^

Pang Movies

Lovi raraket sa 2016!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kung mahihirap ang roles na ginampanan ni Lovi Poe sa una niyang soap na Sa Akin pa rin ang Bukas at ang pinag-usapang Ang Dalawang Mrs. Real last year, pinakamahirap na para sa kanya ang role niya ngayon sa Beautiful Strangers. Na-rape kasi siya sa simula pa ng story, dinukot at sinunog para maitago ang kasalanan.  Nabuhay naman siya pero sunog ang right face niya, kaya nag-prosthetics siya, naging palaboy sa kalye bilang isang taong grasa.  Pero darating din ang araw ng kanyang paghihiganti.

Sa simula ng story, si Rocco Nacino ang boyfriend niya pero mapupunta ito kay Heart Evangelista.  Biniro tuloy si Lovi na hindi ba siya nagselos sa kissing scene nina Heart at Rocco?  Hindi raw naman, binibiro pa nga raw niya ang dalawa at sinadya niyang nandoon sa set nang i-shoot ni Direk Albert Langitan ang eksena, dahil work iyon, nagkakaintindihan sila nina Heart at Rocco.

 “We share a lot naman ni Heart,” kuwento ni Lovi.  “Kapag nag-shopping kaming magkasama, we buy the same clothes and we don’t care kung sabay naming isinuot ang dress.  Sa set, kahit drama ang eksena, kapag nagbiruan kami at tawa kami nang tawa, minsan, hindi kami makapag-take, kaya sabi ni Heart, dapat magbayad na raw kami ng one thousand pesos kapag hindi kami nakapag-take dahil sa katatawa namin..”

Natanong din si Lovi kung ano ang naramdaman niya ngayong magtatapos na sa Sunday, August 2, ang Sunday All Stars na tumagal din ng two years.  Mami-miss daw niya ang mga kasama sa show at mahirap ding i-break ang habit na every Sunday, gigising siya nang maaga para pumunta sa show..  Pero naniniwala raw siyang in every ending there’s always a beginning. Natawa siya na kung may nalungkot daw dahil nawalan sila ng show, may natutuwa naman sa kanila dahil libre na raw silang rumaket sa darating na 2016 elections.  Pero hindi nagsalita si Lovi kung anong posisyon ang tatakbuhan ng Ate niyang si Senator Grace Poe sa eleksyon      

Time out muna sa drama, Lorna mas piniling magpatawa!

Choice pala ni Lorna Tolentino na huwag muna siyang tumanggap ng teleserye kaya natuwa siya nang mag-offer ang TV5 ng isang weekly sitcom, ang Misterless Misis.  Ang huli niyang ginawang soap ay ang My Destiny sa GMA-7 last year, then movie muna ang ginawa niya.  Hindi first time kay Lorna na gumawa ng comedy, noong araw, may ginawa siyang sitcom at comedy-drama movie, ang Pusong Mamon.  Sa ngayon, ang Grand Slam actress ay gusto na lamang ng once-a-week taping at enjoy siya dahil masaya sila lagi sa set, kasama sina Ruffa Gutierrez, Gelli de Belen, Ritz Azul at Mitch Valdez with showbiz newcomer Andie Gomez.  Ginagampanan ni Lorna ang role ni Jenny, single, career-oriented at taboo sa kanya ang love.  Maganda at convenient ang location nila sa Dasmarinas, Cavite at may cut-off daw siya ng 2:00 a.m. na sinusunod naman ng production staff at ni Direk Mark Meily

Kaya may enough time si Lorna na laging mabisita ang farm niya sa Cavite at ang taniman niya roon ng dragon fruits. Tuwing weekend kasama naman nila ang 3-year old apo niyang si Tori,  na anak ng anak niyang si Ralph Fernandez, sa bahay nila sa White Plains.

Ang Misterless Misis ay story ng six women who share a unique bond of friendship at kumukuha sila ng lakas sa isa’t isa para maka-cope up kung may problema.

Mapapanood na ang sitcom simula sa Sunday, August 9, 9:00 p.m. sa TV5.

vuukle comment

ACIRC

ALBERT LANGITAN

ANDIE GOMEZ

ANG

LORNA

LOVI

NBSP

NIYA

PERO

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with