^

Pang Movies

Ruffa kay Annabelle: ‘Wala akong ginagawang masama!’

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sabi ni Annabelle Rama nang makatsikahan ng entertainment press sa presscon ng It Takes Gutz to be a Gutierrez Season 3, gusto niya raw na bago siya mamatay ay makita niyang nasa ayos ang panganay na anak na si Ruffa Gutierrez.

Sina Richard at Raymond Gutierrez daw ay okay na, pero si Ruffa ay hindi pa raw stable kaya gusto niyang makatagpo ang unica hija ng lalaking puwede itong suportahan pati ang mga anak nito.

In a separate interview with Ruffa ay tinanong namin siya kung ano ang reaksyon niya sa sinabing ito ng kanyang ina at say ng aktres, “Wala pa naman akong ginagawa na hindi sa ayos, ‘di ba? Wala naman akong ginagawang masama. Wala na nga akong social life, no!”

Say ni Ruffa ay nagtratrabaho naman daw siyang mabuti at kahit naman hindi siya busy sa showbiz projects, may mga pinag-iisipan naman daw siyang negosyo ngayon at nakikipag-partner sa iba’t-ibang businesses.

Hindi nga raw niya alam kung bakit OA daw makapag-react ang mommy niya about her boyfriend Jordan Mouyal gayung wala pa naman daw sila sa seryosong lebel to the point na pinag-iisipan na ang magpakasal.

“Wala pa kami sa ganu’ng bagay. That’s why, nagtataka nga ako sa kanya kung bakit siya masyadong react nang react! Eh nasa companionship stage pa lang naman kami. Wala pa naman kaming balak magpakasal or create more babies. Wala pa kami sa ganun’g stage,” sabi ni Ruffa.

Sinabi rin dati ni Tita Annabelle na kapag nagkaanak si Ruffa sa boyfriend ay hindi na raw niya ito kakausapin forever.

“Hello! I’m sure kapag nakita niya kung gaano ka-cute ang baby ko, tsitsikahin din niya ‘yun. Eh si Mommy pa! Malambot naman ang puso niyan, eh. Kunya-kunyari lang siyang matapang at mataray. Hindi rin niya ako matitiis.”

Kahit daw bata pa si Jordan ay maayos naman daw ang buhay nito.

At any rate, magsisimula na ngayong gabi (Monday, July 27) ang It Takes Guts to be a Gutierrez Season 3 sa E! at ayon kay Ruffa, ito raw ang best season ever.

Paolo nahulaan nang mas sisikat si Gab sa U.S.

Nominado si Gab Valenciano for Best Choreography sa MTV Video Music Awards for his work in Beyonce’s 7-11 music video.

Kasama niya rin bilang nominado para sa nasabing MV si Beyoncé mismo at si Chris Grant.

Kaya naman masayang-masaya para sa kanya ang kuya niyang si Paolo Valenciano.

“Of course, I’m really, really proud of him. But before he left for the States, I had a feeling that he was gonna make a name for himself there, I just didn’t expect it to be this big,” natatawang say ni Paolo nang makausap namin sa pocket presscon for Next Attraction: The Repeat concert nila nina Karylle, Isabella, and Robin Nievera.

“I didn’t think that he would be working with Beyoncé and you know, all this people. So, I really had that feeling right before he left.”

Ibinahagi nga ni Paolo noong bago umalis si Gab, frustrated ito sa nangyayari sa career niya rito sa Pinas.

“Kasi, feeling niya parang nobody would take him seriously, when he would dance on TV, parang extra lang siya and he felt na parang ‘yung talent niya, hindi nagagamit.

“Before he left for the States, I really told my Dad (Gary Valenciano) and Mom (Angeli Pangilinan) and my sister (Keanna), sabi ko, I had a feeling na siya ‘yung magkaka-break through in the States more than my Dad.

“Because my Dad also tried it in the States before. And you know, he didn’t reach what my brother has achieved now, and the whole family was so proud of him. I think he deserves it, he really deserves it,” say ni Pao.

As of Pao naman, maganda ang takbo ng kanyang career dito bilang music director/producer/arranger/singer. Siya ang director and performer ng Next Attraction na naging very successful held last July 4 kaya naisipan nilang magkaroon ng repeat.

Gaganapin ang Next Attraction: The Repeat sa August 14 and 15 sa Music Museum.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELI PANGILINAN

ANNABELLE RAMA

AS OF PAO

GUTIERREZ SEASON

NAMAN

NEXT ATTRACTION

NIYA

RUFFA

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with