^

Pang Movies

Relasyon seryosohan na Dennis binabalak pakasalan si Jennylyn!

- Vinia Vivar - Pang-masa

After their controversial break-up, ngayon lang ulit magsasama sa isang te­leserye sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Sila ang magkapareha sa My Faithful Husband ng GMA 7 pero bago pa man ito ibigay sa kanila ng network ay talagang nagsisimula na silang ma-link at ang tsika nga ay nagkabalikan na sila.

Kaya naman sa presscon ng serye na ginanap last Friday, ang tunay na estado talaga ng kanilang relasyon ngayon ang inuritat sa kanila ng entertainment press.

Bagama’t walang opisyal na pag-amin na narinig mula sa kanila, naaliw naman kami sa kanilang mga pahayag especially kay Dennis na hindi itinatago ang paghanga (o pagmamahal?) sa dating girlfriend.

“Maganda ‘yung nangyayari. Eto, nagka-show kami. Siyempre, nung um­pisa, kasi matagal ko siyang hindi nakatrabaho, so nung nagsisimula kami, siyempre may konting kaba kasi kapag hindi mo nagawa ang isang bagay nang matagal, medyo kakabahan ka ulit, pero kapagka patuloy n’yo nang ginagawa, kumportable na kayo,” sabi ni Dennis.

Ano ba ang nakikita nyang pagbabago kay Jen since huli silang nagkasama?

“Siguro, mga five years ago na ‘yun, ano? Maraming nangyari, siyempre, du’n sa mga pangyayari na ‘yun bilang individual, naggo-grow ka, nagma-mature.

“Si Jen, Best Actress na ngayon, no. 1 sa FHM, so alam mo ‘yun, people change and maganda ang nangyari sa amin dahil pareho kaming nag-change for the better.

“As a person, nag-grow kami pareho, nag-mature, dahil siyempre hindi na rin kami bumabata, pareho kaming may anak, ayun, pareho kaming mas naging mabuting magulang.”

So, ibig bang sabihin ay papunta na sila ni Jen sa mas seryosong bagay?

“Susubukan namin.”

So, ready na ba siyang mag-settle down if ever?

“Sa akin naman po, alam ko, itong mga edad na ito, maraming nagpapakasal, ‘yung iba nape-pressure. Pero ako po, hindi ko binibigyan ng pressure ang sarili ko, hindi ko binibigyan ng time limit or deadline.

“So, kapag naramdaman, saka gagawin. Pero sa ngayon, mas marami pang bagay na dapat pagtutuunan. Ayun, trabaho, pamilya.”

Pero in the future, sabi niya ay may balak naman siyang lumagay sa tahimik.

“Pag ready na. Sa ngayon, hindi ko pa nakikita. Hindi ko alam kung kelan. Si­guro in 3-5 years time. Hindi naman kasi pwedeng gawin mo ‘yan ng biglaan na lang. So, dapat talagang seryoso ka na and talagang buo na ang pasya mo o sigurado.

“Kasi kapag hindi, ayaw naman namin siyempeng magkaroon ng problema.”

Si Jennylyn na ba ‘yun?

“Tingnan natin.”

Gandang-ganda si Dennis kay Jennylyn ngayon at iba ang ningning ng mata niya kapag napag-uusapan ang aktres. Kaya ang hula talaga ng lahat ay sila na at ayaw lang umamin.

When asked kung bakit wala siya sa FHM Victory Party kung saan ay rumampa nga si Jen, say niya, “ano kasi, eh, ayoko lang makigulo. Gabi niya ‘yun, eh. So paubaya ko na lang sa mga tagahanga niya. So ako, tingin na lang ako ng mga pictures, okay na ako do’n.”

Sa My Faithful Husband ay ginagampanan ni Dennis ang martir na asawa ng karakter ni Jen na kinakaliwa na pero sobrang mahal pa rin niya ito. Aniya ay kakaiba naman ito sa mga dati niyang ginampanan kaya natutuwa siya.

“Dati kasi, ako ‘yung nanganga­liwa (sa role), naging kabit na rin ako, so, ngayon, ako ‘yung mabait. And naisip ko, matagal ko na rin palang hindi nagagawa ‘yung mabait na character. Kasi ‘yung huli kong mga ginawa, mayroon akong pelikula na pumapatay ng tao, ako ‘yung kabit, ‘yung isa kong pelikula, marami akong chicks.

“So ngayon, parang refreshing na mabait naman ako. Okay ‘yun,” say ni Dennis.

Mula sa direksyon ni Joyce Bernal, magsisimula na sa Aug. 10 ang My Faithful Husband sa primetime slot ng GMA 7.

Richard at Enchong magbabago ang takbo ng buhay!

Isang malaking rebelasyon ang mabubunyag ngayong Linggo (Agosto 2) sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito na pinagbibidahan nina Richard Yap at Enchong Dee.

Sa gitna ng kanilang paghahanap sa taong nasa likod ng mga krimen sa kanilang lugar, unti-unting magbabago ang takbo ng buhay nina Chairman Tai (Richard) at Diego (Enchong) sa paglabas ng katotohanan tungkol sa nakaraan at tunay na pagkatao ng bagong Kung Fu Chinito.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

BEST ACTRESS

HINDI

MGA

MY FAITHFUL HUSBAND

NAMAN

NGAYON

PERO

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with