^

Pang Movies

Dennis ayaw makisawsaw sa gulo ng Iglesia ni Cristo

- Vinia Vivar - Pang-masa

Umaasa si Dennis Trillo na hindi maaapektuhan ng kontrobersiyang nangyayari ngayon sa Iglesia ni Cristo ang epic-historical-biographical film niyang Ang Sugo na tumatalakay sa buhay ni Ka Felix Manalo, ang founder at First Executive Mi­nister ng INC.

Aminado naman si Dennis na nalulungkot siya sa nangyayari ngayon sa INC.

“Nalulungkot po ako na nangyayari ‘yun sa mga kapatid natin pero umaasa po ako na maipapalabas pa rin ang pelikula dahil sa ti­ngin ko po ngayon, mas kailangan nilang mapanood ‘yung pelikula para mas maintindihan din nila ‘yung mga gulong nangyayari,” pahayag ng aktor.

Si Dennis mismo ang gaganap na Ka Felix at tapos na raw niyang i-shoot ang movie. Kaya sa ngayon ay concentrated na lang siya sa bago niyang teleserye with Jennylyn Mercado, ang My Faithful Husband.

‘Di para kay Dennis Jennylyn nagpapaganda para sa sarili 

Kinakarir talaga ni Jennylyn Mercado ang pagpapaganda at pag-aalaga sa sarili na nagbubunga naman dahil lahat naman talaga ay nagsasabing ang ganda-ganda niya ngayon at katunayan, siya nga ang hinirang na Sexiest Woman of 2015 ng FHM Magazine.

Ayon kay Jen, lahat ng babae ay dapat talagang alagaan ang sarili lalo na nga kung may anak na. Hindi raw porke’t may anak na ay pababayaan na ang beauty.

 “Hindi lang para sa sarili mo, kungdi para na rin maging inspirasyon ka sa ibang tao, tapos para sa asawa mo na masabi niyang “in fairness ha, hindi ka pa rin nagbabago. Effort talaga,” she said.

Wala raw siyang pinapagandahan at talagang para sa sarili raw niya ang kanyang pagpapaganda.

Sa ngayon ay si Dennis nga ang nali-link sa kanya pero tikom ang bibig ni Jen pagdating sa kanyang love life.

Si Dennis ay medyo nabubuking pa dahil nang tanungin siya in a scale of 1-10 kung gaano kasaya ang kanyang love life, ang sagot ng aktor ay 10.

Ano ang masasabi ni Jen tungkol dito?

“Sigurado ba kayong ako ‘yun? Tanungin n’yo muna,” say niyang natatawa.

Jeric raval balik-pelikula

Nagbabalik sa paggawa ng pelikula ang dating action star na si Jeric Raval. Sumikat siya noong dekada 90 at marami-rami ring nagawang action films.

Siya ang bida ngayon sa pelikulang Manila’s Finest under Prince Armor Productions kung saan ay kasama niya sina Bangs Garcia, Mark Anthony Fernandez, Jao Mapa at marami pang iba.

Sa pocket presscon/preview ng movie held last Saturday ay nakausap namin si Jeric na parang hindi pa rin nagbabago at hindi tumatanda. ‘Yun pa rin ang hitsura niya at fit pa rin ang katawan.

Fifteen years ago pa raw yata ang huli niyang pelikula at pagkatapos nito ay tumigil na siya dahil that time ay pabagsak na raw ang movie industry at nauso na ang mga teleserye.

 “Siyempre, hindi pa ako handa na magda-drama’t mag-iiyak, eh hindi ko naman alam na magiging boom ang TV. At saka noong araw nag-build up na sila ng sari-sarili nilang artista,” paliwanag niya.

During those times ay nagtrabaho raw siya S­enate, sa office ni Sen. Lito Lapid. Isa raw siya sa consul­tants nito at tumagal daw ito ng five years.

During his time ay tumatak ang pagkaka-link niya sa dating aktres na si Monica Herrera. He revealed na nagkaroon pala sila ng tatlong anak. Kaya bale 8 ang anak niya dahil may lima siyang anak sa asawa.

Hindi naman ikinaila ni Jeric na talagang napagsabay niya ang misis at si Monica noong pa­na­­hong iyon pero nakaraan na raw ‘yun at ngayon ay ang asawa pa rin niya ang kanyang kasama.

Sa Manila’s Finest ay gagampanan ni Jeric ang papel ng retiradong pulis na Ret. Col. Jimmy Tiu mula sa direksyon ni William Mayo.

Bangs mahilig sa foreigner

Nakausap din namin sa presscon ng Manila’s Fi­nest si Bangs na sobrang happy naman sa kanyang love life. Half-British, half-Filipino ang bago niyang boyfriend na si Lloydie, only 28 years old at property developer.

Love at first sight nga raw ang nangyari sa kanila dahil first mee­ting pa lang nila sa Boracay ay parang may instant connection na sila.

Five months pa lang daw ang relasyon nila pero ang dami na raw nilang nagawa together. Naipakilala na raw siya sa family niya at na-meet na rin daw nito ang family niya.

Parang ayaw na nga raw nilang maghiwalay at pag nag-i-Skype sila ay inaabot daw sila ng limang oras na hindi nila namalalayan.  Sa London naka-base ang boyfriend niya pero bumibisi-bisita sa Pinas dahil may relatives ito rito. Kahit long distance love affair sila, sobrang nagwo-work-out daw ang relasyon nila at sobrang happy nila.

Feeling ni Bangs ay si Lloydie na ang “the one” at gusto niyang ito na ang guy na makasama niya for the rest of her life.

vuukle comment

ACIRC

ANG

HINDI

JENNYLYN MERCADO

JERIC

NIYA

NIYANG

RAW

RIN

SHY

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with