^

Pang Movies

Kris number one na naman, Best Dressed sa SONA 2015, hometown decision?!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hometown decision naman ang resulta ng Best Dressed na personalities sa State of the Nation Address (SONA) na pina-survey ng ABS-CBN sa social media, huh!  Kasi naman, number one sa list si Kris Aquino at pumasok sa Top 5 sina Dawn Zulueta at Richard Gomez kasi may movie silang The Love Affair ng Star Cinema.

Pasok din si Tootsy Angara, wife ni Sen. Sonny Angara, na rin connected sa ABS-CBN. Tapos, si Heart Evangelista, nasa Top 10 na lang unlike last year na pumasok sa unang lima. Kasi nga, Kapuso artist ang wife ni Senator Chiz Escudero.

Nasa Top 10 din si Senator Grace Poe. Puting Filipiniana muli ang kasuotan niya. Pilit binibigyan ito ng kahulugan ng intrigero’t intri­gerang media. Sad to say, wala silang nakatas na sound bites mula sa simpleng senadora. Next year, hindi na siguro magna-number one si Kris dahil wala na siyang kamag-anak na dadaluhan sa SONA.

Enrique at Liza kinaiinggitan, Gerald Anderson isasahog sa kanilang bagong pelikula

Kaiinggitan ngayon ng ibang Star Magic Artists sina Enrique Gil at Liza Soberano dahil inihahanda na ang kanilang next movie after ng Just The Way You Are, ang Everyday I Love You. Nagkaroon na ng storycon ang project na ididirek ni Mae Cruz.

Take note na kasali sa cast si Gerald Anderson. Eh, between Gerald and Quen, mas mainit ang huli dahil sa loveteam nila ni Liza.

Wala pang detalye tungkol sa project ng LizQuen loveteam. At least, hindi nganga sa kahihintay ang kanilang fans!

Kaya naimbyerna Barbie inaming hindi pinagtiyagaan na ligawan ni Miguel

Ibinabahagi na lang ng Teen Royalty na si Barbie Forteza ang gagastusin sa debut niya sa isang ipagagawang kuwarto sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) kesa sa cotillion, marangyang damit at pagkain. Apat na taon na kasi niyang tinutulungan ang ospital at gustong i­pag­patuloy ang pag-share ng blessings sa mga batang ipinagagamot roon.

Sa July 31 ay eighteen na si Barbie. Excited man siya sa pagtuntong sa edad na ‘yon, siya na rin ang nagdesisyon na huwag magkaroon ng debut party.

Sa birthday presscon na ibinigay ng GMA Artist Cen­ter (GMAAC), kanyang ini-announce ang Adopt-A-Room Program ng PCMC. On-going na ang renovation ng isang room na in-adopt ni Barbie sa tulong ng GMAAC at architects Jose Ricky Martinez at Richie Ongteco.

 “Ilalagay ang donation box sa mezzanine ng GMA building at ini-invite ko ang fans, mga kaibigan kong artista at ‘yung ibang tao na mag-donate ng kahit na anong goods hanggang August 5. Hindi po cash ang tatanggapin namin. Para sa mga bata ito at para masama sa celebration ko sa PCMC sa August 6. Patulong po sa inyo,” bungad ni Barbie.

Ngayong 18 na siya, ipinagkatiwala na raw sa kanya ng parents niya ang ilang res­pon­sibi­lidad pagdating sa trabaho.

“Malaking bagay po sa akin ‘yon dahil ibig sabihin, nagtitiwala na sila sa akin. Feeling nila. Mature enough na ako para ibahagi nila ‘yung tungkol sa schedules ko, legal matters. Unti-unti nilang dinidiskas sa akin.

“Pagdating naman sa buhay ko personally, so far, wala pa na­mang nagbabago! Ha! Ha!Ha! Sana meron in the future! Sana may magparamdam in the future! Ha! Ha! Ha!

 “Wala po hong nagkakamali! Ha! Ha! Ha! Malungkot! Ha! Ha! Ha!” katwiran niya tungkol sa sinasabing nanliligaw sa kanya.

Kung merong wish na material si Barbie, gusto niya ay magkaroon ng sariling sasakyan. Isang four-wheel drive na pick up truck ana puwede na niyang i-drive dahil may lisensiya na siya. Ayon sa kanya, convenient sa Pinas ang sasakyan bilang bahain ang kalye.

“’Yun po talaga ang dream car ko. Maluwag. Hindi kasi ako masyadong fan ng maliliit na kalye. Pinag-uusapan na namin ng tatay ko habang umiiling ang nanay ko! Ha! Ha! Ha!” rason ng Teen Royalty.

Pagdating sa boyfriend, kahit may tsismis na nagkaroon na, ipinagdiinan ni Barbie na wala pa. “Kasi choosy ako eh. Sinasabing meron pero hindi ro rin alam! Ha! Ha! Ha! Wala pang nagkakamali!

“Hindi ko nga alam sa kanila eh. Baka hindi ko lang alam na nanliligaw na sila. Hindi. Kasi parang ang hirap ngayon!

“Gusto ko kasi, since choosy ako, gusto ko ‘yung old style ng pagiging romantic. Hindi ako ‘yung text-text lang. ‘Labas tayo!’ Ay hindi! Busy ako!

“Gusto ko lang na sila mismo, personally, pumunta sa bahay, ipagpapaalam ako sa mga magulang ko na lalabas kami. Ipaalam sa kanila na mag-uusap kami. Na kahit paano, special friends na kami,” dahilan niya.

Never daw silang nagkaroon ng relasyon ni Derrick Monasterio na best friend na lalaki ang turing niya.

Hindi ba siya sinuyo ni Miguel Tanfelix kaya walang nangyari sa kanila?

 “Well, obviously, hindi! Wala na siya sa picture! Ha! Ha! Ha!” deklara ni Barbie na tuloy pa rin sa prog­ramang The Half Sisters.

vuukle comment

ACIRC

ADOPT-A-ROOM PROGRAM

AKO

ANG

BARBIE

GERALD ANDERSON

HINDI

KASI

SHY

TEEN ROYALTY

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with