^

Pang Movies

Lagi nang amoy baby ngayon! B.O. ni male starlet ipinagamot sa Thailand ng gay lover

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Walang pinoproblema ang male starlet na ito na kahit paminsan-minsan lang magkaroon ng project ay sunod pa rin ang mga layaw.

Ilang beses na ngang tinanong ang male starlet na ito kung alaga ba siya ng isang madatung na bading, pero panay ang deny nito.

Natatawa na lang ang mga taong alam ang mga nagaganap sa buhay ni male starlet.

Alam nila kung kanino galing ang magandang kotse niya, ang condo unit niya at ultimo ang underwear niya na signature brand ay bigay lahat ng kanyang rich gay lover.

“Kaya nga nawala din ang amoy niya sa katawan dahil sa pag-alaga sa kanya ng bading,” tawa pa ng aming source.

“Guwapo naman siya. Kaso kapag pinawisan, doon na nagsisimula ang baho niya!”

Kaya nang minsan daw dalhin si male starlet sa ibang bansa ng madatung na bading. Nagamot nga raw ang mabahong amoy nito sa katawan.

Nabawasan ang pagpapawis niya dahil dinala siya sa isang kilalang doctor sa Bangkok na nanggagamot ng ganitong problema sa katawan.

“Amoy baby na siya at hindi na amoy nagtatrabaho sa Malabanan,” pagtatapos pa ng source namin.

Megan umaming hindi magaling umarte, kaya todo workshop

Pinagsisikapan ni Miss World 2013 Megan Young sa MariMar ang matutunang umarte nang mahusay.

Nag-request pa si Megan ng acting workshop para mahasa siya at magampanan niya nang maayos ang pagiging si MariMar.

“I admit na hindi ako magaling umarte. The only acting na na-master ko ay ang maging kontrabida which I did in a few teleseryes.

“But that wasn’t enough and I want to learn more.

“Ang mga kasama ko sa MariMar, magagaling silang lahat at ayokong magmukha akong umaakting ng wala lang or puwede na ‘yan.

“I want people to take notice na may improvement sa pagiging artista ko.

“It’s not enough that you are known as a beauty queen. After your reign, tapos na. Normal person ka ulit.

“But as an actress, people will get to watch your performance over and over again.

“I want to leave a good impression as an actress. And doing MariMar made me work harder to be the actress I always wanted to be,” pagtapos pa ni Megan Young.

Sharon Stone parang hindi na-stroke, nag-pictorial na ng nakahubad para sa magazine!

Pinatunayan nga ng Hollywood actress na si Sharon Stone na hindi hadlang ang edad at ang kanyang naging sakit para hindi ipagpatuloy na ipagmalaki ang kanyang katawan.

Sa edad na 57, nagpakuha ng black and white nude series si Stone para sa September issue ng Harper’s Bazaar magazine. Suot nga lang ni Stone sa photo shoot ay hikaw, kuwintas, at high heels.

Inamin ng aktres na ginagamit niya ang fillers na Restylane para magmukha pa rin siyang sariwa at maalindog. Hindi raw siya pabor sa plastic surgery.

Ginamit daw niya ang naturang filler noong 2001 pagkatapos niyang ma-stroke at ma-paralyze ang kaliwang parte ng kanyang mukha.

Nine days daw ang inilagi niya sa ICU at inabot ng two years bago siya naka-recover para maglakad at magsalita ulit.

“It’s so common now for people to use fillers, it’s almost like a beauty treatment. It’s like you have mascara and a filler. And it’s a far better alternative than having your face cut apart and ending up looking like you got sucked into a wind tunnel,” sey pa niya sa kanyang interview.

Ikinuwento nga niya ang kanyang experience noong ma-stroke siya at magkaroon ng brain hemorrhage at ruptured vertebral artery.

“I said, “Am I dying?” And the doctor said, “You’re bleeding into your brain”. I said, “I should call my mom,” and he said, “You’re right. You could lose the ability to speak soon.”’

Malaki raw ang ipinagbago ng buhay niya after ng stroke na iyon.

“It took two years for my body just to absorb all the internal bleeding I had. It almost feels like my entire DNA changed. My brain isn’t sitting where it used to, my body type changed, and even my food allergies are different.

“I chose to work very hard to open up other parts of my mind. Now I’m stronger. And I can be abrasively direct. That scares people, but I think that’s not my problem.

“It’s like, I have brain damage; you’ll just have to deal with it.”

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

AM I

ANG

LEFT

MEGAN YOUNG

NIYA

QUOT

SHARON STONE

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with