^

Pang Movies

Jennylyn wagas na wagas ang pakikipag-romansa

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Consistent pa rin ang dating ni Dennis Trillo kay Jennylyn Mercado pagdating sa aktingan kahit limang taon ‘yung huli nilang pagsasama sa drama series. This time, sa My Faithful Husband, wagas na wagas ang mga romansahan nila kaya naman tuloy ang tsismis sa kanilang nagkabalikang muli.

Sa pictorial nila, kinuhanan ‘yung mga yakapan nila. Na-miss ba niya ang mga yakap ni Dennis? “Ay, oo! Ha! Ha! Ha! O, naloka ka, di ba? Ha! Ha! Ha! “Hindi! Ano ka ba, Tito? Kunwari lang naman ‘yon. Pictorial lang ‘yon at may damit kami sa loob! Mainit!” bawi ni Jen. Excited ang aktres sa konsepto ng soap dahil hindi siya ‘yung inaapi o iniligtas ng lalaki. “Dito, ‘yung lalaki naman ang mahina. Hindi confident,” saad niya.

Komo nga lumalanding asawa ang role ni Jen, handa na raw siyang makatanggap ng haters komo nga sa konserbatibong ugali ng karamihan.

“Handa po ako! Pinaghandaan ko na ‘yan! Ha! Ha! Ha! In-anticipate ko na po ‘yan na maraming magagalit sa akin. I’m sure, magugustuhan nila ito. Iba, iba ito eh!” pahayag pa ng aktres.

Ayon kay Dennis sa interview, love is lovelier the second time around. Ano ang reaksyon niya? “Hmmm, ano ba? Wala! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko! Ha! Ha! Ha!” rason ni Jen.

“Pero depende eh. Para sa akin kasi, hindi oo eh. Parang nandoon ako sa gitna. Depende doon sa klase kung gaano katindi ang pagmamahalan. Kung ano ‘yung pinagdaanan ninyo. Kung willing ba kayo na ayusin,” tugon niya.

Teka, nakatikim na ba siya ng unfaithful boyfriend? “Ahhh, oo!” sagot ni Jen.

Mga ilan? Natahimik muna si Jennylyn na para bang nagbibilang.

“Ha! Ha! Ha! Hindi naman ganoon kadami!” sey niya.

Paano nangyari ‘yung muli nilang pagkakalapit ni Dennis eh hindi na­ging maganda ang hiwalayan nila?

“Kasi noon pa naman, kahit hindi pa kami nagkakaroon ng soap, noon pa po, pag nagkikita kami sa Sunday All Stars (SAS), lagi naman kaming nagkukumustahan,” aniya.

Closer sila ngayon, huh! “Ay, oo! Kailangan naming gawin ‘yan kasi may soap kami,” katwiran ng aktres.

Kung si Dennis ay very vocal sa damdamin niya, bakit siya eh parang pinipigilan pa ang emosyon?

“Magkaiba kami! Ha! Ha! Ha!” dahilan niya.

Pero ramdam sa pananalita ng dating boyfriend na in love siya. Wala na raw hahanapin pa. Masaya rin ba siya? “Siyempre masaya ako!” sagot ni Jen.

Biniro namin si Jen na makakaganti na siya kay Dennis.

Bulong niya, “Ay, oo nga! Ha! Ha! Ha! Ano ka ba, Tito!

“Siyempre sa nangyayari ngayon, sino ba ang hindi magiging masaya? Sa dami ng blessings. Wala na ako…Ako, okey na ‘yung takbo ng pamilya ko. ‘Yung kay Jazz. Okey na okey na. sa trabaho, masaya ako,” diin ni Jennylyn.

Eh, lovelife niya? “Oo! Maayos! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Jen. What you see is what you get daw ang drama nila. “Kung anuman ang sinasabi ni Dennis, huwag kayong maniwala roon! Ha! Ha! Ha! Hindi kasi ‘yon ang pinagtutuunan ko ng pansin. Masaya ako at wala naman dapat ikalungkot!” katwiran pa ni Jennylyn.

Puwede na sa iba baguhang aktor na suki ng mga bikini open, nakawala na sa kamay ng bading!

Nakawala na pala ang isang kontesero ng mga bikini open sa bading niyang dyowa. Kasi, napasok na sa showbiz ang kontesero at meron na siyang ma­nager, huh!

Nang maispatan kasi ang baguhang artista ng dating dyowa, talagang bantay-sarado siya. Ayaw na siyang pasalihin sa mga bikini open.

Kasi, may ilang kati-katerang bading na itinakas siya at isinali sa isang bikini contest sa probinsiya at nananalo.

Naging sanhi ‘yon ng awayan ng dyowang bading at mga handlers ng contest. Ngayon nga ay wala na ang bading sa poder ng baguhang artista kaya malaya na niyang natupad ang pangarap pasukin ang showbiz.

Matikman nga naman siya ng mga bading sa showbiz, at least, may kita na siya eh, mabibigyan pa siya ng exposure, huh!

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

HINDI

JENNYLYN

KASI

MGA

NAMAN

NIYA

SIYA

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with