^

Pang Movies

Tatlong network palakihan ng kita sa laban nina Pacman at Mayweather

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagpasalamat si Manny Pacquiao at nagsama ang tatlong malalaking TV networks na ABS-CBN, GMA-7, at TV5 sa paghahatid sa publiko ng kanyang laban kay Floyd Mayweather.

Bakit tatlong network? Ang unang naiisip na­min ay ang napakalaking cost ng coverage. Hindi makakaya ng isang network lamang iyon. Hindi naman nila maibebenta nang napakataas ang commercials sa Pilipinas. Kung masyadong mahal, walang bi­bili ng spots. Hindi naman maaaring magbenta ka ng napakaraming spots at tumagal nang maghapon ang telecast ng laban. Magagalit na ang audience noon.

Kaya ang talagang solusyon diyan, mai-te­lecast iyan nang sabay-sabay ng tatlong malala­king TV network, makakapagbenta sila ng kanya-kanyang commercials, at masambot ang gastos ng cove­rage. Ang advantage naman ng publiko, hindi sa lahat ng lugar maganda ang signal ng isang network.

We know for a fact na maraming area sa Visayas at Mindanao na mas maganda ang signal ng TV5. Makakapili ngayon ang mga manonood kung sino ang may mas magandang signal sa kanilang lugar. Hindi sila kailangang magtiis sa mga pangit na signal.

Napakamahal din ng pay per view. Iyon na lang talagang wala nang paglagyan ng pera ang gagawa niyan. After all, sabihin na nating kalaha­ting oras lang naman ang pagkakaiba. Kung gusto ninyong malaman nang maaga ang resulta, puwes asabihin na iyan sa mga istasyon ng radio.

Birada sa pagpapayong ni Sharon hindi makatarungan

Mukhang unfair iyong mga comment laban na naman kay Sharon Cuneta ng isa sa mga nanood ng concert ng One Di­rection. Nagkataong sa kalagitnaan mis­­mo ng concert ay umulan, at nagbukas ng payong si Sharon. Nagagalit ang basher dahil wala raw consideration ang Megastar at hindi ini­isip na may iba pang na­­nonood ng concert maliban sa kanya, na dahil sa pagbubukas niya ng payong ay hindi na makita ng mga nasa likod ang kanilang idolo.

Hindi kami kani-kanino ha, pero tingnan naman muna natin ang sitwasyon.

Ang paniwala namin, kahit na sinasabi ni Sharon na siya mismo ay One Direction fan, at nagpahayag pa nga ng kalungkutan nang umalis sa grupo si Zayn Malik, naroroon siya hindi dahil sa sarili niya kundi dahil sa kanyang mga anak na siyang fan talaga ng grupo.

Kung mapapansin ninyo, maski na sa picture na inilabas nila na nagpapakitang may payong si Sharon, may kandong kasi siyang maliit na bata. So you can guess base sa mga pictures na iyon, sinamahan niya ang kanyang mga anak. Ano normally ang gagawin ng isang ina kung umulan at kasama niya ang kanyang mga anak?

Kahit na ano pa ang sabihin ninyo, walang nanay na gustong mabasa ng ulan ang kanyang mga anak. Human instinct iyon eh. Ang una mong iisipin, mababasa ang anak mo. Palagay naman namin hindi napakalaking problema noon. Siguro nga may natakpan, pero isa o dalawang tao lang iyan at ang ginagawa naman normally, iniiwasan lang ang takip na i­yon, o kung hindi siguro sinabihan na nila ang may hawak ng payong. Minsan lang talaga, may mga taong sasabihin kahit na ano makapang-bash lang.

vuukle comment

FLOYD MAYWEATHER

NAMAN

ONE DI

ONE DIRECTION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with