^

Pang Movies

Jennylyn hindi na makapaghintay ng bakasyon grande

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Aligaga na ang mga artista sa halos araw-araw na taping ng kani-kanilang soap, pero wala silang reklamo dahil makakapahinga naman at makakapag-recharge sila sa mga susunod na araw dahil Holy Week na.

Isa si Jennylyn Mercado sa cast ng Second Chances na looking forward na after ng taping niya ay sa Malapascua sa Cebu ang kanyang destination.

Camille hirap na sa pagiging bipolar

Aminado naman si Camille Prats na hirap siya sa role niya as Rebecca sa Second Chances. “Bipolar ang role ko, kaya sa mga eksena ko, up and down ang mga emotions na dapat kong ipakita,” kuwento ni Camille.

“Eh, halos araw-araw ang taping namin dahil nga sa Holy Week, tapos meron pa akong taping ng Mars namin ni Ate Suzi (Entrata). Pero sa Holy Week, may time na ako na mag-recharge at maki-bonding sa family ko, lalo na sa anak kong si Nathan. Dito lamang naman kami sa property namin sa Batangas. Doon lamang kami, kasama namin si Ate Isabel (Oli).

Rafael ‘magpapakalunod’ 

Nature and beach lover naman si Rafael Rosell, kaya nag-enjoy siya sa ilang mga eksena nila sa beach while taping Second Chances. This Holy Week, sur­fing naman ang pampaalis niya ng pagod at pupunta siya sa isang beach na head high ang waves. Mayroon na raw silang pupuntahan ng family niya na beach surrounded by plants and veggies, just nature ang kasama nila. Nalimutan na­ming tanungin si Rafael kung uuwi sa bansa ang model-girlfriend niya na naka-base sa Australia.

Yagit kids magpapasaya ng mga bata

Ang cast ng Yagit ay magbibigay ng summer fun ngayong Linggo sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna, bago sila magtapos ng taping. Titled Summer Fun at Enchanted Kingdom, Gift ng Yagit sa mga Kids, gaganapin ito sa Space Port Area ng theme park at 3:30 p.m. to be hosted by Tess Bomb.

 

 

 

vuukle comment

CAMILLE

CAMILLE PRATS

ENCHANTED KINGDOM

HOLY WEEK

JENNYLYN MERCADO

RAFAEL

SECOND CHANCES

YAGIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with