^

Pang Movies

AiAi lucky charm ng GMA, magic ng Comedy Queen ibinalik ni Lord

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ayaw ilagay ni AiAi delas Alas na pinatataob ng comedy variety show nilang Sunday PinaSaya ang ASAP 20.

“Happy naman kami! Pero hindi naman kami ‘yung…Ha! Ha! Ha! Huwag naman ganoon! Masaya kami dahil pinanonood kami ng buong Pilipinas!” saad ni AiAi sa nakaraan naming chikahan bago siya umalis papuntang New York sa Lunes. Ginagaya na rin ‘yung comedy portions nila, huh! “Ha! Ha! Ha! Sinabi ko na ‘yan. Immitation is a form of flattery! Ha! Ha! Ha! Ang ganda! Ha! Ha! Ha! Walang buckle!” rason niya. Tumataba rin ang puso ng Comedy Queen dahil nagri-rate ang bagong programa. Kaya naman nagpapasalamat siya in behalf ng kasama niya gaya nina Marian Rivera, Jose Manalo, Wally Bayola, Jerald Napoles, Alden Richards at iba pa.

Ano ang reaksyon nila nang mapanood nilang may games at skit din ang ASAP? “Wala! Natulala lang kami. Nakakatulala lang. Eh ganoon naman siguro ang buhay. Siguro nasa proper t­iming din. Panahon ngayon nina…Especially ni Wally. Panahon ni Alden. Kami rin, kumbaga, naging part din kami na masaya kami dahil nasama kami sa panahon nila,” katwiran ni AiAi. Pati nga ang Wowowin ni Willie Revillame ay nadamay sa ratings nila. “Nagpapasalamat naman si Willie everytime na umeere siya,” saad niya.

“Kasi parang tuluy-tuloy ulit eh. Parang may laging opening uli eh. Si Willie nga lang host,” sabi pa niya. Nakinig din silang lahat sa payo ni Mr. Tony Tuviera na hinaan ang boses nila sa ere dahil nagiging maingay ang dating nila.

“Sinabihan kami ni Fatherhood, ni Chairman (Mr. T). Nu’ng una, sinabihan pa rin niya kami. Sobrang maingay rin kasi. Kasi sobrang overwhelmed ang tao sa loob, ‘yung mga fans, wala ka­ming monitor, ang nangyayari, lahat kami sumisigaw!

“So hindi namin alam pa kung paano. Siyempre, nanganganay. So napagalitan din kami kahit paano ni Fatherhood, ni Chairman. Kailangan ang mga boses hinaan kasi sigaw kami nang sigaw,” paliwanag ni AiAi.

Sa palagay ba niya, may dapat panghinaya­ngan si Regine Velasquez dahil hindi siya sumama sa show? “Ay, hindi ko alam! Di ko alam. Siguro me­ron din siyang dahilan kung bakit hindi siya napasama rito. Meron siyang ibang mas prio­rity sa buhay niya like ‘yung anak niya. Kasi maliit pa rin naman ang inaanak ko. Sigu­ro, ganoon kaya hindi siya nakasama,” dahilan ni AiAi na-miss din siguro ng mga tao ‘yung pagpapatawa niya sa TV dahil nasentro ‘yung dating programa niya sa drama. “Oo. ‘Yun din siguro. Na-miss din ako ng mga faney sa stand-uppers! ‘Ah, nagpapatawa na ulit siya!’ Masaya rin ‘yon lalo na kami ni Jose,” sambit ng Reyna ng Komedya. Eh, parang lumalabas na lucky charm din siya ng Kapuso Network dahil panalo muli ito sa ratings, huh!

“Ahhh, sana! Ha! Ha! Ha! Kasi, di ba? Sabi ko nga kay Lord, kung magpapatuloy akong mag-artista, ibalik Niya ‘yung magic. Baka ibinalik Niya ‘yung magic kaya ganoon. Thank you, Lord!” tugon ni Ai. “In fairness din kay Baby Boy, kay Lucky Boy, napaka-lucky!” sey pa niya. Ano ang masasabi niya na isasama raw ang AlDub loveteam sa festival movie nila ni Vic Sotto?

“Hindi ko pa po alam! Hindi ako puwedeng magsalita. Sila lang ang puwedeng magsabi kung kasama sila o hindi. Ha! Ha! Ha!” sagot ni Ai. Kung sakali, excited siyang makasama sina Alden at Maine Mendoza aka Yaya Dub?

“Siyempre naman! Excited ako. Gusto ko kasama ko sila sa movie. Ang anak kong si Sophia, fan ng Al-Dub! Pinapadala sa akin si Alden at si Yaya Dub. Kaya ko bang gawin ‘yon? Ha! Ha! Ha! Diyos ko! Maryosep, dito nga hindi pa sila nagkikita, kaya ko bang dalhin ‘yon? Ha! Ha! Ha! Kaloka!” sey pa ni Ai.

After ng show sa New York City, magkakaroon naman ng show si AiAi kasama si Alden. Pagbalik niya sa bansa, sisimulan na sa September 18 ang shooting kaya simula muli ng pagiging celibate ni AiAi, huh!

vuukle comment

ACIRC

ANG

DIN

HINDI

KAMI

KASI

NAMAN

NIYA

SIYA

YAYA DUB

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with