^

Pang Movies

Panlalaki ang gustong trabaho, Barbie gustong maging pulis

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Isa sa magandang regalo na natanggap ng Kapuso Tween Queen Barbie Forteza para sa kanyang 18th birthday ay ang lead role sa bagong indie film ni Direk Louie Ignacio titled Mga Isda Sa Tuyong Lupa.

Si Barbie ang one and only choice ni Direk Louie para gampanan ang bida sa naturang indie film na tungkol sa buhay ng mga Badjao.

Sobrang natuwa si Barbie dahil pinili raw talaga siya ni Direk Louie pagkatapos siyang mapanood sa indie film na Mariquina kung saan nanalo ang tween actress ng best supporting actress award sa Cinemalaya Film Festival last year.

“Flattered po ako na ako ang napili raw ni Direk Louie. Nakakakaba lang kasi parang ang laki ng expectations niya sa akin.

“Nasabi ko naman po na I will give it my best. Sa lahat naman po ng mga ginagawa ko ay sinisigurado ko na binibigay ko ang lahat ng makakaya ko,” diin pa niya.

Sa August na raw ang shooting ni Barbie para sa naturang indie film. May kukunan silang mga eksena sa Mindanao at Pampanga.

“Ilang scenes lang po ang isu-shoot sa Z­­ambo­­­a­nga. Kailangan ma-establish ‘yung pinanggalingan ng characters namin. Mas marami kaming mga kukunan sa Pampanga kung saan may Badjao community.

“Bago nga po kami mag-shoot ay nag-research muna ako tungkol sa mga Badjao para mas maintindihan ko kung paano sila mabuhay at ‘yung language nila.”

Makakasama ni Barbie sa indie film ay sina Gabbi Garcia, Jak Roberto at Ronwaldo Martin.

Isa pang birthday wish  ni Barbie na natupad ay ang maka-graduate  siya ng high school. Naka-graduate nga siya mula sa Alternative Learning System ng San Francisco High School last June.

Ang gustong kuning college course ni Barbie ay B.S. Criminology.

“Hilig ko pong manood ng mga crime drama series na CSI at NCIS. Nagkainteres ako sa mga ginagawa nilang pag-investigate ng mga kaso.

“Wala po kasing online course on criminology. Kailangan mag-enroll ako sa school talaga. Hopefully, kapag nabigyan ako ng time, ang pagtatapos naman ng college ang gusto kong matupad.”

Kasalukuyang busy si Barbie sa long-running te­leserye na The Half-Sisters at kasali siya sa Sunday PinaSaya.

May tinutulungan din si Barbie na mga bata ng Philippines Children’s Medical Center (PCMC).

Bea galit na galit sa mga paawa effect ni Jake!

Si Jake Vargas kaya ang pinatatamaan ni Bea Binene sa kanyang tweet na isang sinungaling?

Nagsunud-sunod nga ang mga tweets ni Bea noong nakaraang July 21 at ito ang mga nakalagay:

“Tables are turned because of your lies. It’s just sad. #ktnxbye

“For me, somebody SHOULD admit something if he/she really did it, but SHOULD NOT lie just to get everybody’s hearts. #justsayin

“You’re obviously trying to get sympathy but Its better to admit it than to make people that are telling the truth look stupid and dishonest.”

Ayon sa isang source, hindi raw nagustuhan ni Bea ang mga naging sagot ni Jake sa mga naging interviews nito sa presscon ng Buena Familia.

Kine-claim daw kasi ni Jake na okey naman daw sila ni Bea bilang magkaibigan. Panay naman daw ang text niya rito para kumustahin. Pero si Bea lang daw ang hindi sumasagot sa kanya. In other words ay dedma raw ito sa mga text niya.

Doon nga raw nagalit si Bea dahil ayon sa a­ming source ay hindi raw ito nakakatanggap ng kahit anong text o tawag mula kay Jake.

Pakiramdam daw ni Bea na nagpapaawa si Jake sa media at pinapalabas nito na dedma siya sa pag-reach out ng ex-boyfriend niya sa kanya.

Nasabi rin daw ni Jake sa isang interview na wala raw third party kaya sila naghiwalay. Pero ibang babae talaga ang naging dahilan ng break-up nila na taga-Olongapo City raw.

Nitong nakaraan ngang GMA Fans Day sa MOA Arena, todo-iwas nga raw si Bea na magkasalubong sila ni Jake. Hindi nga raw lumalabas si Bea ng dressing room hanggang hindi natatapos si Jake sa mga production numbers nito.

Sa isang group selfie shot ng mga kasamahan ni Bea sa Tween Hearts, si Jake lang ang wala.

Sa Instagram at Twitter account nga ni Bea ay na-delete na lahat ng mga photos ni Jake.

Hollywood actor na si Shia LaBeaouf, muntik na mapatay ang girlfriend na si Mia Goth!

Nakunan ng video sa Germany ang away ng Hollywood actor na si Shia LaBeaouf at ng kanyang girlfriend na si Mia Goth.

Sa isang public street in Germany nakunan ang dalawa na nagsisigawan habang papalabas ng isang taxi.

Nasa naturang bansa si Shia dahil nagsu-shoot ito ng isang horror movie doon.

May mga umaawat sa aktor at may nag-volunteer na ihatid siya sa airport.

Maririnig sa video na sinabi ni Shia na: “I don’t want to touch a woman. I don’t want to hit a woman. But I’m getting pushed!”

Ayon sa report, nagsimula ang away nina Shia at Mia dahil babalik na sa Amerika ang aktor. Ayaw siyang payagan ng kanyang girlfriend at inagaw nito ang backpack ng aktor. Doon na raw nagsimula ang away ng dalawa.

Habang papunta nga ng airport, nasabi ni Shia na mabuti na lang at nakaalis siya.

“I gotta get out of here, bro. If I’d have stayed there, I would have killed her,” diin pa ni Shia na nagkaroon ng hand injury dahil sa away nila ng kanyang girlfriend.

Nagkakilala sina Shia at Mia noong 2012 nang gawin nila ang pelikulang Nymphomaniac.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BADJAO

BARBIE

BEA

DIREK LOUIE

JAKE

MGA

MIA GOTH

NGA

RAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with