^

Pang Movies

GMA Network inireklamo ang SkyCable

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naghain ng reklamo ang GMA Network sa National Telecommunications Commission (NTC) laban sa SkyCable pagkatapos magpahayag sa social media ng pagkadismaya ang ilang manonood dahil sa kawalan ng signal ng GMA-7 bago ang Eat Bulaga at tuwing eere ang top-rating AlDub KalyeSerye segment ng programa.

Sa isang liham na ipinadala ng GMA noong August 25, 2015 sa pamamagitan ng kanilang Senior Vice President for Engineering Engr. Elvis B. Ancheta at Vice President for Legal Affairs Lynn P. Delfin, hiniling ng GMA ang mabilis na pag-aksyon ng NTC para sa kapakanan ng mga paying subscribers ng SkyCable dahil umano sa iresponsableng serbisyo ng huli.

Kaugnay ng reklamo ng Kapuso Network, isinumite nito ang iba’t ibang tweets na nakalap noong July 19 hanggang August 21, 2015 mula sa ilang tagasubaybay ng GMA sa Metro Manila, Cavite, Bacolod, at Iloilo tungkol sa tila pag-sabotahe ng SkyCable gayon din sa kanilang pagkadismaya dahil hindi nila napanood ang kanilang paboritong segment sa longest-running noon-time show sa bansa.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pagtutok ng samba­yanang Pilipino sa KalyeSerye segment ng Eat Bulaga na binubuo ng accidental love team” nina Maine Mendoza o mas kilala bilang Yaya Dub at Kapuso actor Alden Richards, kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Sino ang hihiranging bagong grand champion ng The Voice Kids?

Magkakasubukan na sa galing ang Top 4 young artists ng The Voice Kids Season 2 sa kanilang grand showdown ngayong weekend (Agosto 29 at 30) kung saan publiko ang magdedesisyon kung sino ang hihiranging susunod na grand champion.

Isang jampacked na finale ang hatid ng programa dahil itotodo na nina Esang at Reynan ng Team Lea at Elha at Sassa ng Team Bamboo para ipakita ang versatility nila bilang artists.

Hindi lang isang performance ang hatid ng bawat isa dahil gaya ng naunang seasons, mayroon din silang duet kasama ang isang guest artist, isang upbeat performance, at isang ballad.

Sino kaya sa apat ang susunod sa yapak ng unang The Voice Kids grand champion na si Lyca Gairanod at ang The Voice of the Philippines grand champions na sina Mitoy at Jason Dy?

Huwag palampasin ang live na live na grand finals kung saan ang hihiranging The Voice Kids grand champion ay magwawagi ng recording contract sa MCA Music Inc., music instrument package, family utility vehicle, house and lot na nagkakahalagang P2 milyon, P1 milyon cash, at P1 milyong trust fund.

Vice, patuloy ang pamimigay ng payo at good vibes

Itinotodo na ni Vice Ganda ang pagpapasaya sa madlang people sa pamama­gitan ng pagbibigay-katuparan sa hiling nila sa kanyang segment na Advice Ganda sa It’s Showtime.

Bukod sa pagbibigay ng makabuluhang payo sa mga taong may pinagdadaanan, misyon din ni Vice na magpalaganap ng good vibes sa naturang segment.

Sa katunayan, naging tulay ang Advice Ganda para makilala ni Melody ang kanyang idolo, ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Nang makakwentuhan ni Melody at Vice si Kris sa pamamagitan ng telepono ay bigla nitong inimbitihan ni Kris na puntahan siya sa taping. Bukod pa rito, binig­yan rin ni Vice si Melody ng panghanda para sa birthday ng apo nito.

Isa lamang ang Advice Ganda sa segments ng It’s Showtime kung saan binibigyang pagkakataon ang madlang people na magpasaya at maging masaya.

Pagpapasikat naman ang naging sentro ng kasiyahan sa It’s Showtime noong Sabado (Agosto 22)  kung saan itinanghal na Sample Queen si Queenie Velarde, isang 23 anyos na dancer mula General Santos City.

Pinabilib ni Queenie ang madlang people at mga hurado sa kanyang pagpapakitang gilas sa pagsasayaw, pagra-rap, at maging pagtugtog ng gitara at drums sa kanyang performance. Bilang grand winner, nagwagi si Queenie ng P300,000.

Makisaya sa buong barkada ng It’s Showtime, 12:15PM mula Lunes hanggang Biyernes at 12NN tuwing Sabado sa ABS-CBN.

vuukle comment

ACIRC

ADVICE GANDA

AGOSTO

ALDEN RICHARDS

ANG

BUKOD

EAT BULAGA

GRAND

SHOWTIME

STRONG

VOICE KIDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with