^

Pang Movies

Katawang hubad ni James, pinagkaguluhan at tinilian!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Grabe ang tilian ng JaDine (James Reid-Nadine Lustre) fans sa special screening ng On the Wings of Love na ginanap sa Cinema 7 ng Trinoma last Monday night. Halos mabingi talaga kami sa sigawan nila especially sa topless scenes ng young actor.

Ipinanood sa special screening ang pilot week at sa totoo lang, sa unang linggo pa lang ay mahu-hook ka na sa kwento ng serye pati na rin sa mga nakakaaaliw at nakakakilig na eksena ng JaDine.

What makes it more interesting to watch on the pilot week ay ang mga eksena sa SanFo. Yes mapapanood na agad ito dahil magsisimula ang kwento sa pag-a-apply ng karakter ni Nadine ng US Visa dahil ang singing choir nila ang representative para makipag-compete sa nasabing bansa.

Ang karakter naman ni James ay nasa US na that time dahil bata pa lang siya ay pumunta na siya roon kasama ang ina para i-meet ang American father niya na hindi naman siya ina-acknowledge.

Nagkita agad sila sa US at hindi naging maganda ang una nilang pagkikita pati na rin ang mga sumunod pa kaya away sila nang away.

Ito rin ang first teleserye ng direktor na si Antoinette Jadaone and we’d like to congratulate her for a job really well done. Bawat eksena sa pilot week ay makikita mo ang effort at husay niya to make the scene more appealing to watch. Nilalagyan niya ng ibang flavor at tatak kahit sa mga simpleng eksena lang nina James at Nadine.

Masasabi talagang forte ni Direk Antoinette ang rom-com (romantic-comedy) dahil sa rami ng nakakatuwa at kilig scenes ng JaDine. Pilot week pa lang ‘yan and we’re sure that there’s more to come.

Tawa kami nang tawa sa “jebs” scene at malalaman n’yo kung ano ito when you get to watch it.

And yes, sobrang gwapo ni James sa seryeng ito at ‘yung tipong ma-i-in love talaga ang mga female teens sa kanya in this series.

Naku, ang dami na namang maa-adik sa seryeng ito at isa na kami roon.

Magsisimula na sa Aug. 10 ang On The Wings of Love sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Mariel binigyan agad ni Lord ng matinding blessing

Nakakatuwa naman ang pagbubuntis ngayon ni Mariel Rodriguez-Padilla dahil binigyan agad siya ni Lord ng hindi lang isa kundi baka maging kambal or triplets pa.

Sa bagong post ni Robin Padlilla last Monday sa kanyang Instagram account ay sinabi niyang baka maging triplets daw ang anak nila ni Mariel.

Bago ito kasi ay nauna nang nag-post si Binoe 4 days ago announcing na buntis ang misis niya at kambal daw ang kanilang magiging babies. Pina­ngalanan niya itong Maria and Juan Padilla.

Sa bagong post last Monday, kalakip ang bagong ultrasound ni Mariel, na­dagdagan na ang pangalan ng babies. Sila ay sina Maria, Juan and Gabriela.

This is really a big, big blessing for the couple lalo na nga kay Mariel na alam nating gustong-gusto nang magka-baby at sobrang devastated siya nang malaglag ang kanyang first baby kamakailan.

Bumawi nang bonggang-bongga si Lord sa kanya dahil eto nga’t hindi lang isa ang ibinigay sa kanya kundi isang set na agad ng either twins or triplets.

Cong. Mark Villar nagpakitang-gilas sa court

Maganda ang naisip ni Las Piñas Representative Mark Villar na kunin ang PBA team na Blackwater Elite para maging anti-drug ambassador ng kanilang lugar.

“Since my first term in Las Piñas, we’ve already been organizing sports clinics in almost every barangay to increase awareness of the negative consequences of drug abuse. We’re more than happy that Blackwater decided to join our advocacy,” pahayag ni Cong. Villar.

Bilang simula ay nagkaroon na nga sila ng exhibition game last Thursday, July 30 kung saan ay naglaban ang Blackwater Elite at Las Piñas All Stars.

Ayon sa team owner ng Blackwater Elite na si Dioceldo Sy, ang exhibition game ay simula pa lang daw ng kanilang strong productive partnership para mabawasan ang drug abuse sa a­ting mga ka­bataan.

Nakalaban ng Blackwater Elite ang mga player ng Las Piñas All stars na kinabibilangan ng mga PBA veterans na sina Egay Billo­nes and Al Vergara. Of course, naglaro rin si Cong. Villar via a cameo appearance.

Volleyball superstars hindi interesadong sumali sa beauty pageant

Amazed ang entertainment press sa volleyball superstars na new Ambassadors ng PLDT Home Ultera (ultra fast LTE connection for homes) na sina Alyssa Valdez at magkapatid na Jaja and Dindin Santiago dahil sobrang tatangkad nila especially the Santiago sisters.

Si Alyssa ay 5’8”, si Dindin ay 6’2” at si Jaja ay 6’5”. Kaloka, di ba?

Bukod sa towering height nila, ang gaganda rin nila at pwede ring artista or beauty queen. Kung lahat ba naman ng volleyball players ay ganito kagaganda, may tulog ang PBA at baka volleyball na ang maging national sports.

Sa grand launch nga last Monday kung saan ay present ang tatlong top “volleybelles”, natanong sila kung may balak ba silang sumali sa mga beauty pageants at lahat sila ay sina­bing wala raw dahil sa volleyball nga sila naka-focus.

Kasama rin nila bilang endorser ang isa pang magaling na volleyball player na si Peter Torres (who stands 6’3” naman) na naroroon din sa naturang presscon.

Other volleyball players na kinuha ring endorsers ng PLDT Home Ultera na hindi nakarating sa presscon ay sina Rachel Daquiz, Ara Galang, Mika Reyes and John Vic de Guzman. Sila ang tinaguriang Ultera barkada ­f­­a­mily at lahat sila’y magkakaibigan din outside the court.

Sabi nga ni PLDT VP and Home Marketing Head Gary Dujali, “each of them has gone all out in volleyball, rising to excellence through hard work and dedication.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

BLACKWATER ELITE

DAHIL

HOME ULTERA

LAS PI

MARIEL

MGA

SHY

SILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with