^

Pang Movies

Sarap na sarap! Sandara Park pinasampolan ang mga Korean actors ng balut!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dumating pala sa bansa last Tuesday ang Korean superstar na si Sandara Park upang suportahan ang concert ng Korean boy band na Big Bang ayon sa report ng ABS-CBN online. Matapos ang concert, ipinasyal niya ang ilang kaibigan sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Ilan sa pinuntahan nila ay ang Taal Volcano at Sky Ranch sa Tagaytay. Sa Instagram account ng Koreana, pinasampol niya sa kaibigang Korean actors ang balut. Sila ay sina Jang Ki Yong at Lee Beom-Gyoo.

“Success! Masarap daw!!!” caption ni Dara sa kanyang account.

Matapos bumalik sa Korea nu’ng 2009, nagbago ang kapalaran ni Dara na naging bahagi ng grupong 2NE1.

Kung may isang Koreana na naghahangad mapantayan ang pagsikat ni Sandara sa Pinas, ‘yon ay walang iba kungdi si Shine Kuk na isa sa baguhang Regal Babies.

AiAi nagpapaligo ng matanda kapag birthday

Hindi lang si Jiro Manio ang tinutulungan ni AiAi delas Alas. High profile lang daw kasi ang dating ng dating child actor kaya lumaki ‘yon.

“Tinatanong nila ako so alangan namang ipagdamot ko. Lalo na nu’ng nabalitang patay na si Jiro. Kailangan kong sagutin na hindi siya patay kasi alam nilang ako ang nag-aalaga. Kailangan kong magsalita in fairness sa akin,” rason ni AiAi nang huling makausap ng press.

May seminarista ring pinag-aaral ngayon si AiAi.

“Pagka-birthday ko, nagpapaligo ako ng matanda. Alam ng lahat ng kaibigan ko ‘yan. Minsan kinukuhanan nila ng video pero bawal. So hindi talaga ako makukuhanan ng ganoon kasi unang-una, bawal. Hindi nila ako makikita sa CR na nagpapaligo kasi bawal ang video roon. Kahit ako hindi nagpi-picture!

“Twenty two years ko nang ginagawa ‘yon, Kaedad ng anak kong gitna, si Niccolo. Nagpapaligo ako roon.

“Nasasaktan ako doon sa bash na ‘yon. ‘Pag naglolokohan, gagawa ako ng sarili ko para ma-bash ako. Bina-bash ako doon sa wala naman silang alam,” katwiran ng Reyna ng Komedya.

On the lighter side, tinanong si AiAi kung sino naman ang nagpapaligo sa kanya.

“Siya ang pinapaliguan ko! Hindi niya ako pinapaliguan! Ha! Ha! Ha! Siyempre, darling ko, ‘no? Natural lang naman sa magkarelasyon ‘yon! Ikaw ba  nagpapaligo ka rin?

“Lahat naman tayo nagpapaliguan. Normal lang ‘yon. Huwag tayong umarte. Huwag tayong magmalinis,” diin niya.

Kaya naman todo ang kayod ni AiAi dahil hindi lang sa kanya kungdi sa mga taong tinutulungan niya hanggang ngayon. Magtatapos na this week ang GMA series niyang Let The Love Begin. Then, agad siyang mapapanood sa Sunday comedy variety show na Sunday PinaSaya.

By September, magsisimula na siya ng filmfest movie nila ni Vic Sotto na

RomCom-in Mo Ako at sa October 27 naman ang For The Love of Mama ang ipu-produce niya sa SM Mall of Asia Arena.

Once maayos na ang lahat sa pakikipagkita sa tunay na ama ni Jiro, isisingit niya ang biyahe nila papuntang Japan bago ang New Year.

 

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

BIG BANG

BY SEPTEMBER

DARA

FOR THE LOVE OF MAMA

HINDI

HUWAG

JANG KI YONG

JIRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with