^

Pang Movies

Reyna raw kasi ng ABS-CBN at siya chuwariwap lang Angelica namutiktik ang PI, sinabihang baduy, cheap, makikitid ang utak, at peste ang fans ni Bea!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Patol to the max si Angelica Panganiban sa mga bashers niya sa kanyang Instagram account. Nagtaray ang aktres at hindi talaga napigilang magmura.

Inakusahan kasi ng mga bashers si Angelica na pinaparinggan si Bea Alonzo dahil sa dalawang magkasunod na posts ng aktres ng kanyang mga larawan with captions.

Unang in-upload ni Angelica ang picture niya kung saan ay makikita siyang naglalakad sa gitna ng kalsada.

Ang nasabing larawan ay may caption na: “Dahil puro trabaho at walang bakasyon.... Kunwari na lang nasa ibang bansa ako...At makiki uso ako sa mga pictorial nila kapag out of the country sila, may posing dapat na nag lalakad. Later na yung tumatawa kunwari tapos nakunan ng camera. Kunwari stolen happiness.”

Pangalawang picture na in-upload niya ay nasa isang boutique siya at tumatawa at may caption na:

“Sabi ko sa friend ko, picturan nya ko. Eh bigla akong natawa. Naisip ko, ayos lang. Post ko na rin. At least d ako may hawak ng phone ko habang tumatawa whoooh yes! Ang saya mag picture! Nakakatawa!!! Yan ang tawag sa stolen happiness hehehehe.

“Nakakabaliw talaga ang pagod at puyat. Mag iisip pa ko mamaya ng mga uso sa instagram. Para in na in ako! #NowInHawaii”

Dahil dito ay marami ang nag-isip na si Bea ang pinaparinggan ni Angelica dahil may mga larawan ang aktres sa IG ng mga travel nito with boyfriend Zanjoe Marudo.

Bale ba, sa pangalawang larawan ay para ngang ginagaya niya si Bea dahil may picture nga itong tumatawa habang hawak ang cell phone na kuha mula sa bakasyon nila ni Zanjoe recently.

Tila ikinairita ni Angelica ang mga sinabi ng netizens na pinariringgan niya si Bea kaya naman sumagot siya at hindi mapigilang magmura at magtaray.

“Nakakaloka mga tao! Sarap nyong murahin! Tinatamaan kayo sa caption ko? Eh mga bobo pala kayo eh. Ni hindi ko nga nakikita mga posts ng ibang artista na ganyan! Pakelam ko kung may ganyan si bea? Sa huling pagkakaalam ko, kaibigan ko siya. Mga gago kayong madudumi ang utak na gustong gusto nyong may kaaway mga tao. Kaya ang baduy ng ugali nyo eh. Paka-cheap. Leche. Whew! Oo! Papatol talaga ako. Grabe eh! Kikitid ng utak! Nakikitawa na nga lng kayo, maninira pa kayo. Wooh! T. . .ina talaga! So mga idol nyo lang pwedeng gumawa niyan?! T…na! Gago! Bobo!” pagtataray ni Angelica sa kanyang post.

Minura rin niya ng PI ang isang basher na naging dahilan ng kanyang pagkapikon.

Post pa niya, “t…na! Nainip lang ako, kung ano ano na comments niyo?! Mga peste kayo!”

Maya-maya ay nagrepost si Angelica ng picture ni Bea na sinasabi ngang pinaparinggan niya. Ito ‘yung larawang tumatawa ang aktres.

“Ah! Eto pala yung picture! Pasensya na sa mga fans ni Bea. Sa mga malalawak ang isip, pasensya na. At salamat. Sa mga makikipot, sana wag kayong mga praning. Malala na kayo. Sa mga nagsasabing gusto ko magpasikat kaya ko siya ‘pinaparinggan’ wala akong planong sumikat. Ni minsan ‘di ko pinangarap na sumikat. Ang gusto ko lang magtrabaho. A­yoko ng sikat, ayoko ng hinahabol habol. Gets?

“Sa pagkaka alam ko, kaibigan ko si Bea. Yun ang tingin ko sa kanya. Anyway. Napakabaduy na nitong pag papaliwanag na to nang dahil lang sa gusto ko lang mag post ng kakulitan ko. If you guys can’t get my sense of humor, then stop following me. Malayong malayo ho si Bea sa akin. Siya ang reyna ng ABS-CBN. Chuwariwap lang ako.

“Okay na po ba? Malinaw na? Para lang to sa mga makikitid ang utak uulitin ko. At uulitin ko, wala akong pakelam sa image ko o sa tingin nyo sakin. Pag may ‘di ako gustong tao, sasabihin ko. Iku-kwento ko pa kung bakit. Pero pag may kaibigan ako, pinaglalaruan niyo kami at parang sinisira nyo kami. Magsasalita ako. Salamat,” ang caption ni Angelica sa larawan ni Bea.

Marami ang natawa sa mga pagtataray ni Angelica at ang comment nga nila nasa “beast mode” ang kanilang idol. Say pa nila, harcore raw ang mga litanya ng aktres.

May mga nagsabi ring huwag na lang patulan ang mga bashers pero ang karamihan ay agree naman sa pagtataray ni Angelica’t gustong-gusto raw nila ang pagiging totoong tao nito.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

ANGELICA

ANGELICA PANGANIBAN

BEA

BEA ALONZO

LANG

MGA

NBSP

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with