^

Pang Movies

Binabantayan kapag kumakain Sam gustong patabain si Jennylyn!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Limang araw pa lamang naire-release sa You Tube ang first teaser ng pelikulang PreNup na unang pagtatambalan nina Sam Milby at Jennylyn Mercado, pero umaabot na sa half a million ang views nito.

Kahit maikli lang ang teaser ay makikita na agad ang chemistry nina Sam and Jen. Cute ang mga ek­sena nila together and as usual, tulad ng English Only, Please, nakakaaliw na naman dito ang aktres. Talagang bagay siya sa mga romantic comedy films.

Ang dami ngang nagpu-push sa SamJen team-up at sigaw ng mga fans nila, sana raw ay silang dalawa na lang.

Anyway, mukhang maganda ang PreNUp base sa first teaser na inilabas ng Regal Films. Malaki nga raw ang nagastos dito ni Mother Lily Monte­verde dahil lumipad pa ng New York ang dalawang bida para mag-shoot.

Sobrang proud and thankful ni Jen na pinagtiwalaan siya nina Mother Lily and daughter Roselle Monteverde-Teo na bigyan siya ng ganito kalaking pelikula.

Excited din si Jen sa unang tambalan nila ni Sam at all praises siya sa kanyang leading man. Sobrang gentleman nga raw ng aktor, mabait, sweet, and caring.
Lagi rin daw binabantayan ni Sam si Jen kapag ku­­makain and he makes it a point na maubos ng leading lady ang food nito dahil gusto raw nitong mag-gain pa ng kaunting weight pa ang aktres.
Sa November na ipapalabas ang PreNup.

First day sa showbiz nang atakihin ang Da King Coco hindi na naabutan si FPJ

  Hindi inabutan ni Coco Martin ang Hari ng Pe­likulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. dahil nang pumasok siya sa showbiz, ‘yun ang araw na yumao si Da King.

Kwento niya sa presscon ng Ang Probinsiyano last Thursday night, ewan kung nagkataon lang na ang first shooting day ng first movie niyang Ma­sa­hista ay siyang pagkamatay ni Da King. Kaya literal na hindi na talaga sila nagpang-abot.

“Nung namatay po si FPJ, ‘yun ‘yung first shooting day ng first movie ko na Masahista. Kasi natatandaan ko, nung in-announce ‘yan, ‘di siyempre nagkagulo ang buong Pilipinas, tapos first day ko, nasa Pampanga ako, nagsu-shooting.

“Kaya nga sabi ko nga po, nanghihinayang ako sa buhay ko na hindi kami nag-abot,” sabi ni Coco.

Naba­banggit nga rin daw niya ang panghihinayang niyang ito sa kasabayan ni FPJ na si Eddie Garcia na lagi naman niyang nakakasama.

“Sabi ko, sana inabutan ko siya, nakapag-usap kami, napakarami ko sigurong natutunan sa kanya hindi lang sa trabaho kundi pagdating sa buhay. Kumbaga, alam ko na marami akong matututunan sa kanya,” sabi pa ng magaling na aktor.

Ang ipinagpapasalamat na lang niya ay nakakasama naman niya ngayon ang asawa ni Da King, ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

At siyempre, sobrang thankful din si Coco na kahit hindi sila nag-abot ni Da King ay nabigyan naman siya ng pagkakataon ngayon na mai-remake sa telebisyon ang isa sa classic film nito na Ang Pro­binsyano na magsisimula na ngayong Setyembre.
How does he feel na sa kanya ipinagkakatiwala ng ABS-CBN ang mga ganitong malalaking proyek­to?

“Siyempre po, nape-pressure pa rin minsan dahil kailangang masuklian mo ang tiwalang ibinibigay nila sa ‘yo. Kaya nga, sabi ko, ang responsibilidad ko, ayusin at pagandahin ang bawat proyektong gi­na­gawa ko at ‘yung responsibilidad ko sa ating ma­nonood,” pahayag ni Coco.

Pero dahil nalalapit na nga ang eleksyon at isa sa si­nasabi ngang kakandidato bilang Presidente ang anak ni yumaong Da King na si Sen. Grace Poe, nai­iugnay sa pulitika ang Ang Probinsiyano.

Pero nilinaw naman agad ni Coco na walang halong anumang kulay ng pulitika ang serye.

“Bago po namin gawin itong proyekto, nag-usap-usap din po kami nina Tita Susan at lahat ng mga boss sa ABS-CBN, na kina­klaro namin na parang walang political agenda o color itong proyekto. Nagkataon lang po talaga na nga­yon po sisimulan ang project and then dara­ting po this next year ang campaign,” he said.

At lalong hindi rin daw niya masasabi pa sa ngayon na awtomatikong ine-en­dorse niya si Sen. Grace bilang Presidente.

“Maaaring nagkataon lang na nagkaroon kami ng proyekto sa nalalapit na halalan. Pero sabi ko nga, para iendorso na sinasabi n’yo po, hindi pa po dahil mas­yado pang napakaaga para magsalita ng mga bagay na ‘yan.

“Sabi ko nga po, kahit naman po si ate Grace, hindi pa po siya nagde-declare o hindi pa po siya nagsasabi kung talagang tatakbo siya o hindi.

At kung sakali naman daw na kumpirmado nang tatakbo nga si Grace, ayon kay Coco ay hindi pa rin daw nya masasabi sa ngayon kung susuportahan niya si Grace at hindi rin daw batayan ang pagi­ging malapit nila ni tita Susan.

“Honestly, para sa akin po, hindi po sa akin pamantayan...at klaro po sa amin ni tita Susan ‘yun. Sa totoo lang, walang halong kasinungalingan, never naming pinag-usapan kung tutulungan ko ba siya kung hihingi siya sa akin ng tulong.

“Kapag nag-uusap po kami ni tita Susan, about sa personal namin na buhay, about sa trabaho namin. Kasi alam ko na napakataas ng respeto nya sa akin, eh, na para tanungin o kung ano.

“Kasi, maski siya, kapag tinanong mo, sasa­gutin niya lang ‘yan, hindi ko alam sa anak ko kung ano ang plano niya”. Kasi ganu’n sila ka-ano, ‘yung ganu’n ang respeto nila isa isa’t isa.
“Kung ako po ang tatanungin, hindi ko po masasagot na dahil po may proyekto kaming ginagawa.

Sabi ko nga po, depende po ‘yan kung ano ang paniniwala ko. Mahaba pa po ang panahon, may ilang buwan pa po tayo para makapag-isip po,” paliwanag ni Coco.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DA KING

HINDI

KASI

KUNG

LANG

NGA

SHY

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with