^

Pang Movies

Dalawang female celebrities hindi kayang magtinginan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

How true na nag-iwasan ang dalawang female celebrities sa isang malaking event kamakailan?

Ayon sa aming source ay inalam daw ni Female Celebrity A (FCA) kung anong oras darating at magpe-perform si Female Celebrity B (FCB)? Ayaw daw kasi niyang makasabay ito para wala na maging issue sa kanila.

Hangga’t maaari ay ayaw nang palakihin ni FCA ang issue sa kanila ni FCB.

Anyway, dapat daw ay sa bandang huli pa ng show ang paglabas ni FCA, pero nagpasabi na ito na isalang  na siya ng maaga. Rason nito ay may importanteng dinner sila ng kanyang pamilya at ayaw daw niyang ma-miss ito. Kaya mas maaga siyang isinalang para makaalis siya agad dahil malayu-layo pa ang biyahe niya.

Wala namang magawa ang staff ng show kundi i-adjust ang spot ni FCA. Alam naman nila ang dahilan na ayaw nitong magpang-abot sila ni FCB sa backstage.

Kaya inalis na ang mga spiels dapat ni FCA at diretso na siya sa pag-perform.

Bago pa nga raw bumaba si FCA mula sa kanyang dressing room, pina-check niya kung nandoon ba si FCB dahil ayaw niyang maging awkward ang sitwasyon kung sakaling magkasalubong sila.

Noong ma-confirm na hindi pa dumarating si FCB ay mabilis na bumaba na si FCA at nagpasalang na ito agad.

Pagkatapos nga ng kanyang performance ay nagmadali itong nakipag-meet sa kanyang mga fans at sabay nagpaalam na.

Hanggang ngayon ay hindi mahulaan ng mga tao kung paano nagsimula ang gap ni FCA at FCB.

Wala kasing gustong magsalita sa dalawa kaya wala tuloy linaw ang lahat. Ang hirap nga lang daw nito dahil hindi nga sila puwedeng mapagsama sa iisang lugar dahil kapwa may pride ang dalawa.

Abel dinadaan sa pagkanta ang pantasya kay Solenn

Inamin ng Kapuso hunk na si Abel Estanislao na nami-miss na niya ang kanyang girlfriend na nagtatrabaho sa Japan.

Matagal na raw silang may relasyon pero kailangan daw magtrabaho sa ibang bansa ito.

Hindi itinago ni Abel na nahihirapan siya sa long distance love affair nila ng girlfriend niya. Inamin din nito na maraming tukso sa paligid niya. Pero tinitiis daw niyang huwag bumigay dahil sobra niyang mahal ang kanyang girlfriend.

 “Kaya tiis-tiis na lang. Hanggang tingin na lang tayo.”

Isa raw sa nagsisilbing tukso kay Abel ay si Solenn Heussaff. Noon pa raw niya crush si Solenn at tuwing nakikita raw niya ito ay umiirak ang tukso sa utak niya.

Pero ngayon ay natuto na raw siyang ikontrol ang nararamdaman niya para kay Solenn.

 “Kaya mabuti na lang at magiging busy kami ng 3logy sa mga mall shows para i-promote ang single naming Pwede Ba? Kapag busy ako, hindi ako makakaisip ng kung anu-ano,” ngiti pa ni Abel.

Binubuo nga ang 3logy nila Abel, Jeric Gonzales at Jak Roberto.

Meg Ryan, halos hindi na makilala dahil sa retoke

Matagal na hindi nagpapakita sa publiko ang dating America’s Sweetheart na si Meg Ryan.

Pero nang minsang um-attend ito ng isang Hollywood event, laking gulat ng mga nakakita sa kanya dahil sa malaking pagbabago sa mukha nito.

Kahit raw ang mga kapitbahay nito sa kanyang residence sa Martha’s Vineyard ay halos hindi siya makilala dahil sa pinagawa ni Meg sa kanyang mukha.

 “It’s rumored Meg had a facelift and fillers. Actually, it’s obvious because her forehead and the area between her eyes don’t move,” ayon pa sa isang Hollywood insider.

Never raw umamin ang 53-year old actress na nag-undergo siya ng surgery or Botox injections.

Ayon naman sa plastic surgeon na si Dr. Lyle M. Back, kahit na hindi pa niya na-treat si Meg, sa mga pictures pa lang daw nito ay halatang nagpa-multiple laser surfacing ito, nagpa-inject ng Botox at heavily pumped filler.

 “Meg’s charm was an all-American kind of sexiness, but all this work has transformed her into something else.

 “She’s had a lot done to her eyes, which are thinner than they once were, suggesting the lower lids have been lifted. Her nose is clearly altered.”

Noong uma-attend nga ng Paris Fashion Week si Meg kamakailan, maraming fans ang nakapansin ng malaking pagbabago sa itsura nito.

Ayon sa isang fan: “I still like Meg Ryan, but I wish to God she hadn’t messed with her adorable face.

 “Why did she mess with that adorable face.?? Where did the real Meg Ryan go? She was so cute.”

Kasama na si Meg Ryan sa mga Hollywood stars na halos hindi na makilala dahil sa may pinagawa sila sa kanilang mukha. Kabilang na rito sina Renee Zellweger at Uma Thurman.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

DAHIL

DAW

FCA

HINDI

KAYA

MEG

MEG RYAN

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with