^

Pang Movies

Alex pumiyok sa bintang na siya ang nagpababa sa ratings ng ASAP

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayaw nang patulan ni Alex Gonzaga ang bashers niya na nagkokomento ng kung ano-anong negatibo tungkol sa kanya pati na rin sa Sunday variety show na kinabibilangan niya, ang ASAP.

Naging issue kasi ‘yung natalo ang ASAP nang nag-pilot telecast sa GMA-7 ang katapat nitong Sunday PinaSaya.

 “Natalo namin last week, ha,” pagtatanggol ni Alex sa ASAP nang maka­tsikahan namin siya sa presscon kahapon ng bago niyang proyekto sa Dreamscape Entertainment, ang Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid.

Pero ayon sa aktres, siyempre, hindi naman daw niya mapipigilan ang mga negative comments ng netizens or ng bashers tungkol sa pagbabago sa show na nagkaroon ng comedy skit.

May mga komento rin na kesyo siya ang nagpababa ng ratings ng ASAP at naiinis daw ang ilang viewers sa kanyang boses.

“Hindi ko rin naman sila masisi dahil siyempre kung ano ‘yung kinalakihan nila sa ASAP, siyempre, ‘yun ang hinahanap nila. Pero syempre, there’s always room for improvements, and we as artists, kung ano ‘yung sinasabi sa aming ibigay namin, ibibigay namin.

 “Hindi naman kami magpapakabida na. . .kasi kung hindi rin naman kami kailangan sa show, aalisin din naman kami. So far, andito pa naman ako sa ASAP, so kung ilan lang ‘yung ibibigay nila sa akin, kung ilang gaps ang ibibigay nila sa akin, or kung may segment silang ibibigay, siyempe, gagawin mo lang,” pahayag ni Alex.

Nasasaktan ba siya sa mga nagkokomento nang hindi maganda sa kanya?

 “Alam n’yo kasi, ‘yung iba, hindi ko naman kasi lahat nababasa, pero parang. . .ano ba ‘yung na-feel ko? Syempre, noong una, ako kasi ‘yung parang sinisi. Parang sabi ko, ganu’n ba ako ka-powerful para palitan ko ang format ng ASAP? Ako talaga ang sisihin nila?

 “Pero wala, eh. Kasi as a fan, isipin mo na lang ‘yung nararamdaman nila, and kung papatulan mo naman, parang. . .’yun na lang, isipin mo na lang na as a fan, nagsasalita (sila). Ako rin, sa Holywood, pag may nangyayari, nagre-react din ako, kala mo ang dami kong alam, kala mo, alam na alam ko ‘yung nangyayari. So ‘yun,” say pa ni Alex.

Anyway, after Inday Bote ay sa Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid naman mapapanood si Alex starting this Sunday, August 30 kung saan ay makakapareha niya si Ejay Falcon.

 “Tiyak na matutuwa ang TV viewers sa Wansapanataym special namin ni Ejay kasi pambata at cute talaga ang kwento nito. Siguradong maaliw sila sa kwento ng karakter kong si Penelope, isang reporter na naghahanap kay Kur­yente Kid, na nagtatago naman sa katauhan ng kababata kong si Tonio,” say ni Alex.

Gumwapo raw siya ng 10 times Ejay aligaga nang rumampa sa Star Magic Ball kasama si Ellen

Excited naman si Ejay sa darating na Star Magic Ball this September dahil for the first time ay dadalo raw siya na may ka-date. It’s official na si Ellen Adarna ang kanyang ka-date at na-post nga sa social media ang palitan nila ng mensahe sa Viber kung saan ay inimbita nga niya ang co-star sa Passion de Amor to be his date.

“Dalawang beses ko siyang in-invite. In-invite ko siya sa viber group namin at in-invite ko rin siya nang personal. At du’n sa dalawang beses na ‘yun, pumayag naman siya,” kwento ni Ejay.

Siyempre, masayang-masaya raw siya sa pag-yes sa kanya ni Ellen.

“Ang lakas makagwapo, actually. Kasi naman, Ellen Adarna ‘yun. Parang ang dami-daming lalaking gustong makapareha siya, makasama siya sa ganu’n event, sa Star Magic Ball, tapos ako ‘yung nabigyan ng chance.

“Sabi ko nga, parang gumwapo ako ng 10 times du’n sa pangyayaring ‘yun.

“Masaya kasi kumportable naman ako sa kanya, kumportable kami pareho sa isa’t isa and masaya kami kapag magkasama,” he said.

Basta ang gusto lang daw niya ay ma-enjoy ni Ellen ang ball dahil first time raw dadalo ng sexy actress sa Star Magic Ball.

“Ako kasi, 5 years na akong uma-attend and parang sa 5 years na ‘yun, apat na beses akong um-attend ng walang date and ito ‘yung parang a-attend ko na finally, may kasama naman ako. And thank you kay Ellen kasi napapayag ko siya,” sabi pa ng aktor.

Pero ano ba talaga ang estado nila ni Ellen? Sila na ba or dating ba sila or nagliligawan pa lang?

“Lumalabas po kami pero group. Dating, well, abangan n’yo na lang sa mga susunod na ano. . .” nakangiti  pang sabi ni Ejay.

Hindi pa raw sila at nasa stage raw sila na kinikilala munang mabuti ang isa’t isa.

“Basta ang masasabi ko lang po, sobrang masaya kami,” he said.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ALEX

ANG

EJAY

KASI

KUNG

NAMAN

SIYA

STRONG

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with