^

Pang Movies

Aljur nag-soul searching

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Unti-unti nang bumabalik sa limelight ang prodigal son ng GMA 7 na si Aljur Abrenica. Ilang buwan din nawala si Aljur bago nagdesisyon na siputin ang Sunday All Stars. Gayun pa man ay tuloy pa rin daw ang court case sa pagitan ni Aljur at ng GMA network.

Sa pagbabalik ni Aljur ay umaasa siya na mabigyan muli ng bagong proyekto gaya ng mga teleserye. Mukhang nagkakaayos na ang magkabilang panig at nabibigyan na ito nang kung anu-anong schedules. May narinig kami na may bago na siyang teleserye na gagawin.

Sa Batangas lang, kasama ang pamilya magpapalipas ng Semana Santa ang aktor. May resort kasi sila roon at sapat na sa aktor ang makasama ang pamilya sa mahabang bakasyon.

Kailan lang ay mag-isang pumunta si Aljur sa isla ng Batanes para maranasan ang pagsosolo at mag-explore ng mga bagong lugar. May natutunan naman daw siya sa solo flight niya na first time makatuntong sa Batanes. Nakasalamuha daw niya ang mga ordinaryong tao roon at may pamilya siyang nakilala na nag-alaga sa kanya.

Mga artista, sa beach o malalamig na lugar ang destinasyon

Ramdam na ramdam namin ang init tuwing Mahal na Araw. Kaya sa beach o mga resort ang direksyon ng mga tao tuwing dumarating ang panahon na ito.

Maski mga artista ay nagbabakasyon din para samantalahin ang mahabang break mula sa trabaho nila. Gaya ni John Lloyd Cruz na kasama ang pamilya sa beach at hindi lalabas ng bansa. Kaya siguro nagsaa-shout si Angelica Panganiban kung sino ang nasa Boracay ngayong Holy Week at doon sila pupunta.

Ang tropa naman ng Eat Bulaga ay nasa Japan dahil taun-taon sa panahong ito ay taped ng mga istoryang banal ang ipinapalabas nila sa kanilang noontime show. Ang mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero ay sa Japan din ang tungo habang ang pamilya ni Sharon Cuneta ay nasa Amerika at malamang sa New York na gustung-gusto niyang binabalik-balikan.

Ang kinikilala niyang kapatid kahit hindi kadugo na si Judy Ann Santos kasama si Ryan Agoncillo at mga anak ay sa New Zealand naman nagtungo.

Imelda faithful pa rin kay Imelda Marcos

Nakausap namin si Imelda Papin sa taping ng Bubble Gang kung saan isa siya sa panauhin sa Tatalino portion ni Michael V. Walang ipinagbago ang hitsura ng Jukebox Queen noong kapanahunan niya.

Si Imelda ay pabalik-pabalik ng Pilipinas mula sa Amerika. Hanggang ngayon ay Marcos Loyalist pa rin si Imelda at sa tuwing makikita ako ay Marcos agad ang topic at tinatanong kung dumadalaw daw kami sa dating First Lady na si Congresswoman Imelda Marcos. Bihira na kasing magkita ang dalawa at sana daw ay madalas namin dalawin. Sigurado kami na nasa Ilocos ‘yun ngayon dahil napakainit dito sa Maynila.

Vicky pilit sinisiraan

Si Vicky Morales pa ba ang intrigahin komo nakasama lang sa picture ang anak ni Janet Napoles na si Jeane gayung pareho lang silang um-attend sa birthday party ng pamangkin ni Janet? Magkasamang naninirahan sa isang condominium building ang may birthday at ang pamilya nina Vicky. Natural, bilang magkapitbahay ay magkakalaro ang mga anak nila sa common playground ng condo at dahil nagbi-birthday party ang pamangkin ni Janet naimbitahan ang anak ni Vicky na laging sinasamahan ng ina sa mga ganitong okasyon.

Si Vicky ay matagal na naming kakilala na mula sa Buena Pamilya at nakatira sa  plush Forbes Park na tinitirahan ng mga old rich families.

Hindi niya sisirain ang integridad bilang isa sa mga credible newscaster ng GMA-7.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

AMERIKA

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

BATANES

BUBBLE GANG

BUENA PAMILYA

CHIZ ESCUDERO

MGA

VICKY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with