^

Pang Movies

Sen. Chiz perfect husband daw, Heart nagsalita na sa away nila ni Angelica

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ready na si Heart Evangelista to be a mom. Bagama’t next year pa naman daw ang plano niya na magbuntis, this early ay inihahanda na niya ang kanyang katawan para maging healthy ang kanyang pagbubuntis.

“Nagpunta na ako ng doktor, inayos ko na kung anon’g mga kailangan kong kainin, mga shots na kailangang paghandaan, ano’ng mga dapat kong gawin at hindi dapat inumin, mga ganyan. I’m preparing myself for that,” sabi ni Heart nang makausap namin sa opening at ribbon-cutting ceremony ng Uncle Tetsu Cheese Cake sa SM Megamall last Thursday.

“I want to be a mom already coz 30 na ako, so it gives me time to decide if I want another baby after that,” dagdag pa niya.

Kahit election season next year?

“Ewan ko kung tatakbo siya (Sen. Chiz Escudero, her husband) pero kung tatakbo siya, baka I might wait a bit more, but I’m really into family planning, I have things to do as an artista, and the contracts that I signed. So, I’ll wait maybe middle of 2016 and then, I’ll get pregnant.”

Sa ngayon ay isa pa lang daw ang plano nilang baby pero kung magdadagdag pa sila after the first baby, aniya ay gusto raw niya ay kambal at quota na siya.

Nasa genes naman nila pareho ang pagkakaroon ng twins dahil as we all know ay kambal ang anak ni Sen. Chiz sa unang asawa at sa side naman ni Heart, may kambal daw na anak ang kanyang kapatid.

Ayon pa sa aktres, sobra niyang nae-enjoy ang buhay may-asawa at sobrang happy daw siya sa pi­ling ni Chiz.

“Masaya. I’m learning a lot, maturing in many different ways. It’s very good para sa akin, ang dami kong natututunan talaga. Sa pagluluto, sa pag-aalaga ng bata, saka lahat ng mga natutunan ko ng bagets ako, ‘yung mga pag-i-scrap book, lahat, natuturo ko sa mga bagets (anak ni Chiz), so it’s different.”

Ang daily routine niya ngayon ay ibang-iba na kaysa dati. Gumigising daw siya nang maaga para mag-work-out at pagkatapos ay magluluto na ng almusal ‘pag nandiyan pa ang asawa. Madalas daw kasi ay maagang nagigising si hubby and as early as 4:30 am ay nagsisimula na ang araw nito.

“But I make sure na may pangtulog siya, I make sure na maayos ang bahay, ‘yung settings ng table, maayos. Mga ganu’n. Pero masaya ang feelings kasi I could really feel na as a woman, ang laki ng iminature ko, ‘yung patience ko, ‘yung ganyan, and kung baga, multi-faceted in a way na you have to make time for everybody and everything in your life and not forget yourself at the same time.”

Kumusta naman si Sen. Chiz as a husband?

“Ay perfect. Talagang he’s really the perfect guy in the world. I’m so happy,” she said.

Kaya nga she’s doing all her best para naman malampasan daw niya ang asawa sa mga ginagawa para sa kanya.

“Even us, like you know, as a stepmom of his kids, hindi siya nagiging mahirap sa akin, nagiging effortless siya para sa akin, kasi sobrang grabe siyang magmahal. Sobrang perfect siya na I wanna be better for him.”

Tungkol naman sa post ni Angelica Panganiban sa Facebook na hindi raw siya inimbitahan sa kasal ni Heart, ayon sa aktres ay inimbitahan daw niya ito personally.

“We talked for 30 mi­nutes before anything else, she said she’d be in Japan with John Lloyd’s family, na na-block niya ‘yun (date of the wedding) and I asked her again for the reception if she’ll be there kasi different date naman ‘yun, she said that she’d still be in Japan, so hindi ko na siya kinulit,” paliwanag ni Heart.

So, inimbita niya naman pala?

“Definitely. Although I didn’t print anymore an invitation but personally, we were on the phone for 30 minutes.”

Nabalitaan daw niya sa isang friend na ang dahilan daw ni Angelica sa hindi pagpunta ay dahil hindi niya ito kinulit.

“But I mean, you know, I had other issues, too, I had my parents (issue) ­ongoing, so I will think that she will not take it into heart that I didn’t keep calling her but hindi ko lang personality ‘yung mangulit na “go, go, go,” ‘di ba?” say pa ni Heart.

Kung may samaan man ng loob na namamagitan sa kanila ngayon, ani Heart ay matanda na raw sila para riyan.

“If you cannot make, then you cannot make it, it’s okay. We have a whole life, may binyag pa, may ninang-ninangan moment pa, so it doesn’t stop there. So I hope she doesn’t take it to heart na hindi ko siya tinawagan ulit-ulit, sana wala naman, kasi ako for me, okay lang, wala naman din.”

vuukle comment

BUT I

CHIZ

DAW

HEART

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with