^

Pang Movies

Fresh na uli, sikat na aktor naadik, pero hindi namalayang nagpa-rehab na sa abroad!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ang pagpapa-rehab pala sa isang private clinic sa isang kilalang Asian country ang dahilan kung bakit matagal na nawala ang sikat na male celebrity na ito.

Marami ang nagtataka kung bakit bigla ngang nawala sa eksena ang sikat na male celebrity. Wala itong teleserye o bagong pelikula man lang.

Mula sa isang reliable source, tila nag-backslide ang male celebrity sa naging hindi kaaya-ayang bisyo nito noon. Nagsimula na naman daw siyang mademonyo ng kanyang bisyo na naiwasan na niya ng ilang taon.

Dahil napraning ang mga humahawak ng career ni male celebrity, hindi na muna nila ito binigyan ng maraming trabaho at pinadala ito sa isang private rehab clinic sa labas ng Pilipinas.

Mahirap na raw kasi kung dito sa bansa ipapa-rehab ang male celebrity dahil malalaman daw ito ng media at makakaapekto ito sa mga ini-endorse ng male celebrity.

At least, kung sa ibang bansa ito magpapagaling, lalabas lang na nagbakasyon ito ng matagal dahil na-burn out kiyeme sa trabaho.

Ngayon ay tahimik na nakabalik na raw ang male celebrity ay mukhang fresh na naman ito dahil nailayo ito sa kanyang masamang bisyo.

Pero kailangan daw ay bantayan ito ng husto dahil hindi guaranteed na maga­ling na ito pagkatapos ng rehab.

Kinausap raw si male celebrity ng mga taong concern sa kanyang career at gusto nilang masiguro na hindi ito babalik sa kanyang bisyo or else pababayaan na lang nila ito dahil wala silang balak na mag-alaga ng isang taong hindi makaiwas sa mga demonyo nito sa buhay.

Aiko naka-jackpot sa ‘blind date’

Feeling teenager ngayon si Aiko Melendez dahil may bago na itong karelasyon.

Isang lalake from Spain na nagngangalang Mario Claudio ang dine-date ngayon ng aktres.

Nakita ngang kasama ni Aiko si Mario sa isang malaking showbiz event.

Inamin naman ni Aiko na seven years siyang hindi nakipag-date at noong dumating si Mario sa buhay niya, doon daw siya ulit napangiti.

Nakilala ni Aiko si Mario sa isang date na sinet-up ng kanyang kaibigan. Simula raw noon ay halos everyday na silang nagkikita ni Mario.

“Mario makes me smile!” ngiti pa ni Aiko.

Nang tanungin daw si Mario kung ano ang nagustuhan nito sa aktres, nasabi nito na “she is beautiful”.

Isang building contractor sa Spain si Mario at galing ito sa isang pribadong pamilya. Alam din daw nito na may dalawang anak na si Aiko.

Kinse anyos na ang anak ni Aiko na si Andre mula sa ex-husband nitong si Jomari Yllana at 9-years old na ang daughter niyang si Marthena mula sa ex-boyfriend na si Martin Jickain.

Last relationship ni Aiko ay si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses na nagkaroon naman ng anak sa aktres na si Ara Mina.

Busy na ulit si Aiko sa kanyang showbiz career. Meron siyang teleserye with Kim Chiu at kasama siya sa pelikulang Etiquette for Mistresses na bida sina Kris Aquino at Claudine Barretto.

Polo nakaligtas sa posibleng pagkalumpo

Aksidenteng nakita namin si Polo Ravales sa isang coffee shop at kinumusta namin ang kanyang slipped disc operation.

Nagpapa-physical therapy ang aktor kaya mabilis siyang nakaka-recover. Aminado si Polo na akala niya ay malulumpo siya dahil masyadong delikado ang naging operasyon niya sa spinal cord.

“Thankful ako sa mga nagdasal para sa akin. Lalo na ang suporta ng family at mga kaibigan ko.

“Sila ang nagpalakas ng loob ko dahil takot na takot talaga ako. Akala ko talaga na hindi na ako makakapaglakad.

“Pero ngayon, okey na ang pakiramdam ko. Nakakapag-gym na rin ako kahit papa’no.

“Pero kailangan mag-ingat pa rin ako. Hindi ako puwedeng masyadong mapagod o mag-engage sa mga strenuous activities.

“Maingat na ako sa sarili ko ngayon,” kuwento pa ni Polo.

Ang nakakalungkot ngang balita ay nag-break naman daw sila ng kanyang girlfriend of five years na si Shasta Munsayac. Kelan lang daw sila naghiwalay nito.

Ayaw ngang magkuwento muna ni Polo tungkol sa paghihiwalay nila sa ngayon.

Naniniwala naman ang aktor na may dahilan ang Diyos kung bakit sila naghiwalay ng kanyang girlfriend.

Tanging nasabi lang ni Polo ay: “Some good things never last.”

vuukle comment

ACIRC

AIKO

ANG

CELEBRITY

DAHIL

DAW

HINDI

ISANG

ITO

KANYANG

MARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with