^

Pang Movies

Bagong bahay ni Pacman sa America kakailanganin ng sandamakmak na kasambahay

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nice move ang pagbili ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang mansion na dating pag-aari ni Jennifer Lopez.

Nagustuhan kasi ni Jinkee ang mansion nang dalhin siya roon ng asawa kasama ang mga anak. Nag-aagawan na nga raw ng mga kuwarto ang mga bata na ayaw nang iwan ang napakalaking bahay.

Worry ko lang ay sobrang laki ng bahay para sa pamilya ni Manny na dito naman naninirahan sa Pilipinas. Hindi naman siguro igi-give-up nina Manny at Jinkee ang kabuhayan nila sa Pilipinas at sa estado nila rito para lang sa mansion sa L.A.

Kailangan nila ng maraming tauhan para mapanatili ang kagandahan ng bahay at kapaligiran. Mala­king gastos ang maintenance nito kahit ano’ng dami ng pera mo. Kaya ang mayayaman sa America after ilang years ay ibinebenta na ang bahay nila.

Kahit gaano kayaman, Ruffa ayaw sa matatanda 

Napuntahan na rin daw nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez ang bagong bili na bahay ni Pacman noong ang nagmamay-ari pa nito ay isang Palestinian na nanligaw kay Ruffa.

Pero ‘di type ni Ruffa ang guy at mukha raw masusungit ang mga anak. Sobra raw ang tama ng guy kay Ruffa pero ayaw yata ni Ruffa ng mga may edad kahit ano’ng yaman nito.

Si Annabelle ang nanghihinayang sa mga mayayamang nanliligaw noon kay Ruffa.   

Speaking of Annabelle, ibinalita nito sa amin na ongoing ang shooting ng season 3 ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

Sa Bali, Indonesia ang punta ng buong pamilya nila sa Holy Week kasama ang French boyfriend ni Ruffa.

AiAi wala na talagang planong bumalik sa Kapamilya

Tuloy na tuloy na si AiAi delas Alas sa GMA-7 at may mga minor details pang inaayos ang Backroom sa kanyang pipirmahang kontrata. Kaya walang katotohanan na nag-aabang pa siyang amuin ng iiwang network.

Desidido na ang komedyana at wala na naman siyang dapat i-prove pa sa tagal na niya sa showbiz.

Nasa kanya na ang desisyon kung kailan niya gustong magtrabaho. Talbog!!!

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

EDDIE GUTIERREZ

HOLY WEEK

IT TAKES GUTZ TO BE A GUTIERREZ

JENNIFER LOPEZ

JINKEE

KAYA

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with