^

Pang Movies

YES party dinagsa!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Star-studded ang celebration ng YES! Magazine’s 15th Anniversary.  Hindi lamang mga artista ng tatlong networks ang sumuporta, pinangunahan pa sila ng kani-kanilang mga top executives.  Si Atty. Felipe L. Gozon for GMA Network, Ms. Charo Santos-Concio for ABS-CBN at si Ms. Wilma V. Galvante for TV5.  Ginanap ito sa ballroom ng Crowne Plaza Galleria Manila last Monday, July 27. 

Ayon sa editor-in-chief na si Ms. Jo-Ann Maglipon, naiiba ang kanilang ma­gazine dahil pinagtiwalaan sila ng mga stars and celebrities ng ka­nilang most intimate thoughts kaya pumayag silang mabisita ang kanilang mga tahanan, ma-invite sa kanilang mga parties, weddings and other affairs at maibigay sa mga rea­ders ang gusto nilang malaman.

Isa-isa nilang ipinakita ang ilan sa mga laman ng YES! simula sa unang release nila in year 2000, na napapa-oh! ang au­dience sa mga nakikita nila.

Ilang sidelights: 

Two sets ng hosts ang nag-interview sa mga celebrities and guests sa lobby, sina Ritz Azul at Nicco Manalo at sina Cai Cortez at Jerald Napoles.

Natagalan bago nakapasok sa loob ng ballroom ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil sa dami ng gustong magpa-photo op sa kanila.  Kita na ang baby bump ni Marian sa kanyang pink long gown, naka black suit naman si Dingdong at hindi ang suot niya sa pag-attend niya ng State of the Nation Address (SONA) na Barong Tagalog. Na-excite ang young star na si Alexa Ila­cad ng Star Magic nang makita si Marian na love na love niya at hindi siya nakatiis na hindi mag-request kung pwede siyang magpa-picture kay Ma­rian, lalo siyang na-excite nang si Dingdong pa ang kumuha ng picture nila. Ipinakilala ni Ms. Galvante si Marian kina Shaira Mae at Mark Neumann.

 ‘Early birds’ ang mag-asawang Tirso at Lynn Cruz, Lorna Tolentino and son Raf Fernandez, Amy Austria, Rez Cortez and wife Candy, Christopher de Leon and Sandy Andolong na nang kumustahin namin, after ilang months na nagpahinga, back to work na raw siya, magti-taping na siya ulit ng Home Sweetie Home.  Nasa kabilang table naman ang napakagandang si Dia­na Zubiri, kasama ang husband niyang si Andy Smith.

Magkasunod na dumating sina Sen. Grace Poe with husband Neil Llamanzares at Cong. Roman Romulo and wife Shalani Soledad mula sa SONA.

Siyempre pa, si AiAi delas Alas, pasabog na naman ang outfit.  Hirap siyang makapun­ta sa mga tables kaya ang gina­wa niya, nagtapak na lamang siya para mabilis siyang makalakad.            

Si Concert King Martin Nie­vera ang nag-host ng show at binati niya ang ex-wife ni­yang si Pops Fernandez.  Nang i-introduce niya si Asia’s Songbird, sinabi niyang the best singer talaga si Regine.  Kumanta rin si KZ Tandingan at sina Aicelle Santos at Cookie Chua.  May mga magpi-perform pa pero umalis na kami.

Mas maraming Kapuso stars ang sumuporta sa event, na kung isusulat namin ay kukulangin ang space natin,  ilan lamang from ABS-CBN at sa TV5 si Ritz at Mark Neumann. 

Binigyan din ng tribute ng YES! ang mga producers na sumuporta sa kanila, kasama si Fernando Poe Jr. na ang tumanggap ng award ay si Lovi Poe.

Our Congratulations to YES!

vuukle comment

ACIRC

AICELLE SANTOS

ALEXA ILA

AMY AUSTRIA

ANDY SMITH

ANG

BARONG TAGALOG

MARK NEUMANN

MGA

NBSP

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with