^

Pang Movies

Mga nakaraan nakalkal: Coney Reyes katakut-takot na panlalait ang inaabot!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang paniwala namin, siguro naman ay walang ma­samang intensyon si Coney Reyes noong siya ang pinag-host sa cremation rites para kay Liezl Martinez. Sa palagay namin, kung anuman ang kanyang nasabi o hindi nasabi, iyon ay dahil sa limitasyon din naman ng paghahanda. Siguro nga hindi naman siya talagang prepared sa ganoon. Maaaring naroroon lang din siya para makiramay.

Iyang ganyang hosting ay hindi isang professional work. Ginagawa lang naman iyan out of pakikisama o pakikiramay. Pero sa pangyayari ngang iyon, nasabihan siya ni Amalia Fuentes na “bastos” dahil ni hindi nga siya kinilala bilang ina ni Liezl. Noong una, ni hindi nababanggit kung sino ang sinasabing “bastos na host.” Noong malaunan, lumabas na si Coney Reyes pala ang sinasabi nito.

Iyong mga naniniwala na mali naman ang ginawang iyon kay Amalia, natural may masama ring sasabihin ngayon laban kay Coney. Kaya lang, sa palagay naman namin, below the belt na iyong ungkatin pa kung anuman ang mga naging pagkakamali ni Coney sa kanyang buhay in the past. Hindi rin kami kabilang diyan sa mga Born Again Christian, at nananatili kami sa pananampalatayang Katoliko, pero parang hindi rin naman maganda sa pan­dinig namin na ang paniniwalang ganoon ay tawaging “kulto.”

Pero sa isang taong galit, hindi mo na masasabi iyan. Ang mga taong galit, sasabihin na niyan kahit na ano, dahil ang alam niya, una siyang hindi ginawan ng maganda.

Kagaya nga rin ng sinasabi ng marami, hindi na sana hahaba iyan kung hindi na nagsalita ng kung ano pa ni Alyanna Martinez. Kung nanahimik na lang sila, palagay namin tapos na ang problema. Ganyan din naman ang sitwasyon ni Coney sa ngayon, palagay namin mas mabuting huwag na lang siyang magsalita ng kahit na ano pa man, dahil lalo lamang lalaki ang gulo.

Hindi man niya ginusto, nadamay na siya.

Rhian nagwagi sa pangwawasak ni DJ Mo

  Hindi kami kani-kanino, pero sa palagay namin, kung ano man ang masabi ni Rhian Ramos laban sa naging boyfriend niya noon na si Mohan Gumatay, alyas DJ Mo, dapat naman nananahimik na iyong lalaki.

In the first place, siya naman ang nauna. Gusto niyang wasakin si Rhian nang gusto na noong ma­kipag-split sa kanya. Naglabas siya nang kung anu-anong video na nakakasira kay Rhian. Noon namang idedemanda na siya, natakot siya at tumakas papunta sa New York. Hindi na siya bumalik dito dahil alam niya may kaso siyang kailangang harapin. Kung matapang ‘yang si Gumatay, sana hindi siya umalis at hinarap niya ang demanda laban sa kanya ni Rhian.

Hindi lang naman ‘yan ang kaso niya, matapos niyang mabuntis si Bunny Paras, ano ang nangyari? Pinabayaan din niya ang anak niya kay Bunny. Sa ganoong sitwasyon, maiisip nga kaya ni Rhian na hindi rin ganoon ang mangyayari kung nagka-anak din sila?

Ang sinabi lang naman ni Rhian, binigyan siya ng korte ng “temporary protection order”, na ibig sabihin hindi na siya malalapitan ni Gumatay. Kung sa palagay ni Rhian sapat na iyon para siya ma-vindicate at nasabi niyang panalo na siya, ano ang masama roon? Kung iisipin, dahil sa pagta­tago ni Gumatay sa US, puwede na talagang hingin ng kampo ni Rhian sa korte na ipatalo si Gumatay “by default” dahil sa hindi niya pagsipot sa mga hearing. Dapat tahimik na lang si Gumatay.

vuukle comment

CONEY REYES

GUMATAY

KUNG

LANG

NAMAN

NIYA

RHIAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with