^

Pang Movies

Dingdong hindi tinatantanan ng sorpresa ang asawa

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kahit aalis dapat para makapagpahinga na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera after the grand launch cum presscon ng new variety show ng GMA 7 na Sunday PinaSaya nila nina Philippine Comedy Queen AiAi delas Alas, comedy duo Jose Manalo at Wally Bayola, Alden Richards, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Joey Paras, Valeen Montenegro, at Jerald Napoles, na magbibigay ng mga pakwela at malalaking papremyo linggu-linggo, simula sa Sunday, August 9, nagpaunlak pa rin ng interview si Marian.

Unang naitanong kay Marian ang post niya na nagpa-ultrasound na siya at nakuha nila ng husband niyang si Ding­dong Dantes ang copy ng 4D nito at sabi raw ng asawa ay kamukha niya ang kanilang coming little girl.

“Pero marami ang nagsasabi na kamukha raw ni Dong, kahit ang family niya, iyon ang sabi nila,” natatawang wika ni Marian. “Ang tingin ko naman, hati kami ni Dong, iyong itaas ng face niya kamukha ni Dong, mula sa nose hanggang chin, sa akin. Ang sabi na lamang ni Dong, kahit daw sino ang kamukha sa amin ng baby namin, palalakihin namin siya sa pagmamahal at tuturuan ng wastong bagay.”

May napili na rin silang name ng baby, pero saka na raw lamang nila sasabihin.

“Basta pinag-aralan naming mabuti ang ipapangalan sa kanya dahil dadalhin niya iyon habangbuhay niya. Basta may ‘Maria’ at may second name siya.”

Hanggang kailan siya mapapanood sa Sunday PinaSaya?”

“Siguro, hanggang kaya ko pang magtrabaho, nakakahiya naman na malaki na ang tiyan ko, suma­sayaw-sayaw pa ako,” at napahagikhik pa si Marian.

Sa Sunday, August 2 ay birthday ni Dingdong at sa August 12 ang birthday niya. Sa pilot episode ng Sunday PinaSaya sa August 9 ay ang one year mula nang mag-propose si Dingdong sa kanya live on nationwide and worldwide television na nag-trending, kaya may nag-i-expect na fans na special guest niya ang asawa. May may out-of-town celebrations ba sila tulad ng nakagawian na nila every year noong hindi pa sila mag-asawa?

“Hindi muna namin siya igi-guest, busy pa kasi si Dong sa taping niya ng Pari ‘Koy at sa kanyang mga commitments sa National Youth Commission (NYC) at sa kanyang mga earthquake drills, kaya hayaan na muna natin siya.  Wala pang sinasabi sa akin si Dong tungkol sa birthday celebrations namin, hanggang ngayon kasi full of surprises pa rin ang asawa ko.”

AiAi pinulitika sa Most Beautiful?!

Tawa nang tawa si AiAi delas Alas kung totoong magtatayo siya ng sariling magazine dahil hindi siya isinama ng YES! Magazine sa kanilang 100 Most Beautiful. At siya raw lamang ang Most Beautiful sa magazine niya. Not true, pero talagang maglalabas siya ng magazine na Ai Lab U na ipi-feature ang kanyang life story, her struggles, and the latest creations ni Rocky Gathercole para sa kanya.

May nang-intriga na baka raw siya napulitika kaya hindi siya nakasama. Hindi raw niya alam at ayaw niyang mag-isip ng hindi maganda. Basta siya, busy sa pagtatapos ng romantic-comedy series niya sa GMA 7, ang Let The Love Begin sa August 7 at ang pilot telecast ng Sunday PinaSaya sa August 9.

vuukle comment

ACIRC

AI LAB U

ALDEN RICHARDS

ANG

BARBIE FORTEZA

DONG

MOST BEAUTIFUL

NBSP

NIYA

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with