^

Pang Movies

Yaya Dub hinimatay na naman sa pangalawang pagkakataon!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Umapaw ang loob at labas ng Eat Bulaga studio kahapon na grand finals ng That’s My Bae hosted by Alden Richards at Sam YG, sa rami ng fans na in-accommodate ng show. Dalawa ang location ng KalyeSerye na inilihim ng mga hosts ng Juan For All, All For Juan para hindi sila dumugin ng mga tao tulad noon.

Bago naman ginawa ang pagsubok ni Lola Nidora (Wally Bayola) kay Alden, sa That’s My Bae, halatang worried at hindi maka-concentrate si Alden. Inamin niyang hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa KalyeSerye afterwards, bale kababalik lamang niya from Bicol at diretso siya sa show. Nagawa naman ni Alden ang pagsubok ni Lola Nidora na kunin ang tatlong plastic container na may lamang sili habang lumalangoy na naka-long sleeves at pants lamang sa isang 50-ft size swimming pool. ‘Di naman problema kay Alden dahil mahusay siyang lumangoy. Sa tuwa, hinimatay si Maine. Hindi pa rin nagkita ang dalawa dahil magkaiba sila ng location. Pero may susunod pa raw na hamon si Lola Nidora kay Alden. Desidido naman si Alden na tapusin ang mga hamon ni Lola Nidora para sa kanila ni Maine.

Ginebra players hindi masisilayan si Yaya Dub na muse ng kanilang koponan

Nagsalita na si Ms. Malou Choa-Fagar, ang TAPE, Inc. Executive Vice President, na hindi puwedeng maging muse ng anumang team ng Philip­pine Basketball Association (PBA) this year si Maine Mendoza aka Yaya Dub. Si Ms. Fagar ang tumutulong sa TAPE, Inc. na i-manage ang career ng tinaguriang Dubsmash Queen, kaya siya ang nilalapitan kapag tungkol sa career ni Maine.

Naisulat na namin dito ang kagustuhan ng basketball fans na si Maine ang magiging muse ng Barangay Ginebra sa opening ce­remonies ng PBA sa October 4. At ipinaalam na ito ni San Miguel Corporation Team executive sa marketing division nila. Ang sumunod na nagsalita ng kagustuhan nilang maging muse din ng team si Mahindra playing coach, Manny Pacquiao.

Pero bigo nga sila na makuha ang services ni Maine, kaya sorry na lamang sa mga umaming fans sila ng AlDub team nina Alden Richards at Maine, na mga top Ginebra players na sina LA Tenorio, Japeth Aguilar at Jayjay Helterbrand dahil bigong makasama nila si Yaya Dub sa opening ceremonies ng PBA.

Netizen wala na talagang sinasanto baby ni Marian sinisiraan na agad ng bashers

Nag-react ang manager ni Marian Rivera sa isang basher na unang binash ang kayang look. Sinagot ito ni Rams David sa kanyang Instagram na o­key lamang i-bash siya dahil hindi siya artista. Pero na­kiusap siya sa basher na huwag na lamang mandamay ng ibang tao na wala namang ginagawang masama sa kanya. Idinamay din kasi ng basher si Marian at ang magiging baby nito.

Pero lahat ng ito ay hindi na lamang pinapansin ni Ma­rian. Masaya siyang nag-guest sa Kapuso Mo Jessica Soho last Thursday at nag-taping siya para sa episode ni Jessica Soho sa kanyang show na mapapanood mamayang gabi, pagkatapos ng Ismol Family. Pag-uusapan nila ang latest na nangyayari sa pagbubuntis ni Marian sa first baby nila ni Dingdong Dantes at ang nalalapit na baby shower nila sa September 26. Wala pang binanggit si Marian kung saan gagawin ang baby shower ni Baby Maria.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ALL FOR JUAN

ANG

HINDI

LOLA NIDORA

MY BAE

NBSP

PERO

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with