^

Pang Movies

Claudine ayaw sa tambalang Julia at Iñigo

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Magkaiba ang sinasabi ng magkapatid na Claudine at Marjorie Barretto patungkol  kay Julia Barretto.  Ayaw ni Claudine na magkaroon ng ka-loveteam si Julia, dahil naniniwala ang Tita ng bagets na makakatayong mag-isa ang dalaga sa kanyang career kahit walang ka-partner. 

Hindi dahil sa ‘di boto o bilib si Claudine kay Iñigo Pascual na anak ni Piolo Pascual bilang ka-loveteam ng kanyang pamangkin. Confident si Claudine na malakas na ang hatak ni Julia sa tao, plus kahit noong bata pa ay nagpamalas na ng galing sa pag-arte ang kanyang pamangkin. Lalo na ngayong full-time na si Julia sa kanyang showbiz career kaya paniwala ni Claudine sisikat ang pamangkin bilang aktres. Kaya ipinaglalaban ni Claudine na kayang tumayo sa sariling pagsisikap si Julia bilang artista na anak din ni Dennis Padilla.

Wala namang tutol si Marjorie sa pagpapatakbo ng Star Magic sa career ni Julia kahit binigyan ito ng ka-loveteam dahil na rin talagang trending ang tambalan.

Basta ang bilin lang ni Marjorie ay huwag mahuhulog ang loob ni Julia sa kanyang ka-loveteam. Takot si Marjorie na makaapekto ang binata sa gumagandang career ng kanyang anak.

At least, malinaw kina Julia at Iñigo ang kanilang priorities na unahin ang kani-kanilang career bago ang lovelife. Kaya friends zone agad ang foundation  ng dalawa na parehong kumportable sa isa’t isa. Kahit swak na swak sa trip ni Iñigo si Julia na bukod sa pretty ay gustung-gusto nito sa pagiging down to earth ng dalaga at walang ere o yabang sa katawan.

 

vuukle comment

ANG

ATILDE

AYAW

CLAUDINE

DENNIS PADILLA

JULIA

JULIA BARRETTO

KAYA

MARJORIE BARRETTO

PIOLO PASCUAL

STAR MAGIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with