^

Pang Movies

Porno sa bus nadakip ng MTRCB

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Walang lusot sa MTRCB ang mga provincial bus driver na nagpapalabas ng malalaswang pelikula sa loob ng kanilang mga minamaneho na sasakyan.

Nanganganib na makansela ang franchise ng bus company na nahulihan na may malaswang video sa loob ng pampasaherong bus.

Pilit na nangatwiran ang bus driver sa mga opis­yal ng MTRCB na nakakita sa porno movie pero huli na ang lahat dahil matibay ang ebidensya.

Hindi lamang ang  pagpapalabas sa bus ng mga malalaswang pelikula ang ipinagbabawal ng MTRCB. Bawal  ang mga pelikula na bayolente at hindi nararapat na mapanood ng mga bata. Bawal din ang mga pirated DVD .

Speaking  of pirated DVD’s, naniniwala ako na wala nang function ang Optical Media Board (OMB). Si Edu Manzano ang nagsabi sa akin na hindi na active ang OMB  kaya wala na tayong na­­babalitaan na nagbebenta ng pirated DVD’s na hi­nuhuli o mga tindahan na nire-raid ng mga ahente ng OMB.

Alam ni Edu ang kanyang sinasabi dahil ito ang dating head ng OMB at may komunikasyon pa rin siya sa mga dating kasamahan niya.

In demand na direktor ng gma engaged na sa gf na countless ang TV commercial

Engaged na ang direktor na si Rico Gutierrez sa kanyang girlfriend na si Michelle Bea Paloma. 

Hindi pa sinasabi ni Rico ang  date nila ni Mi­chelle sa altar pero looking forward ang kanilang mga kaibigan sa pag-iisang dibdib ng dalawa.

Matagal nang may relasyon sina Rico at Michelle na pamilyar ang mukha dahil sa countless TV commercials na ginawa niya at product endorsements.

Isa si Rico sa mga in demand na direktor ng GMA 7 at mga top-rating ang lahat ng kanyang mga television show. Siya ang direktor ng wedding special nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.

Joey de Leon nalibot na ang kalahati ng mundo

Dahil walang Startalk sa Black Sa­turday, bakasyon grande sa Japan si Joey de Leon at kasama niya ang mga dabarkads niya sa Eat Bulaga.

Ang magbiyahe nang magbiyahe ang favorite hobby ni Papa Joey na nakakainggit dahil nalibot na yata niya ang kalahati ng buong mundo.

Marunong mag-manage ng oras si Papa Joey. May panahon siya na magtrabaho at may oras para maglamiyerda sa ibang bansa, kasama ang kanyang pamilya.

Mariel niraspa na

Mali pala ang mga headline noon na nakunan si Mariel Rodriguez dahil niraspa ang correct term sa pinagdaanan niya kahapon.

Walang heartbeat ang sanggol na ipinagbubuntis ni Mariel at kahapon naganap ang procedure para malinis ang dugo sa loob ng kanyang sinapupunan.

Si Robin Padilla ang source ng kuwento tungkol sa pinagdaanan ng kanyang misis. Lalong tumaas ang respeto ni Robin sa kababaihan nang masaksihan niya nang personal ang sakit na naranasan ni Mariel, emotionally and physically.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAWAL

BLACK SA

DINGDONG DANTES

EAT BULAGA

HEART EVANGELISTA

MARIEL

MGA

PAPA JOEY

RICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with