^

Pang Movies

Kesa makialam sa problema ng iba, Robin mas dapat asikasuhin ang career

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ano ba naman itong si Robin Padilla, bakit kaya hindi niya asikasuhin ang kanyang career? Ano ba talaga ang priorities niya? At ano na naman iyang sinasabi niyang “rebolusyonaryong pangkapayapaan” na kinakatawan niya? Ano ‘yan para na namang H World?

Nagulat lang kami kung ano ang dahilan at bigla na lang siyang pumasok sa problema sa “clouds”. Napaka-petty na nga ng naging problemang iyon. Kung iisipin, kayang ayusin iyon ng dalawang nag-away eh. Wala nang dapat pang makialam. Ang hinihingi lang naman ng nagdemanda ay public apology sa telebisyon dahil siniraan siya rito. Iyong isa naman, nag-apologize nga sa social media, at ang statement ay tila bantulot pa.

Gusto nilang maayos iyan, kung talagang ayaw na niya ng gulo, ang bilis nga niyang nakatawag ng TV crew para ihayag ang side niya matapos pababain sa eroplano, bakit naman hindi niya magawa iyon ngayon? Hindi naman siguro siya nangangailangan ng malaking pera para gawin iyon. Hindi naman siguro problema iyon kahit na singkuwenta na siya.

Ito namang si Robin, parang hindi na nadala. Noon nakialam siya sa Abu Sayyaf, halos na-hostage na siya dahil hindi siya pinaalis hanggang hindi dumarating iyong ipinangako niyang tulong. Nakialam din siya noong sugurin ng mga Muslim iyong Sabah.

Ano na naman ngayon iyang “rebolusyonaryong pangkapayapaan”? Noong araw na-imbestigahan na sila dahil doon sa H World. Bakit hindi iyong kanyang career ang asikasuhin niya? Sa aminin man niya o hindi, medyo tagilid ang kanyang career sa ngayon. Iyong huli niyang pelikula, masama na ang resulta sa takilya. Ang pelikula niya bago iyan, na ginawa pa nila ng kanyang asawa na si Mariel Rodriguez, gumapang din iyon sa takilya.

Iyon ding pelikula ng kanilang pamilya, hindi rin ganoon kalakas iyon. Ang dapat na ginagawa ngayon ni Robin ay pinag-aaralan sana how to reinvent iyong kanyang career at nang sa ganoon tumaas ulit iyon. Kung iisipin mo, ganoon pa rin naman ang kanyang hitsura. Siguro nga masasabing mas magaling pa siyang artista ngayon. Pero bakit ganyan ang dating sa takilya ng kanyang mga pelikula?

Kung aasikasuhin lamang nang husto ni Robin ang kanyang career, naniniwala kaming mas makakabawi pa siya. Huwag na muna niyang intindihin ang problema ng iba. Intindihin na muna niya ang sarili niya at ang pamilya niya.

 

vuukle comment

ABU SAYYAF

ACIRC

ANG

ANO

H WORLD

HINDI

IYON

KANYANG

NAMAN

NIYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with