^

Pang Movies

Para makabili ng pangalawang bahay Liza mas priority ang magpayaman kaysa ma-in love kay Enrique

- Vinia Vivar - Pang-masa

At 17, nakabili na pala ng bahay si Liza Sobe­rano para sa kanyang pamilya. Kalilipat nga lang nila at say niya, masayang-masaya raw siya ngayong may bahay na sila.

“Kasi at least, alam ko na safe na ako na may house na akong stable at alam ko na kung may mang­yari sa akin, knock on wood, at least, mayroon silang titirhan and I don’t have to worry about that,” sabi ng young actress sa grand press launch niya for Nails Glow Nail & Body Spa kung saan ay siya ang kauna-unahang celebrity endorser.

Balak pa niyang bumili ng sariling bahay na para naman sa kanya, pero siyempre medyo matagal pa raw ito at kailangan daw muna niyang kumayod nang kumayod dahil binabayaran pa niya ang kabibili lang na house.

Mukhang madali namang matatapos ni Liza ang biniling bagong bahay dahil ang dami niyang endorsement sa ngayon plus may mga proyekto pa siyang ginagawa.

May pelikula siyang ginagawa under Star Cinema kasama ang ka-loveteam niyang si Enrique Gil and Ge­rald Anderson, ang Everyday I Love You na ipalalabas this year.

When asked kung may development na ba sa kanila ni Quen, say niya ay nagpaparamdam daw ang ka-loveteam pero hindi na raw muna niya ito pinapansin.

“Shrug off,” say niya kung ano ang ginagawa niya sa pagpaparamdam ni Quen.

Ang priority daw niya talaga kasi sa ngayon ay work dahil nga marami siyang bayarin.

Samantala, nilinaw din ng entertainment press kay Liza kung bakit niya sinara ang kanyang Twitter for a while at may paliwanag ang young actress about this.

“Kasi ako, well, you guys know na I’ve experienced bashing and everything, so ako naman, I know how it feels and ‘yung ibang tao, ayoko nang ma-experience rin nila because I know how low it can make you feel. So, as much as possible I’d like to promote peace.

“Tapos, siguro, one time, I saw na on my side, on my fans’ side, siguro, hindi rin nila maiwasan ma-overwhelm or masaktan kasi ako ‘yung bina-bash, pumapatol sila.

“And for me, gusto ko lang iparating sa kanila na - I tweeted kasi before I deactivated – I just wanted to let them know na sa akin, hindi okay na nangba-bash kayo ng ibang tao. Kung ako ang bina-bash, hayaan n’yo lang coz I can’t take it. I’m used to it na. 

“But there are other new stars, there are other people being bashed and ayokong manggagaling sa fan group ko because for me, ayoko ‘yung mga tao, matatakot na, “ay LizQuen, nakakatakot mga fans nila, mangba-bash”. Ayokong maging ganu’n sila. So, sinabihan ko sila,” paliwanag ni Liza.

Pero tila hindi raw ito naintindihan ng ibang fans niya at inakalang kinakampihan niya ang ibang fan groups.

“Siguro, ‘yung mga ilan, na-hurt sila dahil akala nila, kinakampihan ko ‘yung ibang fan groups which is my tweets were in general, sana ‘yung mga tao, matuto na silang magkaroon ng peace in between the fandom kasi it’s been going on for so long na and for me, hindi ba sila nagsasawa?” sabi pa ni Liza.

In real life ay wala naman daw silang away ng mga kapwa niya teen stars at artista.

“So, bakit kailangang ‘yung fans, nag-aaway? Why can’t they be happy for the success of others? So, pinagsabihan ko sila and some got hurt and some unfollowed me.

“So ako po, na-hurt ako like I felt I was trying to send out a message kasi ako, as a celebrity, I’m an influencer and I want to influence them to do the right thing,” sabi ni Liza.

Bumalik na raw siya sa Twitter ngayon at hindi raw siya titigil na sabihan ang fans niya to do the right thing.

May balita ring nagsanib daw ang fans ng LizQuen and JaDine nina James Reid at Nadine Lustre against KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, is this true?

“Ah, hindi ko po alam ‘yung against Kathniel, pero alam ko JaDine and LizQuen fans are friends which is ako, natuwa ako kasi, there’s two fandoms na okay sa isa’t isa and I wish na lahat ng fandoms, ganu’n sana, kasi ang dami-dami nang gulo sa buong mundo, bakit dadagdag pa ‘yung mga fans, right?” say pa ni Liza.

 

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

BODY SPA

DANIEL PADILLA

ENRIQUE GIL AND GE

EVERYDAY I LOVE YOU

FANS

KASI

NIYA

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with