^

Pang Movies

Babawiin na raw ang ‘trono’ Claudine balik-ABS-CBN na?!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Mukhang true ang balita na babalik na nga si Claudine Barretto sa ABS-CBN dahil nag-post siya sa kanyang Instagram account ng mga lararawan niya sa one on one interview niya kay Boy Abunda na ieere sa The Buzz this Sunday.

Matagal na ngang umiikot ang tsismis tungkol sa pagba­balik ni Claudine sa ABS-CBN at lagi naman itong pinabubulaanan ng network. Ang latest nga na naririnig namin ngayon ay pagsasamahin daw sila ni Judy Ann Santos sa isang proyekto, at wala pa lang detalye kung sa TV ba or pelikula.

Inamin na rin ni Juday nang huli namin siyang makausap na may nagpa­sabi na nga sa kanya ng plano na pagsamahin sila pero wala pa raw talagang konkretong offer.

Sa IG post ni Claudine, ang tanging sabi lang niya ay abangan daw ang kanyang one-on-one interview sa The Buzz this Sunday. Ikinatuwa naman ito ng kanyang fans and followers at sila na mismo ang nagkomento na ito na nga ang sinasa­bing pagbabalik ng kanilang idolo.

Isang follower ang nag-comment na panahon na raw para magbalik si Claudine at kunin ang talagang para sa kanya at ito ay ang pagiging reyna ng ABS-CBN.

Nakaaway na pasahero OA na raw! Mga dating ‘di pabor sa ginawa ni Melissa kampi na ngayon sa aktres

Itinuloy na nga ng negosyanteng nakaalitan ni Melissa Mendez na si Rey Pamaran ang demanda sa aktres. Kasama ang abogadong si Atty. Raymond Fortun, nagsampa ng kasong Slander by Deed ang kaibigan ni Andrew Wolff with P3-M damages kahapon sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Ito ay sa kabila ng pag-issue ng public apology ni Melissa kay Pamaran noong Martes dahil matatandaang isa ito sa kondisyon ng negosyante para huwag niyang kasuhan ang aktres.

Ang isa pang kondisyon ni Pamaran ay magsabi ng totoo si Melissa at ito raw ang hindi natupad ng aktres kaya itinuloy niya ang pagdedemanda.

Ayon pa kay Pamaran, tatanggapin lang niya ang public apology ni Melissa kung babaguhin daw nito ang ilang mga detalye sa kuwento hinggil sa insidenteng nangyari sa kanila last March 19 sa loob ng eroplano habang patungo sila ng Pagadian City.

Samantala, umani ng batikos ang hindi pagtanggap ni Pamaran sa paghingi ng tawad ni Melissa at marami ang nagsabi na OA na raw ang negosyante.

Humihingi na ng tawad ang babae sa kanya at nagpakumbaba na pero hindi pa rin niya ito tinanggap. Say ng isang netizen, ano pa raw ba ang gusto ni Pamaran na gawin ni Melissa dahil kulang na lang ay paluhurin niya ito at halikan ang kanyang paa.

Ang iba naman ay nagsa­bing kung dati ay kumakampi sila kay Pamaran dahil sa ginawa ni Melissa, this time ay na sa aktres na raw ang kanilang simpatiya dahil nga sa hindi pagtanggap ng negosyante sa apology nito.

Well, may point naman ang mga netizen. Mas maganda sana kung tinanggap na lang ni Pamaran ang apology at mag-move-on na sa insidente’t nang pareho na silang matahimik.

Janella big time na, may sariling fans day

Sikat na talaga si Janella Salvador dahil keri na ­niyang magdaos ng sarili niyang fans day. Nakatakdang magkaroon ng first ever grand fans day ang young actress this Sunday, March 29 sa Trinoma Activity Area, at 5 p.m.

Ito ay dahil na rin sa magandang ratings na nakukuha ng serye niyang Oh My G! na napapanood sa morning slot ng ABS-CBN. Although first big break niya talaga ang Be Careful with My Heart at dito siya talaga nakilala ng mga tao, ang OMG ang lalong nagpaningning ng kanyang career dahil siya talaga ang bida rito.

Kaya naman bilang pasasalamat sa mga taong sumusuporta sa kanya at sa serye ay naisip nilang magdaos ng malaking fans day para maka-bon­ding niya ang kanyang mga tagahanga. Kasabay na rin ito ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa March 30.

Makakasama niya sa grand fans day and birthday celebration ang leading man niya sa OMG na si Mario Mortel.

vuukle comment

ANDREW WOLFF

BE CAREFUL

BOY ABUNDA

CLAUDINE

DAHIL

MELISSA

NIYA

PAMARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with