^

Pang Movies

Chinese fan namamakyaw ng mamahaling sapatos para sa young actress na idolo

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Suwerte pala ng young actress na ito na produkto ng isang reality TV show, huh!

May isang mayamang Chinese fan pala ito na napapansin na compared sa ibang young actresses, mumurahing brand lang ng sapatos ang madalas na isinusuot ni young actress.

Dahil fave na fave ng Chinese fan si young actress, namakyaw ito ng mamahaling shoes at iniregalo ‘yon sa iniidolo.

Sobrang shocked daw si young actress and in fairness, ayaw raw sana nitong tanggapin ang expensive shoes, pero ang Chinese fan daw ang namilit na ku­nin na niya ang mga ‘yon.

Gusto raw kasi ng Chinese fan na kung ano ang meron ang ibang young actresses, meron din ang idol niya.

Sino si young actress? Ay, huwag na, itanong n’yo na lang kay Tarzan!

Toni at Alex staycation ngayong mahal na araw

Kung ang karamihan ay magbabakasyon ngayong Holy Week, “staycation” naman ang drama ng magkapatid na Toni at Alex Gon­zaga.

Hindi na aalis ngayong linggong ito ang magkapatid dahil sa April 7 ay pupunta naman sila sa Australia.

May dalawang shows sa Sydney sina Toni at Alex.

Sabi ng nanay nilang si Pinty Gonzaga, tatapusin na lang muna nina Toni at Alex ang ilang trabaho rito sa ‘Pinas dahil hanggang April 12 pa sila sa Sydney.

Ang first show nila ay sa Blacktown Wor­kers Club on April 10 at ang pangalawa ay sa The Mounties Club Showroom Mt. Prichard.

Sayang, by the time na nasa Sydney na ang magkapatid at ang Mommy Pinty nila, nakaalis na roon ang mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid at anak na si Nate.

Kahapon nga pala umalis pa-Sydney ang mag-asawa para bisitahin doon ang mag-asawang Mark at Michelle (van Eimeren) Murrow at ang mga anak ni Ogie na sina Leila at Sarah.

Gretchen inililihim sa mga kaibigan ang rason ng away nila ni Marjorie

Nakasalubong ko sa isang posh mall ang isang matalik na kaibigan ni Gretchen Barretto.

Sinita ko siya dahil bago pa man kumalat ang tungkol sa away ng magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto ay inusisa ko na siya tungkol doon, pero ayaw niyang magsalita.

“Kita mo, totoong magkaaway ang magka­pa­tid, nag-deny ka pa!” sey ko sa matalik na kaibi­gan ni Gretchen.

“Correction, hindi ako nag-deny, ang sabi ko, hindi ko alam ang talagang dahilan ng away nila!” paliwanag ng kaibigan ni Gretchen.

Gano’n?! Ibig sabihin, hindi pala open si Gretchen sa mga kaibigan niya tungkol sa totoong dahilan ng away nila ng nanay ni Julia Barretto?

Well…

 

vuukle comment

ACIRC

ALEX

ALEX GON

ANG

BLACKTOWN WOR

GRETCHEN

GRETCHEN BARRETTO

HOLY WEEK

JULIA BARRETTO

MARJORIE BARRETTO

TONI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with