^

Pang Movies

James gustong magka-restaurant

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Pagkatapos ng dalawang matagumpay na pelikula, ang Diary ng Panget at Talk Back and You’re Dead, si James Reid ay kasalukuyang gumagawa muli ng serye kasama si Nadine Lustre bilang kanyang leading lady.

Ang ibang part ng seryeng On The Wings of Love ay kinunan pa sa San Francisco, California U.S.A.

Talagang hindi maikakaila, na ang JaDine ay nag-klik at nagustuhan ng masa.

“Ang ganda raw ng chemistry na­min,” singit ni Nadine.

Alam niyo ba na according to James, ang pamilya lang niya ang na­­kakaalam na marunong siyang magluto at pangarap niyang mag­karo’n ng restaurant business someday?

“I’m saving for it”, James said.

Kris ‘nagamit’ din ni Yaya Dub para sumikat?!

Take a bow Kris Aquino, marami sa mga artista ngayon ang umaamin na naging tungtungan nila sa pagsikat ang pag-impersonate sa’yo.

Pinaka-latest nga si Maine Mendoza na Culinary Arts gra­duate sa College of Saint Benilde na lalong kilala na ngayon as Yaya Dub.

Hindi pa man sila kuno, nagtatagpo sa tunay na buhay. Kilala na ang tambalan nila ni Alden Ri­chard as AlDub. Tampok sila sa KalyeSerye ng Eat Bulaga.

Ryan at mga kapatid gusto pang magka-lovelife ang inang si Gina

Payag na payag na ang mga anak ng aktres at direktor na si Gina Alajar na sina Ryan, Geoff, and Tj Eigenmann na tumanggap ang kanilang ina ng mga manliligaw at magpakasal muli.

Bata pa si Gina no’ng siya ay makipag-divorce kay Michael de Mesa kaya nag-focus na lamang siya sa kanilang mga anak at sa trabaho. Si Michael naman ay ikinasal na sa iba.

“She proved to the best mom to us”, said Ryan, who is himself an actor and married now. My bro­thers and I feel, dapat maging happy na rin siya.

“If it’s getting married to another man, that will make her happy then so be it”.

Now in her 50’s, ang ganda pa rin ni Gina, sa totoo lang. Wari mo’y she’s only in her 40’s.

Kapamilya stars magpapasaya ng mga Pinoy sa London!

Magpapatuloy sa September 6, ang TFC (The Filipino Channel) summer caravan 2015. Ang SSE Arena Wembley, where the likes musical legends tulad ng The Beatles, The Rolling Stones, Abba, Barbara Streisand, Diana Ross, Madonna, Britney Spears, at Beyoncé, once performed will also be the venue ng ASAP 20 live in London.

Ilan sa mga magpi-perform dito sina Aiza Seguerra, Alex Gonzaga, Angeline Quinto, Arci Muñoz, Ariel Rivera, Bamboo, Coco Martin, Enchong Dee, Enrique Gil, Erik Santos, Gary Valenciano, Gerald Anderson, Jake Cuenca, James Reid, Janella Salvador, Jed Madela, Jericho Rosales, Jessy Mendiola, JM De Guzman, John Prats, Julia Barretto, KC Concepcion, KZ Tandingan, Lani Mi­salucha, Liza Soberano, Luis Manzano, Maja Salvador, Martin Nievera, Nadine Lustre, Piolo Pascual, Rayver Cruz, Richard Poon, Robi Domingo, Sam Milby, Shaina Magdayao, Vina Morales, Xian Lim, Yeng Constantino, Zsa Zsa Padilla, plus more surprise celebrities and guest.

vuukle comment

ACIRC

AIZA SEGUERRA

ALDEN RI

ALEX GONZAGA

ANG

GINA

JAMES REID

NADINE LUSTRE

RYAN

SHY

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with