahinga muna bilang host ng mga programa niya sa ABS-CBN dahil sa mga kontrobersya na nangyayari sa simbahan nila.

Kesehodang nagkikilos-protesta INC members inabangan ang teaser ng Felix Manalo movie!

Araw ng Linggo nang i-upload noon ng Viva Films ang teaser ng Felix Manalo.

Sunday din nang i-upload ng Viva Films ang kumpletong trailer ng Felix Manalo na mapapanood sa YouTube at ibang mga entertainment website.

Itsurang busy sila sa kanilang mga kilos-protesta, inaba­ngan ng INC members ang paglabas ng full trailer ng pelikula na ipinagmamalaki nila.

Lalong tumindi ang pagnanais ng mga miyembro ng INC na mapanood ang kabuuan ng Felix Manalo dahil gandang-ganda sila sa full trailer ng project na ipinagmamalaki nang todo ng direktor na si Joel Lamangan.

Milyun-milyon ang mga kasapi ng Iglesia Ni Cristo at kung lahat sila eh manonood ng Felix Ma­na­lo, sa October 7, ito na talaga ang blockbuster movie ng 2015. Maging Box Office King & Queen na rin kaya sa susunod na taon sina Dennis Trillo at Bela Padilla, ang lead stars ng Felix Manalo? Malalaman natin ang tumpak na kasagutan sa tamang panahon!

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTHONY TABERNA

FELIX MANALO

IGLESIA NI CRISTO

INC

KA TUNYING

LINGGO

MGA

RAYMART

VIVA FILMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with