^

Pang Movies

Balikan nina Aga at Lea, mauudlot na naman!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Sayang naman at hindi yata matutuloy muna ang pinakahihintay ng marami, ang reunion movie nina Aga Muhlach at Lea Salonga. As announced by Lea in an interview, nakatakda siyang umalis next month for New York for a commitment, which will last until June next year.

Maging si Aga ay nanghihinayang din na hindi nga matutuloy ang project which would have been his and Lea’s third team-up. Nagkatambal na sila sa Bakit Labis Kitang Mahal? at Sana Maulit Muli.

Sinisigurado naman ni Lea na present siya sa finals ng The Voice Kids Season 2 on Sunday.

Dalawa sa strong finalists na sina Reynan at Esang, ang kinu-coach niya.

Dennis proud na pinagbidahan ang most expensive film sa ‘Pinas

Doble raw ang ibinayad kay Dennis Trillo dahil dual role rin siya sa biopic film ng Iglesia ni Cristo founder, ang Felix Manalo. Totoo kaya ito?

Originally, si Dennis Trillo dapat ang gaganap bilang younger Felix Manalo at si Albert Martinez naman ang gaganap bilang older Felix Manalo.

Para sa kaalaman ng ilan, nag-begged off si Albert, dahil at the time na magsu-shooting na siya for the movie ay nasa malubhang kalagayan naman ang kanyang asawang si Liezel Martinez kaya hindi natuloy ang kanyang pagganap bilang older Felix Manalo.

Hindi naman ini-reveal ni Dennis ang halaga na ibinayad sa kanya at sa halip ay sinabi niyang proud siya dahil pinagbidahan niya ang pwedeng ituring na pinaka-expensive film ever produced locally.

Produced by Viva Films ang Felix Manalo at idinirek naman ito ni Joel Lamangan, it is expected na hindi lang ang over two million members ng INC here and in abroad ang tatangkilik sa pelikula, kung hindi pati mga taga ibang relihiyon din.

Star-studed ang pelikula at nakatakda itong ipalabas nationwide on October 7.

Bela sunud-sunod na nga ang biyaya, nag-uwi pa ng P1-M

Swerte ang taong ito kay Bela Padilla who plays the leading lady ni Dennis as Felix Manalo.

Siya rin ang gumaganap na isa sa dalawang leading ladies ni Coco Martin sa bagong serye ng ABS-CBN na Ang Probinsyano.

Gaganap rin bilang leading lady ni Coco si Maja Salvador.

Remember when Bela, together with Direk Joyce Bernal joined the reality show, Deal or No Deal, hosted by Luis Manzano nag-uwi sila ng isang milyong piso.

Derek, Coleen at Meg, hindi alam ang mga pinapasok na relasyon

First comeback movie ni Derek Ramsey ang Ex with Benefits ng Star Cinema after his decision to sign a contract with TV5.

Ang Ex with Benefits ay isang romantic drama na co-produced ng Star Cinema with Viva Films. Kasama ni Derek sa pelikula sina Coleen Garcia at Meg Imperial.

Para sa tatlo, ito na ang pinakaseksing pelikula na kanilang ginawa. Lahat sila ay pumasok sa isang relasyon na walang label.

Directed by Gino Santos, ito rin ang unang pelikula na gagawin ni Meg sa Star Cinema at unang beses din niya makakatrabaho si Direk Gino.

Second time naman na mai-direk ni Direk Gino si Coleen at ang una nilang pelikula ay ang  #Y, kung saan nanalo siya bilang best supporting actress in the 31st PMPC Star Awards for Movie.

Kasama rin sa cast ng Ex with Benefits sina Rayver Cruz, Tirso Cruz III, Carmi Martin, Kitkat, Juan Rodrigo, Nina Ricci Alagao, Jobelle Salvador at Mengge Cobarrubias.

Congratulations..

Fellow movie columnist Len Llanes, congratulates Dr. Jerome Laceda, a residence physician of Marikina Valley Hospital. Dr. Laceda was recently named corporate Secretary and head of MEDCOR Pasig Medical Center which will open September at Santolan near the LRT Station this coming September.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALBERT MARTINEZ

ANG

ANG EX

ANG PROBINSYANO

DENNIS TRILLO

DIREK GINO

FELIX MANALO

STAR CINEMA

STRONG

VIVA FILMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with