^

Pang Movies

TV reporter namutla, sinita sa pagiging ‘di parehas daw sa INC?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naloka ang isang female TV reporter na nag-cover noong Huweebs  ng pagtitipon ng mga member ng Iglesia Ni Cristo sa harap ng Department of Justice.

Namutla ang  television reporter dahil  ito ang napagbuntunan ng mga tao na pinarata­ngan siya na hindi parehas o balanse ang pag-uulat.

Hindi nakalapit ang reporter sa mga ra­liyis­­ta at nag-report na lamang siya sa isang lugar na safe.

Bahala na kayo na mag-research tungkol sa identity ng mystery female TV reporter. Clue? Hindi siya si Susan Enriquez dahil love na love ito ng mga member ng INC na nag-chant ng “Kay Susan Tayo” nang ma-sight nila ang reporter ng GMA 7.

INC members nagpakita ng pagkakaisa sa rally, Felix Manalo sure nang patok sa takilya

Bumisita sa INC members na nagtipon-tipon sa DOJ compound si INC spokesman Edwil Zabala.

Kilala ng entertainment press si Papa Edwil dahil umapir ito sa grand presscon ng Felix Manalo.

Naaliw kay Papa Edwil ang mga reporter dahil mahusay ang pagpapaliwanag niya tungkol sa filmbio ni Ka Felix.

Nabalitaan ko na nagtipon-tipon din kagabi sa harap ng isang mall sa EDSA ang mga INC member pero hindi pa klaro ang dahilan ng kanilang pagsasama-sama.

Ipinakikita ng INC members ang kanilang pagkakaisa at good sign ito dahil sure nang susuportahan nila ang Felix Manalo movie ng Viva Films.

Hindi malabo na gumawa ng record sa Guinness ang grand premiere night ng Felix Manalo sa October 4 na siguradong hindi pupuntahan ni Department of Justice Secretary Leila de Lima na hindi nagpakita kahapon sa kanyang opisina dahil naroroon pa rin ang mga member ng INC na tinututulan ang pakikialam niya sa internal problems ng simbahan.

AiAi madalian ang biyahe sa Amerika

Aalis si AiAi delas Alas sa Lunes dahil sa show ng GMA Pinoy TV sa New York.

Makakasama ni AiAi ang ibang mga Kapuso star na nag-pro­mise na pasasayahin ang Fili­pino community sa New York.

Hindi  magtatagal si AiAi sa Amerika. It’s a must na bumalik agad si AiAi sa Pilipinas dahil malapit na ang pilot tele­cast ng talk show na pagsasamahan namin. Kaila­ngan pa namin na mag-bonding ‘ha!

Kagagahan nina Wally, Jose and Paolo nakakatawa

 Napanood na kahapon sa kalyeserye ng Eat Bulaga ang triplets nina Lola Nidora, Lola Tidora at Lola Tinidora.

Totoo ang tsismis na si Jose Manalo ang Lola Tinidora sa successful kalyeserye na nagpasikat sa love­team nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub.

Nakakaloka ang Lola triplets dahil talagang magkakamukha sila pero siyempre, pinakamaganda pa rin sa kanilang tatlo si Lola Tidora aka Paolo Ballesteros.

In fairness, hindi nakakasawa na panoorin ang kal­yeserye dahil nakakatawa naman talaga ang mga kagagahan nina Wally, Jose at Paolo.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

DAHIL

FELIX MANALO

HINDI

LEFT

MGA

QUOT

SHY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with