^

Pang Movies

Ano’ng sey mo Pauleen? Dina siya lang daw ang ‘deserving’ pakasalan ni Vic!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Wala pala sa plano ni Dina Bonnevie na maging artista siya dahil gusto raw niyang maging madre.

Sa naging feature ni Ms. D sa programang Powerhouse ng GMA News TV, ikinuwento nito na noong teenager siya ay madalas siyang tumambay sa mga tinitirhan ng mga madre at tinutugtugan daw niya ang mga ito ng gitara.

Pero sinabihan siya ng mga madre doon na huwag siyang magmadre dahil masyado raw siyang maganda. Baka raw may ibang plano ang Diyos para sa kanya.

Hindi rin daw binalak ni Ms. D na sumali noon sa Miss Magnolia. Sinamahan lang daw niya ang sister niya na magpapa-register pa lang sa contest.

Pero si Dina nga ang nagustuhan ng organizers at pina-fill up siya ng application. Ang ending ay naging 1st runner-up si Dina.

Ayon pa kay Ms. D na ang namayapang aktor na si Alfie Anido ang naka-discover sa kanya.

Nakita raw siya sa isang magazine cover at nagkasama sila sa isang photo shoot. Si Lloyd Samartino raw dapat ang kasama ni Dina sa photo shoot na iyon, pero hindi ito makakarating kaya si Alfie Anido ang pumalit. Doon daw nagsimula ang relasyon nila.

Nakilala naman daw niya si Vic Sotto noong ni-record niya ang kanyang unang album na Bakit Ba Ganyan?

“Ang payat-payat ni Vic noon. Para siyang butiki. Tapos ang mga jokes niya, hindi ko type. Parang sayang ang oras kong kasama siya. Ganyan ako ka-bad kay Vic noon kasi hindi ko siya type!” tawa pa ni Ms. D.

Pero nauwi rin sa pagpapakasal ang dalawa ay nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Danica at Oyo kung kanino may mga apo na si Dina.

Sa tanong nga kung bakit siya pa lang daw ang babaeng pinakasalan ni Vic Sotto?

Sagot ni Dina: “Well, maybe I’m the only one who deserves it!”.

vuukle comment

ALFIE ANIDO

ANG

BAKIT BA GANYAN

DINA

DINA BONNEVIE

MISS MAGNOLIA

MS. D

PERO

SI LLOYD SAMARTINO

SIYA

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with